UNLAD Dolores

UNLAD Dolores Welcome to the official page of UNLAD Dolores
(2)

๐„๐€๐‘๐“๐‡๐๐”๐€๐Š๐„ ๐€๐‹๐„๐‘๐“! PAALALA: Naramdaman ang lindol sa ating bayan.Manatiling kalmado at unahin ang kaligtasan. Patuloy na ...
07/08/2026

๐„๐€๐‘๐“๐‡๐๐”๐€๐Š๐„ ๐€๐‹๐„๐‘๐“!

PAALALA: Naramdaman ang lindol sa ating bayan.

Manatiling kalmado at unahin ang kaligtasan. Patuloy na maghintay ng mga opisyal na anunsyo mula sa ating Mdrrmo Dolores Quezon at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST). Huwag magbahagi o magpalaganap ng mga impormasyong hindi pa kumpirmado upang maiwasan ang pagkalito at maling impormasyon.

Maging alerto at laging mag-ingat, Doloresin!

EMERGENCY HOTLINE NUMBERS:
๐Œ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž : ๐ŸŽ๐Ÿ—๐Ÿ๐Ÿ— ๐Ÿ–๐ŸŽ๐Ÿ• ๐Ÿ–๐Ÿ—๐Ÿ—๐Ÿ— / ๐ŸŽ๐Ÿ’๐Ÿ-๐Ÿ“๐Ÿ”๐Ÿ“-๐Ÿ”๐Ÿ•๐Ÿ๐Ÿ
๐๐…๐ : ๐ŸŽ๐Ÿ—๐Ÿ‘๐Ÿ– ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ“๐Ÿ / ๐ŸŽ๐Ÿ’๐Ÿ-๐Ÿ•๐Ÿ–๐Ÿ–-๐Ÿ•๐Ÿ๐Ÿ“๐Ÿ“
๐๐๐ : ๐ŸŽ๐Ÿ—๐Ÿ—๐Ÿ– ๐Ÿ“๐Ÿ—๐Ÿ– ๐Ÿ“๐Ÿ•๐Ÿ’๐Ÿ— / ๐ŸŽ๐Ÿ’๐Ÿ-๐Ÿ“๐Ÿ”๐Ÿ“-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ”
๐€๐Œ๐๐”๐‹๐€๐๐‚๐„ : ๐ŸŽ๐Ÿ—๐Ÿ๐ŸŽ ๐Ÿ๐Ÿ–๐Ÿ‘ ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ“๐ŸŽ
๐—ฅ๐—›๐—จ/๐—ฃ๐—–๐—™ : ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿต๐Ÿด ๐Ÿต๐Ÿฑ๐Ÿญ ๐Ÿณ๐Ÿฎ๐Ÿฐ๐Ÿด/ ๐Ÿฌ๐Ÿฐ๐Ÿฎ-๐Ÿฑ๐Ÿฒ๐Ÿฑ-๐Ÿด๐Ÿฌ๐Ÿณ๐Ÿฑ

# BayangMayDangal

07/08/2026

๐’๐€๐Œ๐€-๐’๐€๐Œ๐€ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐‹๐ˆ๐†๐“๐€๐’ ๐“๐ˆ๐†๐ƒ๐€๐’

Nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Dolores sa pambansang kampanya ng Department of Health (Philippines) para sa Ligtas Tigdas: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity with Vitamin A Supplementation (MR-SIA/VAS).

Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak na edad 6 hanggang 59 buwan sa pinakamalapit na vaccination site mula Agosto 10 hanggang 28, 2026.

Ang pagbabakuna at pagbibigay ng Vitamin A ay mahalagang hakbang upang maprotektahan ang ating mga anak laban sa tigdas at rubella at mapanatili ang kanilang malusog na paglaki.

Sama-sama po nating itaguyod ang kalusugan at kinabukasan ng bawat batang Doloresin. Sa ating pagkakaisa at aktibong pakikilahok sa programang ito, maipagkakaloob natin sa ating mga anak ang proteksiyong nararapat sa kanila at ang pagkakataong lumaki nang ligtas, malusog, at may mas maliwanag na bukas.

