Sulong - UPM

Sulong - UPM SULONG UPM is a progressive party-alliance of individuals and organizations in UP Manila. TPM!

14/05/2026

TIGNAN | Dumalo ang Sulong UPM sa isinagawang kilos-protesta upang kundenahin ang patuloy na kultura ng impunidad, ipagpatuloy โ€œforthwithโ€ ang Impeachment ni Sara Duterte, at arestuhin na si Bato dela Rosa.

Nagbahagi si Ian Marbibi ng Sulong UPM ng panawagan ng kabataan at Iskolar ng Bayan para sa tunay na hustisya at pananagutan sa gitna ng mga usapin ng impeachment ni Sara Duterte at ng patuloy na pagtatago ni Senador Ronald โ€œBatoโ€ dela Rosa mula sa pananagutan kaugnay ng madugong gera kontra droga.

Binigyang diin din ang matinding pagkakaiba ng pagtrato ng estado sa kabataang lumalaban at sa mga makapangyarihang inaakusahan ng paglabag sa karapatang pantao. Habang mabilis ang pagbibigay ng subpoena, red-tagging, pagbabanta, at ang pagpatay sa mga estudyante, mamamahayag, organisador, at masa, nananatiling mabagal ang hustisya sa naghaharing-uri.

Sa harap ng krisis sa edukasyon, mataas na presyo ng bilihin, at pampulitikang karahasan, patuloy na naninindigan ang kabataan laban sa korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Mga Iskolar ng Bayan, tumindig at lumaban!




๐๐š๐ง๐š๐ฐ๐š๐ ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐’๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐”๐ ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ ๐ฎ๐ญ๐š๐ง ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ง๐š๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ฒ๐š๐ซ๐ข๐ก๐š๐ง, ๐ฅ๐š๐ฅ๐จ ๐ง๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐๐š๐ญ๐จ ๐๐ž๐ฅ๐š ๐‘๐จ๐ฌ๐š, ๐’๐š๐ซ๐š ๐ƒ๐ฎ๐ญ๐ž๐ซ๐ญ๐ž ๐š๐ญ ๐ค...
13/05/2026

๐๐š๐ง๐š๐ฐ๐š๐ ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐’๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐”๐ ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ ๐ฎ๐ญ๐š๐ง ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ง๐š๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ฒ๐š๐ซ๐ข๐ก๐š๐ง, ๐ฅ๐š๐ฅ๐จ ๐ง๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐๐š๐ญ๐จ ๐๐ž๐ฅ๐š ๐‘๐จ๐ฌ๐š, ๐’๐š๐ซ๐š ๐ƒ๐ฎ๐ญ๐ž๐ซ๐ญ๐ž ๐š๐ญ ๐ค๐š๐ฒ ๐…๐ž๐ซ๐๐ข๐ง๐š๐ง๐ ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐จ๐ฌ ๐‰๐ซ. ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฆ๐จ.

Sa gitna ng patuloy na krisis sa kabuhayan at lumalalang kalagayan ng mamamayan, muling umalingawngaw ang panawagan para sa hustisya at pananagutan. Mariin nating tinutulan ang mga maniobrang pampulitika na naglalayong hadlangan ang proseso ng paniningil at protektahan ang mga opisyal na nahaharap sa mabibigat na alegasyon ng korapsyon at paglabag sa karapatang pantao.

Kaisa ang Sulong UP Manila sa mga nananawagan ng agarang paglilitis kay Sara Duterte at ang pagharap ni Ronald "Bato" dela Rosa sa mga usaping kaugnay ng madugong โ€œwar on drugsโ€ ng nakaraang administrasyon. Hindi titigil ang panawagan na hindi dapat gamitin ang kapangyarihan at posisyon upang takasan ang pananagutan sa taumbayan.

Patuloy na nananawagan ang mga kabataan at mamamayan na manindigan para sa katotohanan, hustisya, at pananagutan. Sa harap ng pang-aabuso at pagpapalusot ng mga nasa kapangyarihan, higit kailanman kinakailangan ang sama-samang pagkilos at pakikilahok ng mamamayan.

Laban, kabataan!
Laban, bayan!
Labanan ang bulok na sistema!




Marcos, Panagutin!Sara, Litisin!Bato, Arestuhin!
13/05/2026

Marcos, Panagutin!
Sara, Litisin!
Bato, Arestuhin!

