27/08/2026
๐พ ๐ก๐๐ ๐ก๐ฒ๐ด๐ฟ๐ผ๐ ๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐๐ฒ๐ ๐ถ๐ป ๐ก๐๐-๐๐ ๐๐ผ๐ป๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐ ๐ถ๐ป ๐ฆ๐ถ๐พ๐๐ถ๐ท๐ผ๐ฟ
Nakikiisa ang National Food Authority (NFA) โ Negros Oriental Branch Office sa pagsasagawa ng two-day NIA-IA Congress for Irrigators Association of Siquijor Communal Irrigation Systems, na ginanap ngayon Agosto 26โ27, 2026 sa PMG Islandscape Resort, Nagerong, Lazi, Siquijor.
Kinatawan ng NFA Negros Oriental si Assistant Branch Manager Philip Cesar Rumbaoa, na dumalo sa naturang kongreso bilang bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan at pakikiisa ng NFA sa mga Irrigatorsโ Associations at ibaโt ibang stakeholders sa sektor ng agrikultura.
Ang ganitong mga pagtitipon ay mahalagang pagkakataon upang mapalakas ang koordinasyon, mapalawak ang ugnayan, at maisulong ang mga inisyatiba para sa kapakanan ng ating mga magsasaka at sa pagpapatatag ng food security ng bansa.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga ahensya ng pamahalaan, mga organisasyon ng magsasaka, at iba pang katuwang sa agrikultura, patuloy nating isinusulong ang isang mas matatag, produktibo, at ligtas na sistema ng pagkain. ๐พ๐ต๐ญ
the