Gender and Development Office of El Nido

Gender and Development Office of El Nido This is the Official Page of the Gender and Development Office of the Municipal Government of El Nido. We Promotes Gender Equality and Women Empowerment!

The Municipal Gender and Development (GAD) Office actively participated in the 126th Civil Service Month Celebration of ...
02/09/2026

The Municipal Gender and Development (GAD) Office actively participated in the 126th Civil Service Month Celebration of the Municipal Government of El Nido, joining fellow public servants in commemorating the dedication, commitment, and invaluable contributions of government employees in delivering responsive and gender-responsive public service to the community.

Isang Pangako, Labing-isang Nag-I Do!Matagumpay na idinaos ng Lokal na Pamahalaan ng El Nido ang ikalawang (2nd) Kasalan...
30/08/2026

Isang Pangako, Labing-isang Nag-I Do!

Matagumpay na idinaos ng Lokal na Pamahalaan ng El Nido ang ikalawang (2nd) Kasalang Bayan 2026 sa Barangay Bagong Bayan, kung saan opisyal na pinagbuklod ang labing-isang (11) couples sa isang pormal at hindi malilimutang seremonya na pinangunahan mismo ng ating Punong Bayan bilang solemnizing officer.
Ang milestone event na ito ay naging posible sa pamamagitan ng masipag na collaboration ng Gender and Development (GAD) Office, Municipal Registrar’s Office, Municipal Mayor’s Office (MMO), at Admin Office. Ipinapakita ng pagtutulungang ito ng iba't ibang departamento ang patuloy na komitment ng lokal na pamahalaan na ilapit ang mga importanteng serbisyong sibil sa bawat barangay at patatagin ang legal na pundasyon ng ating mga pamilya.
Para masiguradong accessible at walang alalahanin sa gastos ang pagbuo ng pamilya, naghanda ang LGU El Nido ng fully funded na package para sa lahat ng nakiisang magkasintahan:
• Libreng Pre at Post-Marriage Legal Assistance na tulong sa pagproseso ng mga kailangang dokumento bago ang kasal, pati na rin ang patuloy na suporta pagkatapos ng seremonya para sa legal na pagkilala at pagpapatibay ng mga papel ng kanilang mga anak.
• Libreng mga rings para sa bawat pares bilang simbolo ng kanilang legal at taos-pusong commitment sa isa't isa.
• Magandang venue setup para sa isang formal wedding experience, na may kasama pang catered reception at traditional wedding cakes.
Mananatiling tapat ang Lokal na Pamahalaan ng El Nido sa layunin nitong itaguyod ang kapakanan ng pamilya, pangalagaan ang karapatang sibil, at ihatid ang mga pangunahing serbisyo sa bawat mamamayan ng El Nido sa lahat ng barangay.
Isang mainit na pagbati para sa 11 bagong kasal sa inyong panimula ng bagong yugto ng buhay!

𝐀𝐧𝐠 𝐆𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐆𝐀𝐃) 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐋𝐆𝐁𝐓𝐐𝐈𝐀+ 𝐚𝐭 𝐥𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐢𝐭𝐨 𝐧𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐡𝐮𝐥𝐮𝐠𝐚𝐧𝐠 “𝐩𝐚𝐦𝐛𝐚𝐤𝐥𝐚”. An...
21/08/2026

𝐀𝐧𝐠 𝐆𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐆𝐀𝐃) 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐋𝐆𝐁𝐓𝐐𝐈𝐀+ 𝐚𝐭 𝐥𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐢𝐭𝐨 𝐧𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐡𝐮𝐥𝐮𝐠𝐚𝐧𝐠 “𝐩𝐚𝐦𝐛𝐚𝐤𝐥𝐚”. Ang GAD ay isang paraan ng pagtiyak na ang bawat tao - babae man, lalaki, o may iba’t ibang SOGIESC - ay nabibigyan ng pantay na pagkakataon, karapatan, proteksyon, at paggalang sa lipunan.

𝐀𝐧𝐠 𝐆𝐀𝐃 𝐚𝐲 𝐭𝐮𝐦𝐮𝐭𝐮𝐠𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐢𝐬𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐮𝐠𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲-𝐩𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲, 𝐝𝐢𝐬𝐤𝐫𝐢𝐦𝐢𝐧𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐡𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐦𝐠𝐚 𝐡𝐚𝐝𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐫𝐚𝐫𝐚𝐧𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐚’𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧. 𝐋𝐚𝐲𝐮𝐧𝐢𝐧 𝐧𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐫𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐢𝐢𝐰𝐚𝐧, 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐢𝐬𝐚 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐡𝐨𝐤, 𝐮𝐦𝐮𝐧𝐥𝐚𝐝, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐦𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐝𝐢𝐠𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝.