Dolores Primary Care Facility-Super Health Center

  BUKAS | Dahil sa patuloy na pag-ulan at masamang panahon dulot ng Habagat, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa m...
06/08/2026

BUKAS | Dahil sa patuloy na pag-ulan at masamang panahon dulot ng Habagat, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Dolores bukas, Biyernes, Agosto 7, 2026.

Sa halip na face-to-face classes, ipatutupad ang Alternative Modes of Delivery of Learning (AMDL) upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto habang inuuna ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, batay sa DepEd Order No. 14, s. 2026.

Ang suspensyon ng klase ay ipinatutupad alinsunod sa atas ng ating butihing Mayor Orlan A. Calayag, sa pamamagitan ng Officer-in-Charge (OIC) Municipal Mayor, Vice Mayor Renato "Doc Jon" Alilio Jr., batay sa rekomendasyon ng MDRRMO.

Mag-iingat po tayong lahat at palaging maging alerto sa lahat ng oras.

EMERGENCY HOTLINE NUMBERS:

๐Œ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž : ๐ŸŽ๐Ÿ—๐Ÿ๐Ÿ— ๐Ÿ–๐ŸŽ๐Ÿ• ๐Ÿ–๐Ÿ—๐Ÿ—๐Ÿ— / ๐ŸŽ๐Ÿ’๐Ÿ-๐Ÿ“๐Ÿ”๐Ÿ“-๐Ÿ”๐Ÿ•๐Ÿ๐Ÿ
๐๐…๐ : ๐ŸŽ๐Ÿ—๐Ÿ‘๐Ÿ– ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ“๐Ÿ / ๐ŸŽ๐Ÿ’๐Ÿ-๐Ÿ•๐Ÿ–๐Ÿ–-๐Ÿ•๐Ÿ๐Ÿ“๐Ÿ“
๐๐๐ : ๐ŸŽ๐Ÿ—๐Ÿ—๐Ÿ– ๐Ÿ“๐Ÿ—๐Ÿ– ๐Ÿ“๐Ÿ•๐Ÿ’๐Ÿ— / ๐ŸŽ๐Ÿ’๐Ÿ-๐Ÿ“๐Ÿ”๐Ÿ“-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ”
๐€๐Œ๐๐”๐‹๐€๐๐‚๐„ : ๐ŸŽ๐Ÿ—๐Ÿ๐ŸŽ ๐Ÿ๐Ÿ–๐Ÿ‘ ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ“๐ŸŽ
๐—ฅ๐—›๐—จ/๐—ฃ๐—–๐—™ : ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿต๐Ÿด ๐Ÿต๐Ÿฑ๐Ÿญ ๐Ÿณ๐Ÿฎ๐Ÿฐ๐Ÿด/ ๐Ÿฌ๐Ÿฐ๐Ÿฎ-๐Ÿฑ๐Ÿฒ๐Ÿฑ-๐Ÿด๐Ÿฌ๐Ÿณ๐Ÿฑ

 : ๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž ๐š๐ง๐  ๐Š๐‹๐€๐’๐„ sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Dolores ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ก๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž...
05/08/2026

: ๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž ๐š๐ง๐  ๐Š๐‹๐€๐’๐„ sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Dolores ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ก๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ, ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐ŸŽ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” dulot ng patuloy na pag-ulan hatid ng pinalakas na epekto ng Southwest Monsoon o hanging habagat bunsod ng Bagyong Maymay.

Alinsunod ito sa atas ng ating butihing Mayor Orlan A. Calayag, sa pamamagitan ng Officer-in-Charge (OIC) Municipal Mayor, Vice Mayor Renato "Doc Jon" Alilio Jr., sa rekomendasyon ng MDRRMO at batay sa DepEd Order No. 14, Series of 2026.

Kaugnay nito, ipinatutupad ang Modular Distance Learning sa lahat ng paaralan upang matiyak na hindi maaantala ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Mag-iingat po tayong lahat at palaging maging alerto sa lahat ng oras.

