31/05/2026
Nitong Mayo 30, 2026 (Sabado), matagumpay na naipamahagi sa dalawang daan at pitong (207) mag-aaral ang kani-kanilang school supplies sa ilalim ng programang โ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ธ ๐๐๐ธ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ: ๐๐ถ๐๐๐ฟ๐ถ๐ฏ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐ฆ๐๐ฝ๐ฝ๐น๐ถ๐ฒ๐ ๐๐ผ ๐๐ถ๐ด๐ต ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฒ ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐โ na isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Liwan Norte. Layunin ng programa na makatulong sa mga mag-aaral sa kanilang paghahanda para sa pagbubukas ng klase, mabawasan ang gastusin ng kanilang mga pamilya, at mahikayat ang patuloy na pag-aaral ng mga kabataan sa komunidad.
Sa pamamagitan ng programang ito, muling ipinakita ng Sangguniang Kabataan ang suporta nito sa edukasyon at kapakanan ng mga mag-aaral bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na makahubog ng responsable at aktibong kabataan sa Barangay Liwan Norte.
-