๐“๐š๐ฆ๐š ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง! ๐“๐š๐ฆ๐š ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ค๐›๐ฎ๐ก๐š๐ง ๐š๐ญ ๐ ๐š๐ง๐ญ๐ข๐ก๐š๐ง!Iniimbitahan ng Sulong - UPM ang mga kabataan at estudyante na lu...
13/05/2026

๐“๐š๐ฆ๐š ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง! ๐“๐š๐ฆ๐š ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ค๐›๐ฎ๐ก๐š๐ง ๐š๐ญ ๐ ๐š๐ง๐ญ๐ข๐ก๐š๐ง!

Iniimbitahan ng Sulong - UPM ang mga kabataan at estudyante na lumahok sa pagkilos na kasalukuyang ginaganap sa Welcome Rotonda.

Panahon na upang managot ang mga nasa kapangyarihan โ€” Duterte man o Marcos!

Panahon na upang tugunan ang gutom at kahirapan na dinaranas ng mamamayan!

Marcos, Panagutin!
Sara, Litisin!
Bato, Arestuhin!

๐Ÿ“ 8:30 PM โ€” Welcome Rotonda

Laban, kabataan!
Laban, bayan!
Labanan ang bulok na sistema!




11/05/2026

NAGKAKAISANG PAHAYAG NG MGA ORGANISASYON AT KONSEHO NG MGA MAG-AARAL NG KAS

IMPEACH SARA NOW! PANAGUTIN ANG MGA DUTERTE AT MGA KASABWAT NILA SA KORUPSYON AT IMPUNIDAD!

Muling nasaksihan ngayong araw ng sambayanang Pilipino ang isang lantaran na pagtatanghal ng burukratikong sirkus at pampulitikang pakikipagsabwatan sa Senado. Sa gitna ng muling pag-usad ng impeachment laban kay Sara Duterte, mabilis ding kumilos ang bagong pamunuan ng Senado upang tiyakin ang pagbabalik ni Ronald โ€œBatoโ€ Dela Rosa at ang konsolidasyon ng mga pwersang tahasang naglalayong protektahan ang kampo Duterte laban sa pananagutan. Ang malinaw na mensahe ng mga pangyayaring ito: hindi hustisya ang prayoridad ng bagong liderato ng Senado, kundi ang pagpapanatili ng kapangyarihan at impunidad ng dinastiyang Duterte.

Sa botong 257 pabor, 25 tutol, at 9 abstain, muling pinagtibay ng House of Representatives ang impeachment complaint laban kay Sara Duterteโ€”ginagawa siyang kauna-unahang mataas na opisyal sa kasaysayan ng bansa na dalawang beses na na-impeach ng Kamara. Ngunit sa halip na seryosohin ang tungkulin nitong litisin ang kaso, agad namang gumalaw ang Senado upang muling ayusin ang liderato nito sa paraang pabor sa kampo Duterte. Ang pagpapatalsik kay Tito Sotto bilang Senate President, ang pagbabalik ni Bato Dela Rosa, at ang paglipat ng suporta nina Villar, Legarda, at Cayetano ay hindi hiwa-hiwalay na pangyayariโ€”ito ay bahagi ng iisang pampulitikang maniobra upang pahinain ang kampo na pabor sa impeachment at tiyakin ang proteksyon ng mga kaalyado ng mga Duterte.

Mas nakikita ang pamumulitikang ito sa kaso ni Bato Dela Rosa. Sa mga nagdaang buwan, sunod-sunod nang lumabas ang mga ulat hinggil sa umanoโ€™y warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng mga krimen laban sa sangkatauhan sa ilalim ng madugong โ€œwar on drugsโ€ ng rehimeng Duterte. Noong Nobyembre 2025, inihayag mismo ni Ombudsman Boying Remulla na may umiiral nang warrant mula sa International Criminal Court (ICC), habang naghain naman si Dela Rosa ng petisyon sa Korte Suprema upang protektahan ang sarili laban sa posibleng pag-aresto. Nitong ika-11 ng Mayo, mismong si dating Senador Antonio Trillanes IV pa ang nagdala ng dokumento ng ICC warrant sa Senate Hall. Sa kabila nito, sa halip na sumunod sa proseso ng batas, pinili ni Dela Rosa na gawing kublihan ang Senate Hall, habang ang mga ahente ng NBI na nagtangkang ipatupad ang internasyonal batas ay pinatawan ng paghamak ng Senado.

Hindi ito simpleng usapin ng parliamentary courtesy o institutional procedure. Ito ay tahasang paggamit ng kapangyarihan ng Senado bilang pananggalang ng mga dinastiyang pulitikal laban sa pananagutan. Nakapagtataka na noon, walang pag-aatubiling ginamit ng estado ang buong pwersa nito upang gipitin at ikulong ang mga kritiko ng administrasyon, gaya nila ngayong Rep. Leila de Lima at dating Sen. Antonio Trillanes. Ngunit ngayong si Bato Dela Rosa na ang nahaharap sa mabigat na kaso, biglang ginagamit ang Senado upang pigilan ang proseso ng hustisya. Maliwanag na may batas para sa ordinaryong mamamayan at oposisyon, ngunit may espesyal na proteksyon para sa mga Duterte at kanilang mga kaalyado.

