11/05/2023
ANUNSYO!!!
Sa mga Magulang o Guardian,
Ipinagbibigay alam po namin na ang ENRILE NORTH CENTRAL SCHOOL ay tumatanggap na ng EARLY REGISTRATION para sa Taong Panuruan 2023-2024. Ang registration period ay mula Mayo 10 hanggang Hunyo 9, 2023.
Para sa KINDERGARTEN:
1. Ang mga batang limang (5) taong gulang ngayon o maglilimang taong gulang bago mag Oktubre 31, 2023, batay sa DepEd Order No. 47, s. 2016 at DepEd Order No. 20, s. 2018, ay maaaring mag-enroll.
2. Magsumite ng kopya ng PSA Birth Certificate ng inyong anak. Kapag walang PSA Birth Certificate, magsumite ng kahit na ano sa mga sumusunod;
a. NSO Birth Certificate/Local Live Birth
b. Barangay Certification
c. Late registration form
Para sa GRADE 1:
1. Magsumite ng kopya ng PSA Birth Certificate ng inyong anak.
Ang mga estudyante na mag-aaral sa Grades 2-6 sa susunod na school year ay pre-registered na kaya hindi na kailangan pang mag-enroll sa early registration.
Mga Mahalagang Paalala:
✔️Siguraduhin na sumunod sa mga safety protocols na ipinapatupad sa ating paaralan.
✔️ Lagi pong magsuot ng facemask.
✔️ Magdala ng sariling ballpen.
Maraming salamat po at tandaan, "ANG EDUKASYON AY KARAPATAN MO! MAG-ENROLL NA!"