05/08/2026
BALIKAN: Mula sa pamamahagi noong Hunyo 24–25 sa Iloilo at Cebu hanggang sa Mindanao leg na isinagawa noong Hulyo 7 sa Butuan City, na dinaluhan ni First Lady Louise Araneta-Marcos, patuloy na inihatid ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga Patient Transport Vehicle (PTV) sa mga lokal na pamahalaan sa iba't ibang panig ng bansa.
Sa pangunguna ni PCSO General Manager Melquiades Robles, katuwang ang mga opisyal ng PCSO at mga lokal na pamahalaan, ipinagkaloob ang mga PTV upang makatulong sa agarang pagdadala ng mga pasyente sa mga pagamutan at mapalawak ang akses ng mga komunidad sa serbisyong pangkalusugan.
Ang mga turnover na ito ay bahagi ng nationwide PTV Distribution Program ng PCSO na matagumpay nang nakamit ang 100% completion noong Hulyo 24, 2026, na nagbigay ng Patient Transport Vehicle sa lahat ng lalawigan sa buong bansa.