Sk Chair Jerwayne Pascua

Sk Chair Jerwayne Pascua Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sk Chair Jerwayne Pascua, Garit norte, Isabela, Echague.

15/04/2025
16/12/2024

๐—ฆ๐—ž ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป: ๐—ง๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ž๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜†!

Isang malaking karangalan at pribilehiyo na muli nanamang mapabilang ang ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‚๐™–๐™ง๐™ž๐™ฉ ๐™‰๐™ค๐™ง๐™ฉ๐™š sa isa sa Pinakamahusay na ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™–๐™–๐™ฃ (๐™๐™ค๐™ฅ 3) sa ating Bayan ng Echague para sa ๐™ž๐™ ๐™–๐™ฉ๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™ฌ๐™–๐™ง๐™ฉ๐™š๐™ง ngayong taon!

Ang pagkilalang ito ay hindi lamang patunay ng mga programa't proyektong aming naisakatuparan kundi pati na rin ng pagkakaisa, dedikasyon, at walang sawang suporta ng ating komunidad.

Lubos po kaming nagagalak na ipagpatuloy ang paglilingkod at pagpapatupad ng mga programa't proyekto na tunay na makakatulong sa pag-unlad at pagpapatibay ng kabataan sa ating Barangay.

Sa lahat po ng walang sawang sumusuporta sa aming bawat hakbang, maraming salamat po! Ang karangalang ito, ay tagumpay rin po ninyo!

Para sa mas marami pang makabuluhang gawain at mas maliwanag na kinabukasan para sa ating lahat!

Lagi't lagi para sa kabataan!

๐˜ผ๐™œ๐™ฎ๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™ ๐™–๐™ข๐™ž ๐™ ๐™–๐™™๐™–๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ!


ANDITO NA SI CONG. INNO MAGBIBIGAY NG TULONG!TAPOS NA ANG PAGHIHINTAY SAPAGKAT NARITO NA ANG INYONG INAABANGAN. SA LAHAT...
12/11/2023

ANDITO NA SI CONG. INNO MAGBIBIGAY NG TULONG!

TAPOS NA ANG PAGHIHINTAY SAPAGKAT NARITO NA ANG INYONG INAABANGAN.

SA LAHAT PO NG MGA MAYROONG PANGALAN SA LISTAHAN NG MAKATATANGGAP NG EDUCATIONAL FINANCIAL ASSISTANCE MULA KAY CONG. INNO DY NA MAKIKITA SA IBABA AY MAAARI PO NINYONG KUNIN ANG INYONG FORM KAY NEWLY ELECTED SK CHAIRPERSON JERWAYNE PASCUA SA ATING BARANGAY HALL BUKAS NG HAPON (IKA-13 NG NOBYEMBRE - LUNES).

ANG INYO PONG PAY OUT AY MAGAGANAP SA DARATING NA MARTES; NOBYEMBRE 14, 2023 SA ISU-ECHAGUE AMPHITHEATER .

NAWA'Y ANG MAKUKUHA NINYONG TULONG AY INYONG GAMITIN SA TAMA AT SA NARARAPAT.

Dios Mabalos!"Ang kabataan ang taniman ng mga binhing magbubunga ng masasarap at masasaganang prutas na dapat pagyamanin...
31/10/2023

Dios Mabalos!

"Ang kabataan ang taniman ng mga binhing magbubunga ng masasarap at masasaganang prutas na dapat pagyamanin para sa mga susunod nating lahi." Dr. Jose Rizal.

Ang mga bagong binhing sisibol sa ating komunidad na makapagbibigay ng mayabong na bunga para sa lahat.

Isang mainit na pagbati sa mga bagong halal na opisyal ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Garit Norte, kami ay nagagalak sa inyong tagumpay.

SK Chairman: Jerwayne Pascua
SK Kagawad:
1. Tiffany Jacinto
2. Trisha Lorenzo
3. Ailla Pascua
4. Jaymar Batag
5. Jang Santiago
6. Jerome Padrones
7. Shaira Gammad

Hangad namin ang mabuting serbisyo mula sa inyo para sa ating komunidad. Huwag nawa ninyong biguin ang mga kabataang naniwala, nagtiwala at sumuporta sa inyo.

Dios ti agngina kadakayo amin!

PAGBATI!๐ŸŽ‰Isang mainit na pagbati sa dalawang partido na lumaban para sa mga kabataan ng Barangay Garit Norte, ang PARTID...
31/10/2023

PAGBATI!๐ŸŽ‰

Isang mainit na pagbati sa dalawang partido na lumaban para sa mga kabataan ng Barangay Garit Norte, ang PARTIDO SAGAD at TEAM SINAG.

Nawa'y ang nagdaang eleksyon ay hindi maging sanhi ng pagkakawatak-watak ng mga kandidatong naghangad na maupo sa posisyon ngunit hindi pinalad na maluklok.

Huwag sana nating iwaglit sa ating mga isipan ang ating layunin sa ating pagtakbo sapagkat tayo ay mayroon lamang iisang hangarin at iyon ay ang mapaglingkuran ang bawat kabataan sa ating Barangay.

Bagkus, ito sana ay maging daan upang tayo'y magkaisa upang makamit ang ating minimithing tagumpay hindi para sa'ting mga sarili kundi para sa ating mga kapwa kabataan.

Maraming salamat sa inyong pinakitang dedikasyon at patas na laban, Partido Sagad at Team Sinag.๐Ÿ’šโค๏ธ

"Pananaw mo'y pakinggan hindi ang opinyon ng kung sinoman"Sa lahat ng naniwala, nagtiwala, at sumuporta sa Partido Sagad...
31/10/2023

"Pananaw mo'y pakinggan hindi ang opinyon ng kung sinoman"

Sa lahat ng naniwala, nagtiwala, at sumuporta sa Partido Sagad; kami po ay nagpapasalamat sa inyong lahat. Hindi man pinalad na makapasok nang deretso ang aming Partido, kami ay mananatiling buo upang kayo ay pagsilbihan at makatulong sa Barangay.

Nawa'y ang mga miyembro naming naluklok sa pwesto ay patuloy po ninyong suportahan at pagkatiwalaan sa susunod na hakbang na kanilang tatahakin.

Hangga't sa mga susunod nating laban hindi bilang Partido Sagad, kung hindi bilang mga opisyal na Sangguniang Kabataan ng Barangay.

Mananatiling, Sagad ang Serbisyo para sa mga Kabataan ng Barangay Garit Norte.

Mabbalat nikam a tanan!

Address

Garit Norte, Isabela
Echague
3309

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sk Chair Jerwayne Pascua posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share