29/08/2026
πβ¨ LINGGO NG KABATAAN 2026 | AWARDING NIGHT β¨π
A NIGHT OF RECOGNITION, A CELEBRATION OF SERVICE. π
the Sangguniang Kabataan of Barangay Bucana is deeply honored and grateful to receive the following recognitions:
π SANGGUNIANG KABATAAN β BARANGAY BUCANA AWARDS
π₯ Top 1 β Outstanding Program Implementor
π
Best in Livelihood and Entrepreneurship Program
π‘ Best in Digital Innovation and Youth Engagement
π€ Best in Youth Participation
π Legacy of Service Award
And for our SK Chairperson:
β¨ SK CHAIRPERSON HON. ANGIELINA P. MOSQUEDA AWARDS
π₯ Top 1 β Outstanding SK Chairperson
ποΈ Three-Year Active Service Award
π₯ Fighter in Service Award
Maraming, maraming salamat po sa mga parangal at pagkilalang ito.π
Ang mga parangal na ito ay higit pa sa mga tropeo at sertipiko. Para sa amin, nagsisilbi itong paalala na ang bawat oras, pagod, sakripisyo, at serbisyong ibinibigay namin para sa kabataan ay may kabuluhan.
Ipinapakita ng mga pagkilalang ito kung paano nagsusumikap ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Bucana na gampanan ang aming tungkulin nang may dignidad, katapatan, malasakit, pananagutan, at good governance.
Ngunit higit sa lahat, hindi namin aangkinin ang tagumpay na ito bilang amin lamang.
Ang tagumpay na ito ay para sa kabataan ng Barangay Bucana.π
Maraming salamat sa inyong walang-sawang suporta, pakikilahok, at pakikiisa sa bawat programa at proyektong isinagawa at patuloy pa naming isasagawa.
Sa bawat kabataang dumalo, nakilahok, nag-volunteer, naglaro, nagpakita ng talento, nagbahagi ng ideya, at naniwala sa aming mga programaβKAYO AY BAHAGI NG TAGUMPAY NA ITO.
Walang saysay ang isang programa kung walang kabataang handang makilahok. Walang pagbabago kung walang kabataang handang kumilos. At walang tunay na pag-unlad kung hindi tayo nagkakaisa.π€
Kaya't nawa'y patuloy tayong magtulungan at magkaisa upang bumuo ng isang komunidad kung saan ang bawat kabataan ay may boses, oportunidad, at pagkakataong umunlad.
Sapagkat nananatili ang aming paniniwala sa mga katagang iniwan ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal:
βAng kabataan ang pag-asa ng bayan.β
Ngunit ang pagiging pag-asa ng bayan ay hindi lamang isang titulo.
Ito ay isang pananagutan.
Kaya simulan natin sa ating mga sarili.
Makilahok. Maglingkod. Makialam. Kumilos.
Maging bahagi tayo ng mga programa at pagbabago na nais nating makita sa ating komunidad.
Sa bawat parangal na natanggap namin, mas lalo naming pinanghahawakan ang aming commitment na maglingkod nang buong puso para sa kabataan.
The recognition is ours, but the achievement belongs to every youth of Barangay Bucana. π
United for Change.
United for Progress.
Maraming salamat, kabataang Bucana!
At higit sa lahat
SA DIYOS ANG LAHAT NG PAPURI AT PASASALAMAT! ππ