Ang GAD ay hindi tungkol sa kung sino ang iyong minamahal o kung paano mo ipinapahayag ang iyong sarili. Ito ay tungkol sa pagkilala sa dignidad, karapatan, at pantay na oportunidad ng bawat tao.

𝑮𝑨𝑫 𝒊𝒔 𝒏𝒐𝒕 “𝒑𝒂𝒎𝒃𝒂𝒌𝒍𝒂.” 𝑮𝑨𝑫 𝒊𝒔 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕.

Matagumpay na naisagawa noong 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟖–𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔 ang tatlong araw na 𝐅𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐋𝐢𝐭𝐞𝐫𝐚𝐜𝐲 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧, na isinagawa...
21/08/2026

Matagumpay na naisagawa noong 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟖–𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔 ang tatlong araw na 𝐅𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐋𝐢𝐭𝐞𝐫𝐚𝐜𝐲 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧, na isinagawa sa tatlong batches upang mas maraming kababaihan ang mabigyan ng pagkakataong matuto at mapalawak ang kanilang kaalaman sa tamang paghawak at pamamahala ng pera.

Ang mga kalahok ay binuo ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang barangay ng El Nido, mga kinatawan mula sa business sector, at mga empleyado ng Municipal Government of El Nido. Layunin ng pagsasanay na mabigyan sila ng praktikal na kaalaman tungkol sa wastong pagba-budget, pag-iimpok, responsableng paggamit ng pera, at iba pang mahahalagang konsepto sa financial literacy na maaaring makatulong sa kanilang pang-araw-araw na buhay at kabuhayan.

Isinagawa ang training ng 𝐁𝐮𝐫𝐞𝐚𝐮 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐓𝐫𝐞𝐚𝐬𝐮𝐫𝐲 – 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞, sa pakikipagtulungan ng 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐆𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐆𝐀𝐃) 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐨𝐟 𝐄𝐥 𝐍𝐢𝐝𝐨, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng women’s empowerment at economic empowerment.

Naging resource speaker si 𝐌𝐬. 𝐒𝐡𝐢𝐞𝐥𝐚 𝐌𝐚𝐲 𝐑. 𝐏𝐚𝐧𝐢𝐬𝐚𝐥𝐞𝐬-𝐆𝐮𝐧𝐨, 𝐂𝐡𝐢𝐞𝐟 𝐓𝐫𝐞𝐚𝐬𝐮𝐫𝐲 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫 𝐈𝐈 / 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐫𝐞𝐚𝐮 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐓𝐫𝐞𝐚𝐬𝐮𝐫𝐲 – 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞. Sa pamamagitan ng kanyang malinaw, makabuluhan, at praktikal na pagbabahagi, mas naunawaan ng mga kalahok kung paano magiging mas responsable at mas maalam sa kanilang mga desisyong pinansyal.

Nagpaabot din ng suporta at mensahe ng inspirasyon sina 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐇𝐨𝐧. 𝐄𝐝𝐧𝐚 𝐆𝐚𝐜𝐨𝐭-𝐋𝐢𝐦, 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐀𝐝𝐦𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐨𝐫 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐧𝐞 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐞 𝐋𝐢𝐦-𝐆𝐚𝐛𝐚𝐫𝐫𝐚, 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐌𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝐃𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐫𝐢𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝, 𝐚𝐭 𝐆𝐀𝐃 𝐅𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧 𝐉𝐚𝐧 𝐆𝐢𝐛𝐛 𝐂. 𝐑𝐞𝐥𝐚𝐭𝐚, bilang pagpapakita ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan sa mga programang naglalayong palakasin ang kakayahan at oportunidad ng kababaihan.

Ang gawaing ito ay patunay na ang kaalaman sa pananalapi ay mahalagang bahagi ng pagiging empowered. Sa pamamagitan ng tamang kaalaman at wastong pagpapasya sa pera, mas nagiging handa ang kababaihan na pangalagaan ang kanilang sariling kinabukasan, pamilya, kabuhayan, at komunidad.

𝑲𝒂𝒑𝒂𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒃𝒂𝒊𝒉𝒂𝒏 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒌𝒂𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏, 𝒎𝒂𝒔 𝒏𝒂𝒈𝒊𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒎𝒊𝒍𝒚𝒂 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒔 𝒍𝒖𝒎𝒂𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒐𝒎𝒖𝒏𝒊𝒅𝒂𝒅.







