06/07/2026
Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Lokal ng El Nido, sa pamamagitan ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), ang isang Information and Education Campaign (IEC) para sa mga mag-aaral ng ALS at Barotuan National High School ngayong araw, Hunyo 30, 2026.
Taus-pusong pasasalamat kay Sir Renante Tabi, Principal I, sa pamumuno sa aktibidad na ito, at sa El Nido Municipal Police Station, lalo na kay PMSG Joe Ann Bustamante, sa pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman ukol sa epekto at panganib ng ilegal na droga, pati na rin ang Safe Spaces Act (R.A. 11313).
Bilang paggunita sa IDADAIT 2026 na may temang, “The World Drug Problem: Persisting Issues, New Challenges, Innovative Responses,” buong-giting na nakiisa ang mga mag-aaral sa Paglagda sa Pledge of Commitment para sa isang Komunidad na Malaya sa Droga. ✍
Ang inyong pamahalaang lokal ay nananatiling nakatuon sa pagprotekta sa ating kabataan at sa pagtataguyod ng isang mas ligtas at drug-free na El Nido. May mas magandang kinabukasan sa edukasyon, hindi sa droga. Piliing maging Drug-Free!