20/04/2026
๐ฆ๐ ๐ก๐จ ๐ญ๐ฆ ๐ช๐ด๐ซ๐ณ๐ด๐ฑ๐ ๐ ๐ณ ๐ฏ๐ ๐ฆ๐ช๐จ๐ซ๐ ๐ซ๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ 2026
Isang makabuluhang gabi ng pagbibigay parangal sa husay, sipag, at dedikasyon ng kabataang Doloresin. Ipinagdiriwang natin ang Natatanging Kabataang Doloresin at ang mga Most Outstanding SK Programs 2026 na naging daan upang mas mapalakas ang partisipasyon ng kabataan sa pag-unlad ng ating bayan.
Sa gabing ito, kinikilala hindi lamang ang tagumpay, kundi pati ang sakripisyo, malasakit, at walang sawang paglilingkod ng ating mga kabataang lider at SK sa bawat barangay.
Ang bawat parangal ay simbolo ng inspirasyon patunay na ang kabataan ng Dolores ay may kakayahang maghatid ng makabuluhang pagbabago sa komunidad.
Isang taos-pusong pasasalamat kay Mayor Orlan A. Calayag sa pagbibigay ng pagkakataon sa kabataan namaipakita ang kanilang talento at kakayahan, at sa tuloy-tuloy na suporta sa mga programang pangkabataan.
Gayundin kay Hon. Jackelyn D. Delimos, SKPF President, maraming salamat sa presensya, suporta, at pakikiisa sa mga gawain ng kabataan na nagsisilbing inspirasyon sa mas maayos at aktibong pamumuno.
LAGI'T LAGI PARA SA KABATAANG DOLORESIN ๐ค