Done with Day 1! 🎉Simula pa lang, dami nang natutunan na budgeting at ipon tips ng ating El Nido ladies. Big salute sa L...
18/08/2026

Done with Day 1! 🎉

Simula pa lang, dami nang natutunan na budgeting at ipon tips ng ating El Nido ladies. Big salute sa LGU El Nido – GAD Office for this initiative. Ready na agad for Day 2! 💸✨

Matagumpay na naisagawa ang PAG-ASA (Pangkabuhayan at Asenso ng Sambayanan) Payout para sa mga Solo Parent, bilang bahag...
13/08/2026

Matagumpay na naisagawa ang PAG-ASA (Pangkabuhayan at Asenso ng Sambayanan) Payout para sa mga Solo Parent, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng Lokal na Pamahalaan ng El Nido ng mga programang nagbibigay ng konkretong suporta sa kabuhayan.

Sa ilalim ng programa, ang mga benepisyaryo ay tumatanggap ng kabuuang livelihood assistance na nagkakahalaga ng ₱12,000, na gagamitin para sa pagbababuyan.

Sa pagkakataong ito, ang kasalukuyang benepisyaryo ay nakatanggap ng dalawang biik o cash na nagkakahalaga ng ₱7,000, na nagmula sa naunang benepisyaryo bilang bahagi ng pagpapatuloy at pag-ikot ng tulong pangkabuhayan. Dagdag dito, naglaan ang Lokal na Pamahalaan ng ₱5,000 karagdagang puhunan, kaya umabot sa ₱12,000 ang kabuuang halaga ng natanggap na livelihood assistance—katumbas ng halagang ipinagkaloob sa unang batch.

Sa ganitong paraan, hindi kinakailangang muling maglabas ng buong ₱12,000 ang Pamahalaan para sa bawat bagong benepisyaryo. Sa halip, ang bahagi ng tulong ay patuloy na umiikot mula sa isang benepisyaryo patungo sa susunod, habang ang Lokal na Pamahalaan ay nagdaragdag ng kinakailangang puhunan. Isang halimbawa ito ng sustainable at revolving livelihood assistance na nagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Solo Parent.

Dumalo at nakibahagi sa aktibidad sina Mayor Edna Gacot-Lim, SB Leonor Corral, SB Val Austria , MLGOO Melissa Magbanua, at mga miyembro ng PAG-ASA Committee.

Mula sa unang batch hanggang sa kasalukuyang batch, patuloy na naipapasa ang tulong, pagkakataon, at pag-asa. 💜

PAG-ASA (Pangkabuhayan at Asenso ng Sambayanan.)

Isang napakasayang araw para sa atin sa El Nido!Lubos ang aking kagalakan at labis na nakakataba ng puso na makasama at ...
13/08/2026

Isang napakasayang araw para sa atin sa El Nido!

Lubos ang aking kagalakan at labis na nakakataba ng puso na makasama at makakuwentuhan ang ating mga minamahal na Solo Parents sa naganap na PAG-ASA (Pangkabuhayan at Asenso ng Sambayanan) Payout. 🐖✨

Ang proyektong ito ay napaka-espesyal sa aking puso. Hindi lang ito simpleng pagbibigay ng tulong, kundi isang patunay ng pagtutulungan at patuloy na pag-ikot ng biyaya sa ating komunidad.

💡 Paano Umiikot ang Biyaya at Pag-asa?
Pasa-Biyaya mula sa Naunang Batch: Nakatutuwang makita na ang dalawang biik (o cash na ₱7,000) ay nagmula sa pagsusumikap ng ating mga naunang benepisyaryo para ibahagi sa kasalukuyang batch!
Dagdag-Puhunan mula sa LGU: Naglaan ang inyong Lokal na Pamahalaan ng karagdagang ₱5,000 upang mabuo ang kabuuang ₱12,000 livelihood assistance para sa kanilang pagbababuyan.

Dahil sa revolving livelihood scheme na ito, mas marami pa tayong matutulungang pamilya.