EMERGENCY HOTLINE NUMBERS:

๐Œ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž : ๐ŸŽ๐Ÿ—๐Ÿ๐Ÿ— ๐Ÿ–๐ŸŽ๐Ÿ• ๐Ÿ–๐Ÿ—๐Ÿ—๐Ÿ— / ๐ŸŽ๐Ÿ’๐Ÿ-๐Ÿ“๐Ÿ”๐Ÿ“-๐Ÿ”๐Ÿ•๐Ÿ๐Ÿ
๐๐…๐ : ๐ŸŽ๐Ÿ—๐Ÿ‘๐Ÿ– ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ“๐Ÿ / ๐ŸŽ๐Ÿ’๐Ÿ-๐Ÿ•๐Ÿ–๐Ÿ–-๐Ÿ•๐Ÿ๐Ÿ“๐Ÿ“
๐๐๐ : ๐ŸŽ๐Ÿ—๐Ÿ—๐Ÿ– ๐Ÿ“๐Ÿ—๐Ÿ– ๐Ÿ“๐Ÿ•๐Ÿ’๐Ÿ— / ๐ŸŽ๐Ÿ’๐Ÿ-๐Ÿ“๐Ÿ”๐Ÿ“-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ”
๐€๐Œ๐๐”๐‹๐€๐๐‚๐„ : ๐ŸŽ๐Ÿ—๐Ÿ๐ŸŽ ๐Ÿ๐Ÿ–๐Ÿ‘ ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ“๐ŸŽ
๐—ฅ๐—›๐—จ/๐—ฃ๐—–๐—™ : ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿต๐Ÿด ๐Ÿต๐Ÿฑ๐Ÿญ ๐Ÿณ๐Ÿฎ๐Ÿฐ๐Ÿด/ ๐Ÿฌ๐Ÿฐ๐Ÿฎ-๐Ÿฑ๐Ÿฒ๐Ÿฑ-๐Ÿด๐Ÿฌ๐Ÿณ๐Ÿฑ

๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐’๐„๐‘๐•๐ˆ๐‚๐„: ๐‹๐Ž๐’๐“ ๐‚๐„๐‹๐‹๐๐‡๐Ž๐๐„ | ๐Ž๐๐๐Ž ๐€๐Ÿ๐ŸBaka sakali pong may nakapulot ng cellphone na OPPO A12 kulay violet. Ayon po s...
04/08/2026

๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐’๐„๐‘๐•๐ˆ๐‚๐„: ๐‹๐Ž๐’๐“ ๐‚๐„๐‹๐‹๐๐‡๐Ž๐๐„ | ๐Ž๐๐๐Ž ๐€๐Ÿ๐Ÿ

Baka sakali pong may nakapulot ng cellphone na OPPO A12 kulay violet. Ayon po sa may-ari, maaaring nawala daw po ito sa may kahabaan ng Brgy. Bungoy papuntang Brgy. Putol.

Mangyari pong tawagan ang numerong nasa larawan kung sakaling inyo po itong nakita.

Maraming salamat po sa tulong at malasakit.

Public Advisory of Municipal Planning and Development Office - Dolores Quezon โ—โ—
04/08/2026

Public Advisory of Municipal Planning and Development Office - Dolores Quezon โ—โ—

๐Ÿ“ข ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜

The Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC)/Zoning Office of the Municipality of Dolores reminds the public to exercise due diligence before purchasing, reserving, or investing in subdivision lots or any real estate development within the municipality.

Prospective buyers are strongly encouraged to verify with the MPDC/Zoning Office and the appropriate government agencies whether a proposed subdivision or land development project has secured the necessary permits, clearances, and approvals required under existing laws before making any reservation, purchase, or other financial commitment.

The public is likewise encouraged to verify the zoning classification and permitting status of any subdivision or real estate development directly with the MPDC/Zoning Office before entering into any transaction.

The Municipality of Dolores remains committed to the fair, transparent, and impartial enforcement of land use, zoning, and subdivision regulations. Compliance with the prescribed permitting process is mandatory and applies equally to all landowners, developers, brokers, agents, and investors, without exception.

This advisory is issued in the interest of protecting prospective buyers, promoting responsible and lawful land development, and ensuring that all projects within the Municipality comply with applicable national laws and local ordinances.

For inquiries and verification, please visit the Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC)/Zoning Office during regular office hours.