Ngunit malinaw din sa batas na walang lubos na kaligtasan mula sa pagka-aresto ang mga senador. Ayon sa Artikulo VI, Seksyon 11 ng Konstitusyon ng Pilipinas, limitado lamang ang kanilang pribilehiyo laban sa pag-aresto at hindi ito sumasaklaw sa mabibigat na krimen na may parusang higit anim na taon. Higit pa rito, malinaw sa Rome Statute ng ICC na hindi maaaring gamiting depensa ang opisyal na posisyon upang takasan ang pananagutan sa mga krimen laban sa sangkatauhan. Walang sinumang nasa kapangyarihan ang dapat maging mas mataas kaysa sa batas.

Mariing tinututulan ng mga organisasyon at konseho ng KAS ang anumang pagtatangka na gawing instrumento ang Senado para sa pampulitikang proteksyon at pagpapatuloy ng impunidad. Hindi maaaring takasan ni Bato Dela Rosa ang paniningil sa kanya para sa karahasan na kanyang ipinamalas sa taumbayan noong panahon ng rehimeng Duterte. Ang impeachment laban kay Sara Duterte at ang kaso ni Bato Dela Rosa ay hindi magkahiwalay na usapinโ€”pareho itong bahagi ng mas malawak na laban laban sa Dutertismo, korapsyon, pasismo, at kultura ng kawalang pananagutan sa bansa.

Kaya naman mariin naming ipinapanawagan: agarang buuin at tipunin ang Senate Impeachment Court. Ituloy ang impeachment trial nang walang harang at maniobrang pulitikal. Pairalin ang proseso ng pag-aresto at pagsuko alinsunod sa pambansa at pandaigdigang batas. Tutulan ang paggamit sa Senado bilang depensa ng mga dinastiyang pulitikal at kriminal. Panagutin ang lahat ng sangkot sa korapsyon, paglabag sa karapatang pantao, at pag-abuso sa kapangyarihan.

Sa panahon kung saan ang mga institusyon mismo ng gobyerno ay ginagamit upang protektahan ang mga naghahari at makapangyarihan, mas kailangan ngayon ang malawak na pagkakaisa at pagkilos ng mamamayan. Hindi dapat natin hahayaang manaig ang impunidad at pasismo.

IMPEACH SARA NOW!
BATO, PANAGUTIN!
DUTERTISMO, LABANAN!
HUSTISYA PARA SA MGA BIKTIMA NG DRUG WAR!
ANG TAO, ANG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN!

๐’๐”๐‹๐Ž๐๐† ๐”๐ ๐Œ๐€๐๐ˆ๐‹๐€ ๐’๐”๐๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐’๐€๐Š๐๐€๐˜๐€๐ ๐”๐๐‹๐๐“๐š๐š๐ฌ-๐ค๐š๐ฆ๐š๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐’๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐”๐ ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š ๐š๐ง๐  ๐’๐€๐Š๐๐€๐˜๐€๐ ๐”๐๐‹๐ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ...
07/05/2026

๐’๐”๐‹๐Ž๐๐† ๐”๐ ๐Œ๐€๐๐ˆ๐‹๐€ ๐’๐”๐๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐’๐€๐Š๐๐€๐˜๐€๐ ๐”๐๐‹๐

๐“๐š๐š๐ฌ-๐ค๐š๐ฆ๐š๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐’๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐”๐ ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š ๐š๐ง๐  ๐’๐€๐Š๐๐€๐˜๐€๐ ๐”๐๐‹๐ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฅ๐š๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐†๐ž๐ง๐ž๐ซ๐š๐ฅ ๐’๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ๐ฌ ๐„๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”!

Bitbit ang kanilang GPOA, tiwala ang Sulong UP Manila na itataguyod ng SAKBAYAN UPLB ang dekalidad na edukasyon, sapat na serbisyo para sa bawat Iskolar ng Bayan, at maayos na imprastraktura sa pamamagitan ng aktibo at demokratikong representasyon. Mahalaga na ang konseho ay mariing tumitindig labas sa militarisasyon at pasismo upang tiyaking mananatiling ligtas, malaya, at tunay na naglilingkod sa mamamayan ang ating pamantasan.

