Department of Health Negros Island Region Center for Health Development

Department of Health Negros Island Region Center for Health Development The official page of the Department of Health Negros Island Region Center for Health Development in the Philippines
(1)

๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜     The Department of Health Negros Island Region Center for Health Development (DOH NIR CHD) informs th...
07/09/2026

๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜

The Department of Health Negros Island Region Center for Health Development (DOH NIR CHD) informs the public that it will participate in the Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) in compliance with the directive of the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Memorandum No.04, s. 2026.

The following are the scheduled NSED Activity:

MSD Extended Office (Olivia Building) 10:00 AM-12:00 NN
DOH NIR CHD main office (3rd floor IPHO Building) 3:00 PM-5:00 PM

During the scheduled drill, employees and visitors within DOH NIR CHD premises will perform the standard earthquake safety procedure โ€œDuck, Cover, and Hold.โ€ Temporary movement of personnel to designated evacuation areas may also be observed as part of the exercise.

The public is advised that this activity is only a simulation exercise aimed at strengthening earthquake preparedness and response capabilities of personnel and stakeholders.

We encourage everyone to participate and to stay calm while the drill is being conducted.

Thank you for your continued cooperation.

๐ŸŽ‰ ๐“—๐“ช๐“น๐“น๐”‚ ๐“‘๐“ฒ๐“ป๐“ฝ๐“ฑ๐“ญ๐“ช๐”‚, ๐““๐“ป. ๐“ก๐“ช๐”ƒ๐“ฎ๐“ต ๐“๐“ฒ๐“ด๐“ด๐“ช ๐“œ. ๐“—๐“ช๐“ธ! ๐ŸŽ‚May your special day be filled with joy, good health, and meaningful moments....
06/09/2026

๐ŸŽ‰ ๐“—๐“ช๐“น๐“น๐”‚ ๐“‘๐“ฒ๐“ป๐“ฝ๐“ฑ๐“ญ๐“ช๐”‚, ๐““๐“ป. ๐“ก๐“ช๐”ƒ๐“ฎ๐“ต ๐“๐“ฒ๐“ด๐“ด๐“ช ๐“œ. ๐“—๐“ช๐“ธ! ๐ŸŽ‚

May your special day be filled with joy, good health, and meaningful moments. Wishing you continued success and inspiration as you lead and serve the people of the Negros Island Region.

Warmest birthday wishes from your DOH NIR CHD family! ๐Ÿ’™

200,455 BATANG NAPROTEKTAHAN SA LIGTAS TIGDAS 2026Umabot sa 200, 455 na batang edad 6โ€“59 buwan sa buong Negros Island Re...
05/09/2026

200,455 BATANG NAPROTEKTAHAN SA LIGTAS TIGDAS 2026

Umabot sa 200, 455 na batang edad 6โ€“59 buwan sa buong Negros Island Region ang nabigyan ng bakuna bilang bahagi ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA).

Ang bilang na ito ay naging posible dahil sa sama-samang pagkilos, suporta, at pakikiisa ng ating mga stakeholders at partners.

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga Local Government Units (LGUs), Provincial/City/Municipal Health Offices, health workers, barangay health workers, volunteers, mga magulang at tagapag-alaga, partner agencies, development partners, civil society organizations, private sector, media partners, at iba pang stakeholders na naging bahagi ng pagpapatupad ng Ligtas Tigdas 2026.

Bawat oras na inilaan, serbisyong ibinigay, komunidad na naabot, at batang nabakunahan ay mahalagang ambag sa pagpapalakas ng proteksyon laban sa tigdas at tigdas-hangin (measles and rubella).

Maraming salamat sa inyong tiwala, suporta, at pakikiisa. Sa pamamagitan ng ating pagkakaisa at pagtutulungan, mas marami nating batang naprotektahan at mas napalakas ang proteksyon ng ating mga komunidad.

Ligtas Tigdas 2026
Bawat bata, mahalagang protektahan. Bawat katuwang, mahalagang bahagi.

Isang taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa lahat ng naging bahagi ng Ligtas Tigdas 2026. Sa pamamagitan ng sama-saman...
05/09/2026

Isang taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa lahat ng naging bahagi ng Ligtas Tigdas 2026. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at suporta ng ating mga stakeholders at partners, umabot sa 200,455 na batang edad 6โ€“59 buwan ang nabakunahan sa buong Negros Island Region, katumbas ng 45.8% coverage rate.

๐Ÿ“ Negros Occidental: 140,237
๐Ÿ“ Negros Oriental: 35,899
๐Ÿ“ Bacolod City: 22,265
๐Ÿ“ Siquijor Island: 2,054

Lubos ang aming pasasalamat sa mga Local Government Units, Provincial at City/Municipal Health Offices, health workers, barangay health workers, volunteers, mga magulang at tagapag-alaga, mga partner agencies, development partners, private sector, civil society organizations, media partners, at iba pang stakeholders na naglaan ng oras, serbisyo, resources, at suporta upang maisulong ang pagbabakuna sa ating mga komunidad.

