02/12/2025
TIGNAN: Dumalo ang Mengal Women Organization sa United Voices: ISU’s Call to Action for Safe Spaces, Brave Voices, and Zero Violence symposium ng Isabela State University bilang pakikiisa sa pag-obserba ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women, kasama ang iba’t ibang ahensya na nagkakaisa para wakasan ang karahasan sa lahat ng anyo nito. ✋🧡
Ibinahagi ni Xynah Gaoiran, Social Worker ng Mengal Women Center, ang mahalagang misyon at kasalukuyang programa ng sentro sa pagbibigay-proteksyon at kanlungan sa mga kababaihan at batang nakararanas ng pang-aabuso—patunay ng patuloy na paglilingkod at pag-asa na hatid ng MWC sa mga nangangailangan. 💙
Sa okasyong ito, pormal ding nilagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Mengal Women Organization, pinangunahan nina MW President Febe Lansangan at MWC Executive Director Ricalyn Gaffud, at ng Isabela State University sa pangunguna ni University President Dr. Boyet Batang.
Ang kasunduang ito ay nagtatatag ng mas matatag na pagtutulungan mula sa gender advocacy, psychosocial support, hanggang sa cultural preservation at holistic programs para higit pang mapalakas ang proteksyon, pag-angat, at boses ng kababaihan at kabataan sa ating rehiyon.