Ipinagmamalaki ko ang ating mga Solo Parents! Ang inyong sigasig at sipag ang nagbibigay-buhay sa programang ito. Pinapatunayan ninyo na kapag binigyan ng tamang pagkakataon ang isang mamamayan, kayang-kaya nitong magbunga at magbahagi rin sa iba. 💖

Maraming salamat kina SB Leonor Corral, SB Val Austria, MLGOO Melissa Magbanua, at sa buong PAG-ASA Committee sa inyong patuloy na paggabay at tiyaga.

Mula sa unang batch hanggang sa kasalukuyan—at sa mga susunod pa—patuloy nating ipapasa ang tulong, pagkakataon, at pag-asa sa bawat pamilyang El Nido! 🌴✨

📢 𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 | 𝐒𝐀𝐑𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐏𝐋𝐈𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐅𝐎𝐎𝐃 𝐂𝐀𝐑𝐓 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌Opisyal nang sarado ang aplikasyon para sa Food Cart ...
07/08/2026

📢 𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 | 𝐒𝐀𝐑𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐏𝐋𝐈𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐅𝐎𝐎𝐃 𝐂𝐀𝐑𝐓 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌

Opisyal nang sarado ang aplikasyon para sa Food Cart Program.

Maraming salamat sa lahat ng nagpakita ng interes at nagsumite ng kanilang aplikasyon. Ang mga naisumite ay 𝐬𝐮𝐦𝐚𝐬𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐩𝐚 𝐬𝐚 𝐯𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐞𝐯𝐚𝐥𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 upang matukoy ang mga aplikanteng kwalipikado at nararapat na mapabilang sa programa.

📌 𝑨𝒃𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒔𝒖𝒔𝒖𝒏𝒐𝒅 𝒏𝒂 𝒂𝒏𝒖𝒏𝒔𝒚𝒐 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒓𝒆𝒔𝒖𝒍𝒕𝒂 𝒂𝒕 𝒊𝒃𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒖𝒈𝒏𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝒊𝒎𝒑𝒐𝒓𝒎𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at pag-unawa!

𝐀𝐓𝐓𝐄𝐍𝐓𝐈𝐎𝐍: 𝟐𝐍𝐃 𝐒𝐄𝐓 𝐎𝐅 𝟐𝐍𝐃 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 𝐁𝐄𝐍𝐄𝐅𝐈𝐂𝐈𝐀𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐕𝐄𝐒𝐓𝐎𝐂𝐊 𝐑𝐀𝐈𝐒𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐅𝐄𝐑 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘. The Gender and...
07/08/2026

𝐀𝐓𝐓𝐄𝐍𝐓𝐈𝐎𝐍: 𝟐𝐍𝐃 𝐒𝐄𝐓 𝐎𝐅 𝟐𝐍𝐃 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 𝐁𝐄𝐍𝐄𝐅𝐈𝐂𝐈𝐀𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐕𝐄𝐒𝐓𝐎𝐂𝐊 𝐑𝐀𝐈𝐒𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐅𝐄𝐑 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘.

The Gender and Development (GAD) Office is pleased to invite the second set of the 2nd Batch Beneficiaries to attend the PAG-ASA (Pangkabuhayan at Asenso ng Sambayanan) Livestock Raising Program Transfer Ceremony.

📅 𝐃𝐚𝐭𝐞: 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔
🕗 𝐓𝐢𝐦𝐞: 𝟖:𝟎𝟎 𝐀.𝐌. – 𝟏𝟐:𝟎𝟎 𝐏.𝐌.

📍 𝐕𝐞𝐧𝐮𝐞: 𝐆𝐀𝐃 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠 (𝟐𝐧𝐝 𝐟𝐥𝐨𝐨𝐫, 𝐆𝐀𝐃 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐥𝐥)
This event marks the official turnover of livestock from the 1st Batch Beneficiaries to the 2nd Batch Beneficiaries, symbolizing the continuation of sustainable livelihood opportunities under the PAG-ASA Program.

📌 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚: Ang lahat ng nakalista ay kailangang pumunta sa nasabing araw dala ang Xerox Copy ng inyong Valid ID na mayroong tatlong perma sa ibaba ng papel. Ang ibang beneficiaries naman po na wala pa sa listahan ay makakasama sa pangatlong set ng payout. Antabay lamang po tayo sa susunod na announcement dito po sa aming official page.

𝐊𝐈𝐓𝐀𝐊𝐈𝐓𝐒 𝐏𝐎 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐒𝐀 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏𝟑! 𝐌𝐀𝐑𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓!







