Joel Rosento

Joel Rosento Tricycle Hotline (MTFRB) : +639205769340
(1)

This is the official page of Joel David Rosento, incumbent Municipal Vice Mayor and Chairperson of the Municipal Tricycle Franchise Regulatory Board (MTFRB) of El Nido, Palawan.

Day 2 August 14, 2026 | Gift Giving & Quasi SeminarIsang matagumpay at makabuluhang araw ang ating pinagsaluhan sa Gift ...
20/08/2026

Day 2 August 14, 2026 | Gift Giving & Quasi Seminar

Isang matagumpay at makabuluhang araw ang ating pinagsaluhan sa Gift Giving Activity sa Barangay Manlag, kung saan naipamahagi ang tulong at naipadama ang malasakit sa ating mga kababayan. Kasunod nito ay ang Quasi Seminar na ginanap sa Session Hall bilang bahagi ng Vice Mayors League of the Philippines (VMLP) – Palawan Chapter 3rd Quarterly Meeting.

Maraming salamat sa lahat ng mga Vice Mayor, partner agencies, volunteers, at sa mga mamamayan ng Barangay Manlag sa inyong mainit na pagtanggap at pakikiisa. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang ating pagkakaisa sa patuloy na paghahatid ng serbisyong may malasakit para sa bawat Palawenyo.

πŸ“’ EL NIDO, TSEK UP NA! LIBRENG MEDICAL MISSION PARA SA LAHAT!πŸ©ΊπŸ’™Handog sa ating komunidad ang TSEK UP NA Medical Mission ...
19/08/2026

πŸ“’ EL NIDO, TSEK UP NA! LIBRENG MEDICAL MISSION PARA SA LAHAT!πŸ©ΊπŸ’™

Handog sa ating komunidad ang TSEK UP NA Medical Mission sa pamamagitan ng Tanggapan ni Senator Risa Hontiveros, sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit of El Nido at ng Municipal Health Office (MHO).

πŸ“ SCHEDULE:

πŸ—“ August 25, 2026
πŸ“Œ Covered Court, Brgy. Villa Libertad, El Nido

πŸ—“ August 26, 2026
πŸ“Œ Covered Court, Brgy. Bucana, El Nido

πŸ—“ August 27, 2026
πŸ“Œ Covered Court, Brgy. Corong-Corong, El Nido

🩺 MGA LIBRENG SERBISYO
βœ… Doctor's Consultation
βœ… Distribution of Primary Care Medicines
βœ… ECG
βœ… Fetal Doppler (para sa mga buntis na hanggang 5 buwan)
βœ… Urinalysis
βœ… Blood Chemistry:
β€’ Fasting Blood Sugar
β€’ Uric Acid
β€’ Glucose
β€’ Cholesterol

🎯 Target: 300 patients bawat araw!

πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦ BUKAS ITO PARA SA LAHAT!
Hindi mahalaga kung saang barangay ka nakatiraβ€”kung kailangan mo ng medical check-up, TSEK UP NA!

πŸ“Œ DALHIN ANG:
πŸ“„ Photocopy ng Valid Government-Issued ID ng pasyente

πŸ“„ Birth Certificate kung walang valid ID.

🩸 PARA SA MAGPAPA-BLOOD TEST:
⏰ Mag-fasting ng 8–10 oras bago ang blood extraction.
Inirerekomendang fasting: 10:00 PM–12:00 MN bago ang araw ng laboratory test.

πŸ’™ Huwag palampasin ang libreng serbisyong ito!

βœ” Para sa sarili.
βœ” Para sa pamilya.
βœ” Para sa kalusugan.

TSEK UP NA, EL NIDO!

Day 1 | August 13, 2026 - VMLP - Palawan ChapterMatagumpay na naisagawa ang mainit na pagtanggap sa ating mga Bise Mayor...
18/08/2026

Day 1 | August 13, 2026 - VMLP - Palawan Chapter

Matagumpay na naisagawa ang mainit na pagtanggap sa ating mga Bise Mayor mula sa iba't ibang bayan ng Palawan bilang opisyal na pagbubukas ng Vice Mayors League of the Philippines (VMLP) – Palawan Chapter 3rd Quarterly Meeting and Gift Giving Activity.

Kasama sa pag-welcome ang ating Municipal Mayor Hon. Edna Gacot-Lim, SB Members Hon. Leonor D. Corral, Hon. Percival Austria at MLGOO Melissa L. Magbanua

Kasunod ng programa ng pagtanggap ay isinagawa ang 3rd Quarterly Meeting ng VMLP-Palawan, kung saan tinalakay ang mahahalagang usapin para sa kapakanan ng mga mamamayan at ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan. Matapos ang pagpupulong, nagtungo ang ating mga Bise Mayor sa Tanggapan ng Municipal Mayor para sa isang Courtesy Call kay Hon. Edna Gacot-Lim, bilang pagpapakita ng pagkakaisa at patuloy na pagtutulungan ng mga pinuno ng Palawan.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at suporta. Sama-sama nating ipagpatuloy ang mahusay na paglilingkod para sa mamamayang Palawenyo.

14/08/2026
Maligayang pagbati sa lahat ng mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng inyong Ika-112 Taong Anibersaryo ng Pa...
27/07/2026

Maligayang pagbati sa lahat ng mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng inyong Ika-112 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag. Pagpalain po kayo!

10/07/2026

EL NIDO EMERGENCY HOTLINES πŸ“ž

In light of Typhoon "Inday", we remind all guests currently in El Nido to take extra precautions.

If you need help or assistance, please don’t hesitate to call the hotlines listed or contact your accommodation/tour operator directly.

Stay safe everyone! πŸ’™

Sa harap ng banta ng Super Typhoon Inday, hinihiling ko sa ating mga kababayan na manatiling kalmado, mapagmatyag, at un...
08/07/2026

Sa harap ng banta ng Super Typhoon Inday, hinihiling ko sa ating mga kababayan na manatiling kalmado, mapagmatyag, at unahin ang kaligtasan ng inyong pamilya.

Mahigpit na paalala:

Makinig lamang sa mga opisyal na abiso mula sa LGU, MDRRMO, at iba pang kinauukulang ahensya.
Ihanda ang inyong emergency kit, mahahalagang dokumento, pagkain, tubig, at mga kinakailangang gamot.
Iwasang lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan, lalo na kapag lumalakas na ang hangin at ulan.
Sumunod agad sa mga abiso at evacuation order kung kinakailangan.

Ang inyong kaligtasan ang aming pangunahing layunin. Patuloy po tayong magtulungan, at manalangin para sa kapakanan ng ating buong komunidad.

Mag-ingat po tayong lahat.

As of 2:00 PM today, 08 July 2026, the Super Typhoon "INDAY" with international name "BAVI" is being monitored inside the Philippine Area of Responsibility (PAR).

All are advised to monitor updates from DOST-PAGASA.

Happy Birthday Vice Mayor!May God continue to bless you with good health, long life, wisdom, strength, and guidance as y...
06/07/2026

Happy Birthday Vice Mayor!

May God continue to bless you with good health, long life, wisdom, strength, and guidance as you faithfully serve our community.

Thank you for your unwavering dedication, integrity, and commitment to public service.

Address

El Nido
5313

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Joel Rosento posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category