Sa pangunguna nina:
๐Ÿ”ฅ Zeadric Joseph โ€œZedโ€ Roxas (Chairperson)
๐Ÿ”ฅ Shaine Andrea Winna โ€œAndyโ€ Jariel (Vice Chairperson)
๐Ÿ”ฅ Kasama ang mga Kandidato para Konsehal na sina John Stephen Astillero, Lawrenz Christian โ€œLawโ€ Fabico, Tetchie Margareth โ€œChichiโ€ Macaraig, at Rochelle Ann โ€œRochโ€ Macatangay

Tiwala ang Sulong UP Manila na ang SAKBAYAN UPLB ang sasagot sa hamon ng panahon para sa tunay, palaban at makabayang pamumuno upang isulong ang karapatan at kapakanan ng mga Iskolar ng Bayan sa UPLB!

๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐€๐๐† ๐‹๐€๐๐€๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Š๐€๐‘๐€๐๐€๐“๐€๐, ๐‡๐”๐’๐“๐ˆ๐’๐˜๐€, ๐€๐“ ๐Š๐€๐‹๐€๐˜๐€๐€๐!



01/05/2026

WORKERS OF THE WORLD, UNITE! YOU HAVE NOTHING TO LOSE BUT YOUR CHAINS! โœŠ๏ธ

Sa paggunita ng Mayo Uno, kinapanayam ng Sulong UP Manila ang mga estudyante mula sa ibaโ€™t ibang organisasyon sa UP Manila upang alamin ang kanilang paninindigan sa pakikibaka ng uring manggagawa.

Ipinakita sa kanilang mga sagot na hindi hiwalay ang laban ng kabataan sa laban ng manggagawa. Bilang mga mag-aaral na hinuhubog para sa hinaharap, tayo rin ang susunod na papasok sa mundo ng paggawaโ€”at haharap sa parehong suliranin ng mababang sahod, kawalan ng seguridad sa trabaho, at tumataas na presyo ng mga bilihin.

Ngayong Mayo Uno, malinaw ang panawagan: Makiisa, makibaka, at ipaglaban ang karapatan ng uring manggagawa. ๐Ÿ”ฅ




SULONG UP MANILA SUPPORTS SULONG PLMUNIpinapaabot ng Sulong UP Manila ang taas-kamao naming suporta sa Sulong Pamantasan...
21/04/2026

SULONG UP MANILA SUPPORTS SULONG PLMUN

Ipinapaabot ng Sulong UP Manila ang taas-kamao naming suporta sa Sulong Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) sa kanilang paglahok sa PLMun Student Council Elections 2026.

Tiyak namin na sa gabay ng kanilang partido ay ipapamalas nila ang tunay, palaban at makabayang liderato sa konseho ng PLMun lalo na sa mga isyu ng student handbook revision, genuine student representation para sa working students, academic freedom at sa mga demokratikong karapatan ng mga PLMunian.

Ngayon sa panahon na lumalala ang gera, kinakailangan ng mga lider estudyante na militanteng makikibaka para sa karapatan, hustisya, at kalayaan. Tiwala ang Sulong UP Manila na kaya ng mga kandidato ng Sulong PLMun harapin ang tawag at hamon ng panahon.

1. Bryan MISA - CASSC PRESIDENT
2. Jehnina Paula ALVAREZ - CITCSSC PRESIDENT
3. Andre Jean SALAZAR - CAS COUNCILOR
4. Daphne GONZALES - CASSC TREASURER
5. Ma. Nila GENELZA - CASSC AUDITOR
6. Katrina SALOMON - CASSC BUSINESS MANAGER
7. Andrew Enrick LLANETA - CASSC SERGEANT-AT-ARMS

Mangahas na makibaka. Mangahas na magtagumpay. Sulong PLMun!

PLMUNIANS, MANGAHAS, MAKIBAKA, SUMULONG!




HUSTISYA PARA KAY KRISTEL TEJADA! โœŠLabintatlong taon na ang lumipas mula nang kitilin ng bulok at komersyalisadong siste...
15/03/2026

HUSTISYA PARA KAY KRISTEL TEJADA! โœŠ

Labintatlong taon na ang lumipas mula nang kitilin ng bulok at komersyalisadong sistemang pang-edukasyon ang buhay ni Kristel Tejadaโ€”isang 16 na taong gulang na freshman ng Behavioral Science sa UP Manila na nangarap lamang makatapos ng pag-aaral upang iangat ang kanyang pamilya mula sa kahirapan. Ngunit ang pangarap na ito ay tinuldukan ng isang sistemang inuuna ang kita kaysa sa kapakanan ng mga estudyante.

