30/06/2026
𝒦𝒶𝓁𝒶𝓂𝒷𝓊𝒶𝓃 𝒞𝑒𝓇𝑒𝓂𝑜𝓃𝓎 2026: 70 𝒫𝒶𝓂𝒾𝓁𝓎𝒶 𝓈𝒶 𝐸𝓈𝓅𝑒𝓇𝒶𝓃𝓏𝒶, 𝒮𝓊𝓁𝓉𝒶𝓃 𝒦𝓊𝒹𝒶𝓇𝒶𝓉, 𝑀𝒶𝓉𝒶𝑔𝓊𝓂𝓅𝒶𝓎 𝓃𝒶 𝒩𝒶𝑔𝓉𝒶𝓅𝑜𝓈 𝓈𝒶 4𝒫𝓈
Pitumpung (70) benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Bayan ng Esperanza ang matagumpay na nagtapos sa Kalambuan Ceremony noong Hunyo 29, 2026, isang makabuluhang pagdiriwang na kumikilala sa kanilang tagumpay at kahandaan sa panibagong yugto ng kanilang buhay bilang mga pamilyang mas matatag at may kakayahang umunlad.
Ang seremonya ay dinaluhan ng mga opisyal at kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Pamahalaang Lokal ng Esperanza, at iba pang katuwang na ahensya bilang pagpap**ita ng kanilang patuloy na suporta sa pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Kabilang sa mga dumalo sina Ms. Norzahra G. Dimatingkal, 4Ps Sultan Kudarat Provincial Link; Ms. Noraisa A. Tudon, Social Welfare Officer III ng Isulan Cluster; Ms. Sherelyn T. Canoy-Guipar, RPMO Case Management Focal; mga Technical Staff mula sa Provincial Operations Office; at mga kasamahan mula sa Municipal Action Team (MAT) ng Esperanza, Sultan Kudarat.
Nakiisa rin sa programa ang mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Esperanza. Naghatid ng Welcome Message si Hon. Helen T. Latog, Vice Mayor ng Bayan ng Esperanza, na nagpahayag ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga pamilyang benepisyaryo ng programa. Samantala, nagbigay naman ng inspirasyonal na mensahe si Ma'am Leonidas Dela Cerna, Provincial Consultant on Social Services, na nagbigay ng paghihikayat sa mga nagsipagtapos na ipagpatuloy ang kanilang pagsusumikap tungo sa mas maunlad na kinabukasan.
Dumalo rin sa seremonya sina Ms. Christine C. Camzar, Provincial Social Welfare and Development Officer, at Ms. Leovie Marie G. Nasataya, RSW, Municipal Social Welfare and Development Officer, bilang pagpap**ita ng kanilang p**ikiisa sa pagdiriwang ng tagumpay ng mga benepisyaryo.
Bilang pagkilala sa mahalagang papel ng Lokal na Pamahalaan ng Esperanza sa matagumpay na pagpapatupad ng 4Ps, iginawad ng DSWD ang isang Plaque of Appreciation sa LGU Esperanza para sa kanilang patuloy na suporta at matatag na p**ikipagtuwang sa programa. Bilang tugon, nagbigay rin ang Lokal na Pamahalaan ng mga tokens sa lahat ng 70 nagsipagtapos bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap at tagumpay.
Ipinakita ng okasyong ito ang matibay na ugnayan at sama-samang pagtutulungan ng DSWD, Lokal na Pamahalaan, at iba pang mga katuwang na ahensya sa pagsusulong ng kapakanan at patuloy na pag-unlad ng mga pamilyang Pilipino.