Manila OSCA

Manila OSCA The Official page of the Office for Senior Citizens Affair, City of Manila
(1)

07/04/2026

PAGLILINAW SA PUBLIKO📣

Nais linawin ng DSWD ang mga katanungan tungkol sa mga kinakailangang identification card (ID) para sa pagtanggap ng Social Pension for Indigent Senior Citizens.

Patuloy na kinikilala at hinihikayat ng Kagawaran ang paggamit ng PhilSys-issued National ID bilang Primary ID. Para naman sa mga benepisyaryong wala pang National ID, mananatiling valid at tatanggapin pa rin ang iba pang government-issued IDs bilang Secondary ID.

Samantala, ang mga DSWD Field Offices ay aktibong nakikipag-ugnayan sa Philippine Statistics Authority (PSA) para matulungan at gabayan ang lahat ng ating mga benepisyaryo na hindi pa rehistrado sa PhilSys. Layunin nito na matiyak na ang bawat Social Pensioner ay magkaroon ng kanilang sariling National ID para sa mas mabilis na serbisyo.

Tingnan ang listahan ng mga tinatanggap na ID sa ibaba.

❤️

23/03/2026
16/03/2026

Narito ang schedule ng cashout ng monthly allowance para sa Senior Citizens, Solo Parents, at Persons with Disabilities (PWDs) sa Lungsod ng Maynila mula March 17 hanggang March 19, 2026.

Ang schedule na ito ay para lamang sa mga Barangay Chairperson at Barangay Treasurer na kukuha ng pondo para sa kanilang mga nasasakupan.

Para sa kumpletong detalye ng schedule, oras, at venue ng cashout, pakitingnan ang impormasyon sa post sa ibaba.


16/03/2026

PABATID SA PUBLIKO📣

Simula Abril 1, 2026, ang Philippine Identification System (PhilSys) o National ID na ang kikilalaning pangunahing ID ng DSWD sa payout ng Social Pension for Indigent Senior Citizens.

Ang mga benepisyaryong wala pang National ID ay hinihikayat na magparehistro sa pinakamalapit na tanggapan ng Philippine Statistics Authority (PSA). Magkakaroon din ng PhilSys registration tuwing payout para mapadali ang pagpaparehistro ng ating mga senior citizens.

Pupuntahan naman ng PSA ang mga bedridden na benepisyaryo para sila ay irehistro.

Para sa iba pang katanungan o reklamo, tumawag sa:
📲 GLOBE: 09171105686 at 09178272543
📲 SMART: 09199116200

o magpadala ng mensahe sa Integrated Grievance Redress Management System (IGRMS) ng DSWD sa https://i-grs.dswd.gov.ph at sagutan ang form.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Social Pension for Indigent Senior Citizens, panoorin ang video na ito: https://www.facebook.com/share/v/14YUkUzGcXk/

❤️

Huling araw ng pamamahagi ng payout para sa mga senior citizen ng District 6 na may edad na 80, 85, 90, at 95 taong gula...
14/03/2026

Huling araw ng pamamahagi ng payout para sa mga senior citizen ng District 6 na may edad na 80, 85, 90, at 95 taong gulang sa Jacinto Ciria Cruz Sports Complex, kung saan 627 senior beneficiaries ang masayang tumanggap ng kanilang Milestone Age Cash Gift. 👵👴

Ang programang ito ay bahagi ng nationwide initiative ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) alinsunod sa Republic Act No. 11982, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa tulong ng Manila Office for Senior Citizens Affairs (OSCA), bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng ₱10,000 cash gift bilang pagkilala sa kanilang mahabang buhay at mahalagang ambag sa ating lipunan. 💙

Patuloy nating pinararangalan at pinahahalagahan ang ating mga minamahal na nakatatanda.





Muling umarangkada ang payout para sa mga senior citizen ng District 4 na may edad na 80, 85, 90, at 95 taong gulang sa ...
12/03/2026

Muling umarangkada ang payout para sa mga senior citizen ng District 4 na may edad na 80, 85, 90, at 95 taong gulang sa Dapitan Sports Complex, kung saan 664 senior beneficiaries ang masayang tumanggap ng kanilang milestone age cash gift. 👵👴

Ang programang ito ay bahagi ng nationwide initiative ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) alinsunod sa Republic Act No. 11982, na nilagdaan ni Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa tulong ng Manila Office for Senior Citizens Affairs (OSCA),bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng ₱10,000 cash gift bilang pagkilala sa kanilang mahabang buhay at mahalagang ambag sa ating lipunan. 💙

Patuloy nating pinararangalan at pinahahalagahan ang ating mga minamahal na nakatatanda.





11/03/2026
Day 3 ng pamamahagi ng ₱10,000 cash gift para sa ating mga senior citizens.Ang naturang programa ay ipinatutupad ng Nati...
11/03/2026

Day 3 ng pamamahagi ng ₱10,000 cash gift para sa ating mga senior citizens.

Ang naturang programa ay ipinatutupad ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) alinsunod sa Republic Act No. 11982 o ang Expanded Centenarians Act of 2024.

Kasama ang OSCA Director na si Elizabeth Rivera-Valdez sa patuloy na pagbibigay-serbisyo at pagkilala sa ating mga minamahal na nakatatanda.

Sa tulong ng Manila Office for Senior Citizens Affairs (OSCA), patuloy na ipinagkakaloob ang ₱10,000 cash gift mula sa NCSC sa mga kwalipikadong senior citizens bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa lipunan at sa kanilang mahabang buhay.

💜 Celebrating Women’s Month! 💜Our team, under the leadership of our Director Elizabeth Rivera-Valdez, proudly wears purp...
11/03/2026

💜 Celebrating Women’s Month! 💜

Our team, under the leadership of our Director Elizabeth Rivera-Valdez, proudly wears purple in support of this year’s Women’s Month celebration honoring the strength, resilience, and incredible contributions of women in our community and beyond.

Together, let us continue to uplift, empower, and support one another, creating a future where every woman’s voice is heard and every achievement is celebrated.

Happy Women’s Month to all the amazing women! 💜✨







Manila Public Information Office

10/03/2026

Address

Antonio J. Villegas St. Cor. Padre Burgos Avenue
Ermita

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+6385713878

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Manila OSCA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Manila OSCA:

Share