Ngayon, sa kabila ng pagpapatupad ng libreng matrikula sa mga pampublikong pamantasan, nananatiling malayo sa realidad ang tunay na libre at dekalidad na edukasyon. Patuloy na pasan ng mga estudyante ang samuโ€™t saring gastusinโ€”mula sa mga bayarin sa laboratoryo at materyales, hanggang sa pamasahe, pagkain, dormitoryo, at iba pang batayang pangangailangan. Ang mga ito ay malinaw na patunay na hindi sapat ang kasalukuyang suporta ng estado sa edukasyon.

Sa UP Manila mismo, nananatili ang mga patakarang lalong nagpapahirap sa mga estudyante, gaya ng Return Service Agreement sa mga white colleges na nagtatali sa mga mag-aaral sa represibong kontrata upang makapag-aral. Sa halip na palawakin ang akses sa edukasyon, lalo nitong inilalagay sa alanganin ang kalayaan at kinabukasan ng mga Iskolar ng Bayan.
Habang kulang ang pondo para sa edukasyon at batayang serbisyo, patuloy namang nilulustay at kinukurakot ang pondo ng bayan ng mga pulitiko. Sa ilalim ng mga administrasyong nagsusulong ng neoliberal na patakaran, nananatiling kolonyal, komersyalisado, at represibo ang sistema ng edukasyon sa Pilipinasโ€”isang sistemang patuloy na naglalagay sa mga estudyante sa bingit ng paghinto sa pag-aaral, at sa pinakamasahol na pagkakataon, sa desperasyon.

Ang kwento ni Kristel Tejada ay hindi lamang alaala ng isang trahedya. Ito ay matinding paalala ng sistemang patuloy na pumipigil sa mga kabataang Pilipino na maabot ang kanilang mga pangarap.

Sa paggunita natin sa ika-13 anibersaryo ng kanyang pagkamatay, muli nating pinagtitibay ang ating paninindigan: hindi matatapos ang laban hanggaโ€™t may mga estudyanteng napipilitang huminto sa pag-aaral dahil sa kahirapan, hanggaโ€™t kulang ang subsidyo sa edukasyon, at hanggaโ€™t nananatiling komersyalisado ang sistemang pang-edukasyon sa bansa.

Mga Iskolar ng Bayan, tinatawag tayo ng panahon upang makialam at tumindig. Patuloy nating palawakin ang ating hanay, palalimin ang ating pag-unawa sa mga ugat ng krisis sa edukasyon, at sama-sama nating ipaglalaban ang karapatan ng mamamayan sa edukasyon.

Hindi matatapos ang laban ni Kristel sa kanyang pagkamatay.

Ang laban niya ay laban ng bawat estudyanteng Pilipino. ๐Ÿ”ฅโœŠ

HUSTISYA PARA KAY KRISTEL TEJADA!
HUSTISYA SA LAHAT NG BIKTIMA NG NEOLIBERAL NA EDUKASYON!
IPAGLABAN ANG MAKABAYAN, SIYENTIPIKO, AT MAKAMASANG EDUKASYON!
ITAAS ANG SUBSIDYO PARA SA EDUKASYON AT KALUSUGAN!




TAAS KAMAONG INEENDORSO NG SULONG UP MANILA SI KYLIE CRUZ BILANG VICE CHAIRPERSON NG CAS FSTC! โœŠโœŠโœŠSa patuloy na kawalan ...
13/02/2026

TAAS KAMAONG INEENDORSO NG SULONG UP MANILA SI KYLIE CRUZ BILANG VICE CHAIRPERSON NG CAS FSTC! โœŠโœŠโœŠ

Sa patuloy na kawalan ng espasyo at kakulangan sa student participation, ang pagtakbo ni Kylie Cruz ay bahagi ng ating pagsusulong sa ating mga batayang karapatan bilang mga Iskolar ng Bayan at patuloy na pakikiisa sa mga panawagan ng taumbayan.

"CASikaso"
Para bigyan ng tulong at gabay upang mas maging madali ang panahon ng enrollment para sa CAS FSTs!

"Salubong CAS" or "CASimula"
Isang araw na orientation upang mainit na salubungin ang CAS FSTs!

"Kasangga sa CAS"
Buddy System upang matulungan ang ating FSTs sa kanilang academics at social life

"KASangkot! KASama!"
Feedback system sa pamamagitan ng anonymous surveys at admin meetings upang makuha ang hinaing nating FSTs

TIGNAN ANG BUONG GSPOA:
tinyurl.com/CruzSPOA

I-Kylie-ligaya kay Cruz!






Address

Ermita

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sulong - UPM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share