10/03/2026
𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢
Alinsunod sa Memorandum Order No. 22 na inilabas ng ating Punong Bayan, Hon. Richard R. Herrera, at batay sa Memorandum Circular No. 114 na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo, ang Pamahalaang Bayan ng Dumaran ay nagpapatupad ng Compressed (Four-Day) Work Week alinsunod sa patakaran ng Civil Service Commission.
Sa ilalim ng nasabing kautusan, ipatutupad ng munisipyo ang apat na araw na pasok sa isang linggo, kung saan ang opisyal na araw ng trabaho ay Lunes hanggang Huwebes, mula 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi, na magsisimula sa Marso 11, 2026.
Ipinababatid sa publiko na walang transaksyon sa mga tanggapan ng pamahalaan tuwing Biyernes. Ang lahat ay inaabisuhan sa bagong schedule na ito.
Gayunpaman, ang mga tanggapan na nagbibigay ng mahalaga at pangunahing serbisyo, kabilang ang Municipal Health Office, Municipal Social Welfare and Development Office, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, at Municipal Economic Enterprise Development Office (MEEDO) ay mananatiling bukas at patuloy na magbibigay ng serbisyo sa lahat ng oras upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyong pampubliko.
Ang hakbang na ito ay ipinatutupad upang makatipid sa enerhiya at mas mapabuti ang paggamit ng pondo ng lokal na pamahalaan, alinsunod sa pambansang patakaran na naglalayong mabawasan ang konsumo sa kuryente at fuel habang pinananatili ang mahusay na paghahatid ng serbisyo sa publiko.