Rural Health Unit Donsol

Rural Health Unit Donsol THE MUNICIPALITY OF DONSOL AS COMMUNITY OF HEALTHY PEOPLE LIVING HARMONIOUSLY IN A SAFE ENVIRONMENT

🚨 PUBLIC HEALTH ADVISORY: MAGING ALERT LABAN SA DENGUE! 🚨​Batay sa huling datos mula sa Sorsogon Provincial Health Offic...
05/09/2026

🚨 PUBLIC HEALTH ADVISORY:
MAGING ALERT LABAN SA DENGUE! 🚨

​Batay sa huling datos mula sa Sorsogon Provincial Health Office (PHO) para sa Morbidity Week 33 (August 16 - 22, 2026), may naitalang 85 kabuuang kaso ng Dengue sa ating bayan ng Donsol.

​Upang maprotektahan ang ating pamilya at komunidad, maging matyag at sundin ang 5S Strategy laban sa Dengue:
​🔍 1. Search and Destroy
​Suyurin at sirain ang mga lugar na pwedeng pagnipisan at pinamumugaran ng mga lamok.

​Sundin ang 4T Kontra Dengue:
​🔴 TAOB - Itaob ang mga walang laman na lalagyan ng tubig.
​🔴 TAKTAK - Itaktak o alisin ang naipong tubig sa mga halaman o gamit.
​🔴 TUYO - Patuyuin ang mga lugar na pinag-iipunan ng tubig.
​🔴 TAKIP - Takpan nang maigi ang mga imbakan ng tubig.

​🛡️ 2. Self-Protection
​Protektahan ang sarili laban sa kagat ng lamok sa pamamagitan ng pagsuot ng long sleeves/pantalon at paggamit ng mosquito repellent.

​🩺 3. Seek Early Consultation
​Huwag balewalain ang lagnat! Sumangguni agad sa RHU Donsol o sa pinakamalapit na pagamutan kapag nakaramdam ng sintomas para hindi lumala ang sakit.

​💨 4. Support Fogging/Spraying
​Suportahan ang pagpapausok o spraying sa mga kinauukulang hotspot areas na may pagtaas ng kaso upang maiwasan ang outbreak.

​💧 5. Sustain Hydration
​Panatilihin ang pag-inom ng maraming tubig at Oral Rehydrating Solution (ORS) upang maiwasan ang dehydration.
​Sama-sama nating kontrahin ang Dengue para sa mas ligtas at malusog na Donsol!
​

20/08/2026
SAMA-SAMANG PAGKILOS KONTRA DENGUEPatuloy ang pagkilos ng LGU Donsol at Rural Health Unit katuwang ang mga barangay at k...
16/08/2026

SAMA-SAMANG PAGKILOS KONTRA DENGUE

Patuloy ang pagkilos ng LGU Donsol at Rural Health Unit katuwang ang mga barangay at komunidad upang maiwasan at makontrol ang dengue.

Isinasagawa ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na lider, paghahanap at pag-aalis ng mga pinamumugaran ng lamok, health education, community information activities, at patuloy na surveillance upang ang mga hakbang na ginagawa ay naaayon sa aktwal na sitwasyon sa ating mga barangay.

Mahalagang tandaan: Ang fogging ay hindi awtomatikong ginagawa sa lahat ng lugar. Ito ay isang targeted na hakbang na isinasagawa kapag kinakailangan, batay sa assessment at surveillance. Pangunahing tinatarget nito ang adult na lamok at hindi nito direktang tinatarget ang itlog, kiti-kiti at pupa na nasa tubig.

Kaya patuloy nating gawin ang 5S Kontra Dengue at panatilihing malinis ang ating mga tahanan at kapaligiran.

Ang laban sa dengue ay hindi lamang responsibilidad ng iilan. Sama-sama nating protektahan ang bawat tahanan at bawat barangay. đź’š

Swipe ➡️ para malaman ang mga hakbang na ginagawa at kung kailan kinakailangan ang fogging.


Rural Health Unit Donsol
HRH Donsol

KAPALAKASAN AT KALUSUGAN PARA SA MGA KABATAAN NG BARANGAY PANGPANG! đź’Şđź‘¶Ngayong araw, naging matagumpay ang isinagawang Me...
12/08/2026

KAPALAKASAN AT KALUSUGAN PARA SA MGA KABATAAN NG BARANGAY PANGPANG! đź’Şđź‘¶

Ngayong araw, naging matagumpay ang isinagawang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) at Vitamin A Supplementation sa Barangay Pangpang, Donsol, Sorsogon.

