24/08/2026
๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐๐ ๐๐ง ๐ฃ๐ข!
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging kinatawan, katuwang, at sumuporta sa ating Bayan sa Likhang Niyogyugan 2026.
Mula sa malilikhaing konsepto at paggawa ng video/pelikula, deklamasyon at talumpati, hanggang sa pagtatanghal at pagtatampok ng ating mga lokal na produkto, buong husay ninyong ipinamalas ang talento, pagkamalikhain, sipag, at pagmamahal sa ating bayan.
Sa bawat likha, salita, pagtatanghal, at produktong inyong ipinagmamalaki, dala ninyo ang pangalan ng Dolores at ang kuwento ng isang bayang mayaman sa talento, kultura, at potensiyal.
Higit pa sa mga parangal at pagkilalang inyong natanggap, ang tunay na tagumpay ay ang pagkakataong maipakita ninyo sa buong Quezon ang galing ng bawat Doloresin.
Maraming salamat sa inyong dedikasyon at buong pusong pagrepresenta sa ating bayan. Kayo ay patunay na ang Doloresin ay malikhaing mag-isip, mahusay lumikha, at buong pagmamalaking kumakatawan sa ating bayan.
Mabuhay ang ating mga talentadong Doloresin! Ipinagmamalaki namin kayo!