𝐀𝐓𝐓𝐄𝐍𝐓𝐈𝐎𝐍: 𝟐𝐍𝐃 𝐒𝐄𝐓 𝐎𝐅 𝟐𝐍𝐃 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 𝐁𝐄𝐍𝐄𝐅𝐈𝐂𝐈𝐀𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐕𝐄𝐒𝐓𝐎𝐂𝐊 𝐑𝐀𝐈𝐒𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐅𝐄𝐑 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘.

The Gender and Development (GAD) Office is pleased to invite the second set of the 2nd Batch Beneficiaries to attend the PAG-ASA (Pangkabuhayan at Asenso ng Sambayanan) Livestock Raising Program Transfer Ceremony.

📅 𝐃𝐚𝐭𝐞: 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔
🕗 𝐓𝐢𝐦𝐞: 𝟖:𝟎𝟎 𝐀.𝐌. – 𝟏𝟐:𝟎𝟎 𝐏.𝐌.
📍 𝐕𝐞𝐧𝐮𝐞: 𝐆𝐀𝐃 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠 (𝟐𝐧𝐝 𝐟𝐥𝐨𝐨𝐫, 𝐆𝐀𝐃 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐥𝐥)

This event marks the official turnover of livestock from the 1st Batch Beneficiaries to the 2nd Batch Beneficiaries, symbolizing the continuation of sustainable livelihood opportunities under the PAG-ASA Program.

📌 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚: Ang lahat ng nakalista ay kailangang pumunta sa nasabing araw dala ang Xerox Copy ng inyong Valid ID na mayroong tatlong perma sa ibaba ng papel. Ang ibang beneficiaries naman po na wala pa sa listahan ay makakasama sa pangatlong set ng payout. Antabay lamang po tayo sa susunod na announcement dito po sa aming official page.

𝐊𝐈𝐓𝐀𝐊𝐈𝐓𝐒 𝐏𝐎 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐒𝐀 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏𝟑! 𝐌𝐀𝐑𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓!







Bilang bahagi ng 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀 (𝐏𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐀𝐬𝐞𝐧𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐦𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐚𝐧) 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, inaanyayahan ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan n...
05/08/2026

Bilang bahagi ng 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀 (𝐏𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐀𝐬𝐞𝐧𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐦𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐚𝐧) 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, inaanyayahan ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng El Nido, sa pamamagitan ng Municipal Gender and Development (GAD) Office at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), ang mga interesadong senior citizen na may umiiral nang sari-sari store na magsumite ng kanilang aplikasyon para sa financial livelihood assistance.

𝑫𝒂𝒍𝒂𝒘𝒂𝒎𝒑𝒖𝒏𝒈 (20) 𝒌𝒘𝒂𝒍𝒊𝒑𝒊𝒌𝒂𝒅𝒐𝒏𝒈 𝒃𝒆𝒏𝒆𝒑𝒊𝒔𝒚𝒂𝒓𝒚𝒐 𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒑𝒊𝒑𝒊𝒍𝒊 𝒔𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒕𝒐.

𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐪𝐮𝐢𝐫𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐚𝐭 𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐞𝐭𝐚𝐥𝐲𝐞 𝐧𝐠 𝐚𝐩𝐥𝐢𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐢-𝐜𝐥𝐢𝐜𝐤 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢𝐩 𝐧𝐚 𝐥𝐢𝐧𝐤 𝐚𝐭 𝐬𝐚𝐠𝐮𝐭𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐒𝐚𝐫𝐢-𝐬𝐚𝐫𝐢 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐀𝐩𝐩𝐥𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐅𝐨𝐫𝐦 𝐧𝐚 𝐢𝐭𝐨, https://forms.gle/UNRvytGbNATQDFG88 , 𝐨 𝐦𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐆𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐆𝐀𝐃) 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐨 𝐭𝐮𝐦𝐚𝐰𝐚𝐠 𝐬𝐚 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐡𝐨𝐭𝐥𝐢𝐧𝐞: 𝟎𝟗𝟐𝟎-𝟔𝟖𝟎-𝟕𝟐𝟐𝟗 / 𝟎𝟗𝟒𝟓-𝟔𝟔𝟎-𝟎𝟑𝟔𝟕.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito na mapalago ang inyong kabuhayan sa tulong ng programang naglalayong magbigay ng mas maraming oportunidad at mas magandang kinabukasan para sa ating mga senior citizen.

Mag-apply na at maging bahagi ng PAG-ASA!

Address

El Nido Municipal Hall, Brgy, Maligaya, Palawan
El Nido
5313

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gender and Development Office of El Nido posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Gender and Development Office of El Nido:

Shortcuts

Share