Cris Paul

Directions

Cris Paul Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Cris Paul, Public Service, Enrile.

Mas mahal ko pa camera ko kesa kay _ _ _ _ _ _   _ _ _ hehehe!
08/09/2026

Mas mahal ko pa camera ko kesa kay _ _ _ _ _ _ _ _ _ hehehe!

08/09/2026

MAGTRABAHO KA NAMAN WAG PURU SOCIAL MEDIA SABAGAY DJAN KA MAGALING. SAYANG PINAPASAHOD SAYO NG GOBYERNO

04/09/2026
04/09/2026

DALAWANG KABATAANG ENRILEÑO, NAGWAGI SA 7TH MANUEL VEGUILLAS INTERNATIONAL KARATE CHAMPIONSHIPS!

Muling naghatid ng karangalan sa ating bayan ang ating mga kabataang Enrileño sa ginanap na 7th Manuel Veguillas Philippine International Open Karate Championships 2026 sa Tagaytay City!

Lubos na ipinagmamalaki ng LGU Enrile at ng buong komunidad ang ating mga kampeon mula sa Barangay Liwan Norte.

Nakamit ni Reine Yeshua M. Guya, mag-aaral mula sa Tuguegarao West Central School at anak nina Demie Jordan T. Guya at Prances Marielle M. Guya, ang Gold Medal sa kategoryang 8-9 YO Intermediate Kata (Male).

Nasungkit naman ni Solenn Adrienne E. Pudiquet, mag-aaral mula sa University of Saint Louis Tuguegarao at anak nina Jomar Pudiquet at Melissa Joy Escobar-Pudiquet, ang Silver Medal sa kategoryang Cadets Female Kumite -47 kg.

Taos-pusong pasasalamat din sa gabay at pagsasanay nina Sensei Rufino June Culangan at coaches Demie Jordan Guya at Jomar Pudiquet.

Ang inyong dedikasyon, disiplina, at kahusayan ay tunay na inspirasyon sa ating bayan. Ipinakita ninyo ang galing ng Liwan Norte at ng buong Enrile sa pambansang entablado!

Maraming salamat sa pagtataguyod sa pangalan ng ating bayan!

04/09/2026

ALAM MO BA KUNG ANO ANG
KURABEMBENG o ang tinaguriang "Pizza ng Enrileño"?

Ang Kurabembeng ay isang tradisyonal na pagkain at meryenda ng mga Enrileño noon, na gawa sa “sissik” (harina ng mais), asukal, at asin. Maaari itong ihanda na may mani o walang mani, depende sa nakasanayang paraan ng bawat pamilya o lugar. Dahil sa bilog nitong hugis at pagkakalahok ng iba't ibang sahog sa ibabaw, madalas itong ihalintulad sa isang katutubong bersyon ng pizza.

PAANO ITO GINAGAWA?

Noong unang panahon, ang “kallag,” o takip ng banga, ang tradisyonal na ginagamit bilang lutuan ng Kurabembeng. Ginagamit ito nang nakabaligtad at inilalagay sa ibabaw ng apoy, kung saan direktang hinuhubog at niluluto ang Kurabembeng.

Sa paglipas ng panahon at pagdating ng mga makabagong kagamitan, ginagamit na rin ang “takkug kalderu,” o takip ng metal na kaldero, bilang alternatibong lutuan.

May ilan ding naglalagay ng kaunting mantika sa kallag o takip upang hindi dumikit ang Kurabembeng, habang ang iba naman ay hindi na gumagamit nito.

Sa simpleng paghahanda nito, makikita ang pagiging malikhain at maparaan ng mga Enrileño - isang tradisyong bahagi ng ating pagkain, kultura, at pagkakakilanlan.

Gusto mo bang makita kung paano ito ginagawa?

Halina’t makiisa ngayong hapon, alas-tres, sa aming Kurabembeng Cooking Contest! Sama-sama nating tuklasin ang iba't ibang paraan ng paghahanda nito at higit sa lahat, pahalagahan ang pagkaing bahagi ng ating kultura.

SA INYO, PAANO NINYO ITO GINAGAWA?

May sariling paraan ba ang inyong pamilya o lugar sa paggawa ng Kurabembeng?
May mani ba o wala? Gumagamit ba ng mantika o hindi? Kallag ba o takkug kalderu?
Ibahagi naman ninyo sa amin ang inyong paraan!

Sa bawat paraan ng paggawa, may kuwentong naipapasa. At sa bawat kuwentong naipapasa, nananatiling buhay ang kulturang atin.

Halina, manood sa Kurabembeng Cooking Contest mamayang alas tres sa munisipyo para makatakim ng Pizzang Enrileño







06/08/2025

bakit kaya kunting ulan lang ngayon sasabihin wala na pasok. kami nuun kahit halos basa na buong katawan may pasok padin haha😂😂

23/07/2025

Ayon sa DOST, PAGASA, Office of Civil Defense, at DSWD:

Please be advised:

A new tropical storm, Emong, has developed northwest of the country and is currently moving southwest — pababa ang direksyon.

ang lahat ng antas sa mga sumusunod na lugar, Thursday, July 24, 2025:

(This is a running list, please refresh this post for updates.)

1. Nueva Vizcaya
2. Ifugao
3. Mountain Province
4. Nueva Ecija
5. Quezon Province
6. Oriental Mindoro
7. Palawan
8. Marinduque
9. Sorsogon
10. Romblon
11. Masbate
12. Albay
13. Camarines Sur
14. Catanduanes
15. Antique
16. Iloilo
17. Pangasinan
18. Benguet
19. Tarlac
20. Pampanga
21. Bulacan
22. Metro Manila
23. Batangas
24. Laguna
25. Rizal
26. Cavite
27. Cagayan
28. Ilocos Norte
29. Ilocos Sur
30. Abra
31. Kalinga
32. Apayao
33. Zambales
34. Bataan
35. La Union
36. Occidental Mindoro

Ang pinakamabigat na ulan ay inaasahang dadagsa sa mga sumusunod na lugar:

1. Zambales
2. Bataan
3. Occidental Mindoro

Lahat ng sangay ng pamahalaan ay handa at naka-poste na sa mga kinakailangang lugar.

Suspension of work in government offices is in effect in the same areas, maliban sa mga essential personnel tulad ng responders at emergency services — kayo po ay kailangang pumasok kung kinakailangan.

Paalala po: Iwasan ang maglaro, magpiknik, o lumangoy sa ilog at sapa. Anim sa mga nasawi kahapon ay nag-inuman malapit sa ilog o nakipagpustahan ng langoy laban sa agos.

Oo, pabiro man ako minsan — pero ang kapangyarihan ng panahon ay hindi biro.

Keep safe, everyone.

-DILG

Address

Enrile
3501

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cris Paul posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category