Ang bawat bakuna, bawat batang naabot, at bawat pamilyang nakiisa ay bahagi ng sama-samang pagsisikap na maprotektahan ang mga bata laban sa measles at rubella.

Maraming salamat sa inyong tiwala, suporta, pakikiisa, at patuloy na pagtutulungan. Ang Ligtas Tigdas 2026 ay patunay na mas malakas ang proteksyon ng ating mga komunidad kapag tayo ay nagkakaisa at nagtutulungan.

Ligtas Tigdas 2026
Proteksyon ng bawat bata, sama-sama nating pinangangalagaan.

GENERICS ANG KATUWANG MO SA ABOT-KAYA AT DE-KALIDAD NA GAMUTAN!Ngayong Setyembre, nakikiisa ang Department of Health sa ...
05/09/2026

GENERICS ANG KATUWANG MO SA ABOT-KAYA AT DE-KALIDAD NA GAMUTAN!

Ngayong Setyembre, nakikiisa ang Department of Health sa pagdiriwang ng Generics Awareness Month 2026 na may temang: โ€œKalusugan ng Bawat Pilipino, Generics ang Katuwang Mo!โ€

Detalye sa comment section.

DOH: ALAK, PANGANIB SA ATAY!Ayon sa World Health Organization, walang ligtas na antas ng pag-inom ng alak!Hindi lang sim...
05/09/2026

DOH: ALAK, PANGANIB SA ATAY!

Ayon sa World Health Organization, walang ligtas na antas ng pag-inom ng alak!

Hindi lang simpleng hangover ang pwedeng idulot ng pag-inom ng alak. Ang alcohol ay maaaring makasira sa atay at magdulot ng pamamaga at pag-iipon ng taba dito.

Kapag patuloy at labis ang pag-inom, nahihirapan ang atay na gawin ang trabaho nito, kabilang ang pagtanggal ng mga lason sa katawan.

Maaari itong humantong sa malubhang sakit sa atay at liver cirrhosis, kung saan nagkakaroon ng permanenteng pagkapilat at peklat.

Alagaan ang ating atay!



MAAGAP NA PAGSUSURI AT GAMUTAN, SUSI SA MAS MATAAS NA TSANSA SA PAGGALING! Detayle sa comment section
05/09/2026

MAAGAP NA PAGSUSURI AT GAMUTAN, SUSI SA MAS MATAAS NA TSANSA SA PAGGALING!

Detayle sa comment section

๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐“๐€๐Ž๐’-๐๐”๐’๐Ž๐๐† ๐๐€๐’๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“! Ang tagumpay ng Ligtas Tigdas Campaign ay naging posible dahil sa pagkakaisa at malasakit...
04/09/2026

๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐“๐€๐Ž๐’-๐๐”๐’๐Ž๐๐† ๐๐€๐’๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“!

Ang tagumpay ng Ligtas Tigdas Campaign ay naging posible dahil sa pagkakaisa at malasakit ng bawat isa.

Taos-puso naming pinasasalamatan ang ating mga healthcare workers, na walang sawang naglaan ng oras, lakas, at dedikasyon upang maabot at mabigyan ng proteksyon ang bawat batang nangangailangan ng bakuna.

Maraming salamat din sa ating mga Local Government Units (LGUs) sa buong Negros Island Region, sa inyong patuloy na suporta, pakikipagtulungan, at pagtutok upang maging matagumpay ang kampanya sa bawat komunidad.

Ang aming taos-pusong pasasalamat ay iniaalay din sa ating mga partners at stakeholders, na naging katuwang sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon at pagsusulong ng kalusugan ng ating mga kabataan.

At higit sa lahat, maraming salamat sa mga magulang at tagapag-alaga na nagtiwala at nakibahagi sa kampanyang ito. Ang inyong desisyon na pabakunahan ang inyong mga anak ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas at mas malusog na kinabukasan.

Sa sama-samang pagkilos, ipinapakita natin na ang bawat bakuna, bawat pagsisikap, at bawat pakikipagtulungan ay may mahalagang ambag sa pagprotekta sa ating mga anak laban sa tigdas.

Maraming salamat sa inyong lahat sa pagiging bahagi ng Ligtas Tigdas Campaign!

Sama-sama para sa mga batang ligtas sa tigdas.
Protektadong bata, mas ligtas na kinabukasan.

Address

3rd Floor Integrated Provincial Health Office, Negros Oriental Provincial Hospital Compound, Brgy Piapi
Dumaguete City
6200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Department of Health Negros Island Region Center for Health Development posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share