๐๐€๐€๐๐˜๐€๐˜๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐Œ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž๐๐† ๐๐€๐†๐ƒ๐ˆ๐๐ˆ๐†Inaanyayahan ng Sangguniang Bayan ng Dolores, Quezon ang lahat ng mga ๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ฒ๐œ๐ฅ๐ž ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ...
04/08/2026

๐๐€๐€๐๐˜๐€๐˜๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐Œ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž๐๐† ๐๐€๐†๐ƒ๐ˆ๐๐ˆ๐†

Inaanyayahan ng Sangguniang Bayan ng Dolores, Quezon ang lahat ng mga ๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ฒ๐œ๐ฅ๐ž ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ, ๐๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ, ๐ฉ๐š๐ฌ๐š๐ก๐ž๐ซ๐จ, ๐ฆ๐ ๐š ๐จ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐  ๐›๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ, ๐š๐ญ ๐ข๐›๐š ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐š๐ฉ๐ž๐ค๐ญ๐š๐๐จ
na makilahok sa Pampublikong Pagdinig (Public Hearing) kaugnay ng panukalang:

๐…๐‹๐„๐—๐ˆ๐๐‹๐„ ๐“๐‘๐ˆ๐‚๐˜๐‚๐‹๐„ ๐…๐€๐‘๐„ ๐Œ๐€๐“๐‘๐ˆ๐—

๐๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ข๐ฒ๐š๐ก๐ž๐ง๐ :
๐ƒ๐š๐ ๐š๐ญ๐š๐ง โ€“ ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ โ€“ ๐€๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐ง๐จ

๐๐ž๐ญ๐ฌ๐š: ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐ŸŽ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
๐Ž๐ซ๐š๐ฌ: ๐€๐ฅ๐š๐ฌ-๐Ÿ—:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ง๐  ๐”๐ฆ๐š๐ ๐š
๐‹๐ฎ๐ ๐š๐ซ: ๐‚๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ ๐ฌ๐š ๐’๐ข๐ญ๐ข๐จ ๐’๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐จ, ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ, ๐ƒ๐จ๐ฅ๐จ๐ซ๐ž๐ฌ, ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง

Layunin ng pampublikong pagdinig na ito na marinig ang mga opinyon, mungkahi, at rekomendasyon ng mga tricycle operators, drivers, commuters, at iba pang mga stakeholders hinggil sa panukalang pagbabago sa pamasahe ng mga tricycle sa nasabing ruta.

Ang inyong pakikilahok ay mahalaga upang makabuo ng isang makatarungan at makabuluhang fare matrix na magbibigay ng patas na kapakanan sa parehong sektor ng transportasyon at ng mga mamamayang gumagamit nito.

Inaanyayahan ang lahat na dumalo at makiisa.

Maraming salamat po.

๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” Ang Lokal na Pamahalaan ng Dolores sa pamumuno ng butihing Mayor Orlan A. Calayag kasama ang Sangguni...
04/08/2026

๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Ang Lokal na Pamahalaan ng Dolores sa pamumuno ng butihing Mayor Orlan A. Calayag kasama ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Renato โ€œDoc Jonโ€ Alilio Jr ay nakiisa ngayong buwan ng Agosto sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, na may temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€

Sa patuloy na pag-UNLAD ng makabagong teknolohiya at Artificial Intelligence (AI), lalo nating pinagtitibay ang mahalagang papel ng Wikang Filipino bilang wika ng pagkakaisa, kaalaman, at kultura. Bagama't nagsisilbing makapangyarihang kasangkapan ang AI sa pananaliksik at mabilis na pag-access sa impormasyon, nananatiling mahalaga ang paggamit at pagpapayaman ng ating sariling wika upang matiyak na ang kaalaman ay nauunawaan, naipapasa, at napapakinabangan ng bawat Pilipino.

Nawa'y magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang higit nating mahalin, gamitin, at ipagmalaki ang Wikang Filipino sa bawat larangan, maging sa edukasyon, pamahalaan, teknolohiya, at pang-araw-araw na pamumuhay.

Address

Dolores Municipal Hall, Barangay Bulakin II
Dolores
4326

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UNLAD Dolores posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to UNLAD Dolores:

Shortcuts

Share