28/08/2026
Pagpapatatag ng mga Pamayanan sa Pamamagitan ng ADR! 🤝⚖️
Matagumpay na isinagawa ng Office for Alternative Dispute Resolution ang Course on Alternative Dispute Resolution (ADR) Mechanisms under the Katarungang Pambarangay (KP) Law for the Justice Zone: Iligan City, Region X – Batch 2 noong ika-11 hanggang ika-13 ng Agosto 2026 sa Go Hotels Iligan, Robinsons Place Iligan Complex, Iligan City, Lanao Del Norte.
Sinimulan ng OADR Team ang gawain sa pamamagitan ng courtesy visit sa mga pangunahing opisyal ng Iligan City, Lanao Del Norte kabilang sina Vice Mayor Ernest Oliver “Wekwek” C. Uy, City Legal Officer Atty. Roberto C. Padilla, at City Prosecutor’s Office Fiscal Abdul Gaffur Madki Howard M. Alonto, na kinatawan ni Prosecutor Ava Marie Aguaviva.
Sa pagbubukas ng kurso, ito ay binuksan sa pambungad na pananalita ni OADR Executive Director V, Atty. Jose Ma. R. Palaganas, na sinundan ng mga mensahe ng suporta mula kina Vice Mayor Ernest Oliver "Wekwek" C. Uy at City Legal Officer Atty. Roberto C. Padilla.
Sa ngalan ni DILG Regional Director Mr. Bruce A. Colao, CESO V, naghatid rin ng mensahe ng suporta si DILG Iligan City Director Maria Maida B. Daniot, CESO V.
Sa ngalan ni Fiscal Abdul Gaffur Madki Howard M. Alonto, naghatid naman ng mensahe ng suporta si Fiscal Albert L. Opon mula sa City Prosecutor’s Office, na nagpatibay sa kanilang pangako na higit pang palakasin ang ADR at ang sistemang Katarungang Pambarangay.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kalahok na matuto at makakuha ng mahahalagang kaalaman mula sa eksperto ng ADR sa tatlong araw na gawain na kinabibilangan nina:
Atty. Rodolfo Ferdinand N. Quicho, Jr.
Atty. Josephine V. Sescon
Luz D. Canave-Anung
Bilang pagtatapos, nagpahatid ng mensahe ang Deputy Executive Director IV ng OADR na si Krista Gem M. Santos at Maria Maida V. Daniot, CESO V, City Director, DILG–Iligan City.
Isang espesyal na pasasalamat kina Atty. Avril Reina O. Talingting at sa kanyang mga kasamahan para sa kanilang napakahalagang tulong at suporta na naging bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad!
Pagabati sa 147 na nakapagtapos ng pagsasanay! Ito ay isang manipestasyon parasa pagtupad ng matibay na pangako para sa mapayapa at makabuluhang paglutas ng mga alitan. ️
Sa patuloy nating pagpapalakas ng mga mekanismo ng ADR sa ilalim ng KP Law, mas napapalapit tayo sa isang sistema ng hustisya na mas madaling maabot, mas tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan, at nakaugat sa pagpapalakas ng mga pamayanan.