​Personal na nakiisa at sumuporta sa aktibidad ang ating masipag na Mayor Chuck, kasama si DOH DMO IV Gina Bongon, ang ating Municipal Health Officer na si Dr. Loi Eloisa Leosala, ang dedikadong RHU Staff, Human Resources for Health (HRH), at ang ating masisipag na Barangay Health Workers (BHWs).

​
Layunin ng programang ito na matiyak na protektado ang ating mga anak laban sa mga nakakahawang sakit tulad ng tigdas at rubella, at mapanatili ang kanilang malakas na pangangatawan sa pamamagitan ng bitamina. Ang kalusugan ng bawat Donsolanon, lalo na ng mga bata, ay nananatiling prayoridad ng ating lokal na pamahalaan.

Isang malaking pasasalamat sa DOH, sa ating Municipal Health Office, sa barangay council ng Pangpang, at higit sa lahat, sa mga magulang na nakiisa at dinala ang kanilang mga anak para pabakunahan at bigyan ng bitamina.
​
Sa mga magulang na hindi pa napapabakunahan ang kanilang mga anak, makipag-ugnayan lamang po sa inyong pinakamalapit na Health Center o sa inyong mga BHW. Magkaisa po tayo para sa malusog na kinabukasan ng Donsol!

​

đź“·CTTO

11/08/2026

📢 [PAHAYAG NG PAGSUPORTA]
MAYOR CHUCK LUBIANO
FOR LIGTAS TIGDAS: MEASLES-RUBELLA SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY (MR SIA) 👶🛡️

Magandang araw, mga kailian sa Donsol!
Nananawagan po ang ating Punong Bayan, Hon. Ralph Walter "Chuck" R. Lubiano, sa lahat ng mga magulang at tagapangalaga na makiisa sa ginagawang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) at Vitamin A Administration.

Ayon kay Mayor Chuck:

"Ito po ay isang seryosong banta sa kalusugan, lalo na sa ating mga kabataan, dahil mabilis itong makahawa at maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon... Huwag po natin hintaying magkasakit ang ating mga anak bago tayo kumilos."

📌 MGA MAHALAGANG PAALALA:

đź‘¶ Sino ang mga dapat pabakunahan?
Lahat ng mga batang may edad 6 hanggang 59 na buwan (wala pang 5 taong gulang).

📍 Saan pupunta?

Sa pinakamalapit na Rural Health Unit (RHU), Barangay Health Station (BHS), o sa mga designated vaccination sites sa inyong barangay.

🛡️ Kahit ba nakatanggap na ng bakuna noon?

OO. Inirerekomenda pa rin ang pagtanggap ng karagdagang dosis upang lalo pang mapalakas ang proteksyon at mapigilan ang pagkalat ng sakit sa ating komunidad.

đź’Ż Ligtas at Libre!

Ang lahat ng bakunang ibinibigay ay LIBRE, LIGTAS, at EPEKTIBO.

Sama-sama nating protektahan ang ating mga chikiting laban sa tigdas at rubella! Dahil sa Bagong Pilipinas, bawat buhay ay mahalaga! ❤️

08/08/2026

🚨 2 ARAW NA LANG, MR-SIA NA! 🚨

Mga Nanay, Tatay, at MGA GUARDIAN sa Donsol! Handang-handa na ba ang ating mga chikiting para sa LIGTAS TIGDAS? 👶🏻✨

Simula August 10 hanggang August 28, 2026, gaganapin ang ating Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA).

❤️ SINO ANG MGA DAPAT MABAKUNAHAN?
Mga batang edad 6 hanggang 59 buwang gulang (wala pang 5 taong gulang).

🛡️ BAKIT MAHALAGA ITO?
Ang pagpapabakuna ay proteksyon laban sa pagka-ospital at pagkamatay dahil sa Tigdas at Tigdas-hangin (Rubella). Libre at ligtas para sa ating mga anak!

📍 PAANO MAGPABAKUNA?
Pumunta lamang sa pinakamalapit na Health Center / Vaccination Site o sumangguni sa ating mga nurse, midwife, at Rural Health Unit (RHU) personnel sa inyong barangay.

Huwag nang hintayin na magkasakit sila. Bakunado at Protektado ang Batang Donsolano! See you po ngayong August 10! 💉❤️


Patalastas! Wala po Kunsolta ngayon sa Rural Health Unit Donsol dahil sa Mobile Blood Donation sa Barangay Bororan at Lo...
06/08/2026

Patalastas!
Wala po Kunsolta ngayon sa Rural Health Unit Donsol dahil sa Mobile Blood Donation sa Barangay Bororan at Local Health Board Meeting. Salamat

Address

Dawitan Road
Donsol
4715

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rural Health Unit Donsol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Rural Health Unit Donsol:

Shortcuts

Share