07/05/2026
KASALANG BAYAN 2026
Simulan ang bagong yugto ng inyong pagmamahalan kasabay ng pagdiriwang ng kasaysayan ng Maynila.
Inaanyayahan ang mga magkasintahan sa Maynila na maging bahagi ng Kasalang Bayan 2026 na gaganapin sa Hunyo 13, 2026 (Sabado) bilang pagdiriwang ng ika-455 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Maynila!
Sa programang ito, magkakaroon ng pagkakataon ang mga kwalipikadong mag-partner na maikasal sa sibil sa isang makabuluhan at espesyal na seremonya na handog ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.
Mga Kailangang Dokumento:
• CENOMAR
• Marriage License (mula sa City Civil Registry Office-Manila)
• Birth Certificate
• Valid ID na may address sa Maynila (government-issued)
• Affidavit of Cohabitation (para sa nagsasama ng limang taon o higit pa; edad 25 taong gulang pataas; at may anak)
• Birth Certificate ng anak
Paalala: Limitado lamang ang bilang ng slots at ipatutupad ang first-come, first-served basis. Tanging ang mga aplikanteng may kumpleto at aprubadong dokumento lamang ang papayagang maikasal.
Para sa aplikasyon, maaaring magtungo sa City Civil Registry Office, Room 117, Ground Floor, Manila City Hall, Ermita, Manila.