Mayor “Tatay LR” Lorenzo Rellosa

Mayor “Tatay LR” Lorenzo Rellosa God is Good 🙏

🏆 Isang Karangalan para sa Bayan ng Famy!Taos-pusong pasasalamat sa Philippine Red Cross – Laguna Chapter sa pagkilala s...
27/08/2026

🏆 Isang Karangalan para sa Bayan ng Famy!

Taos-pusong pasasalamat sa Philippine Red Cross – Laguna Chapter sa pagkilala sa Local Government Unit of Famy sa pamamagitan ng Testimonial Plaque of Recognition for Exemplary Public Service and Humanitarian Leadership.

Kinilala rin ang ating mga katuwang na Barangays Mayatba, Liyang, Magdalo, Banaba, at Maate, gayundin ang Senior Citizens – OSCA Famy sa pangunguna ni Ruben Gailo, at ang ating RC-143 Municipal Branch Coordinator, Lorelei R. Zurbito, para sa kanilang mahalagang suporta at kontribusyon sa mga humanitarian activities at Resource Generation Campaign 2025 ng Philippine Red Cross – Laguna Chapter.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng malasakit, pagkakaisa at pagtutulungan ng ating LGU, mga barangay, senior citizens, at iba pang katuwang sa pagsusulong ng serbisyong makatao para sa ating mga kababayan.

Maraming salamat, Philippine Red Cross – Laguna Chapter, sa pagkilala at sa patuloy na pakikipagtulungan! ❤️🤝

Nakibahagi po tayo, kasama ang mga Municipal Mayors, sa isang mahalagang pagpupulong kasama si Atty. Melvin Matibag, Dir...
19/08/2026

Nakibahagi po tayo, kasama ang mga Municipal Mayors, sa isang mahalagang pagpupulong kasama si Atty. Melvin Matibag, Director of the National Bureau of Investigation (NBI), sa NBI Head Office.

Naging pagkakataon ito upang palakasin ang koordinasyon at pagtutulungan para sa peace and order, public safety, at higit pang mga programa at proyekto para sa ating mga kababayan.

Abangan natin—may mga magandang proyekto at oportunidad na nakalaan para sa ating bayan. 🤝🇵🇭

Patuloy tayong makikipag-ugnayan at makikipagtulungan para sa ikauunlad ng Famy at ng buong Laguna.

Mga kababayan, malapit na ang Alagang Red Cross Health Caravan sa Famy! Hatid ng Philippine Red Cross ang libreng serbis...
18/08/2026

Mga kababayan, malapit na ang Alagang Red Cross Health Caravan sa Famy! Hatid ng Philippine Red Cross ang libreng serbisyong pangkalusugan para sa ating mga Famyleño ngayong August 20, 2026, mula 8:00 AM hanggang 12:00 PM sa Liwasang Constancio Valsadera, Brgy. Magdalo, Famy, Laguna.

✨ MGA SERBISYONG AVAILABLE:
👓 50 Pairs of Reading Glasses
🦷 80 Slots for Tooth Extraction
🩺 Blood Pressure Check – required bago ang tooth extraction
🩸 Blood Glucose Test – 8 HOURS FASTING REQUIRED
👨‍⚕️ Free Physician Consultation & Check-up
♿ PWD Medical Assessment para sa applicants na nangangailangan ng medical assessment para sa PWD ID application, partikular sa apparent/obvious disabilities, subject sa assessment at medical findings ng physician.

🦷 Ang Dental Services ay pangungunahan ni Dra. Patricia Rellosa Sarabia, kasama ang ating mga volunteer dentists.

📌 1ST COME, 1ST SERVED!
Limited slots lamang po, kaya pumila nang maaga at samantalahin ang mga libreng serbisyong ito.

🩸 PAALALA: Para sa Blood Glucose Test, kinakailangan ang 8 oras na fasting. Walang pagkain o inumin habang nagfa-fasting, maliban sa tubig.

Taos-puso po akong nagpapasalamat at saludo sa Philippine Red Cross, sa ating mga volunteer doctors at dentists, at sa lahat ng naglaan ng oras, talento at malasakit upang maihatid ang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan. 🫡❤️

Famyleño, excited na ba kayo? See you on August 20! ❤️💙

Alagang Red Cross — serbisyong may puso para sa bawat Famyleño!

🏥 FAMY DIALYSIS CENTER SOON TO RISE!Isang magandang balita para sa Bayan ng Famy! Malapit nang maitayo ang Famy Dialysis...
06/08/2026

🏥 FAMY DIALYSIS CENTER SOON TO RISE!

Isang magandang balita para sa Bayan ng Famy! Malapit nang maitayo ang Famy Dialysis Center, na magbibigay ng mas accessible at dekalidad na dialysis services para sa ating mga kababayan at mga residente ng karatig-bayan.

Buo ang aking suporta sa mga inisyatibang naglalayong mapalawak ang serbisyong pangkalusugan at mailapit ang kinakailangang gamutan sa ating mga mamamayan.

Sama-sama nating abangan ang pagsisimula ng Famy Dialysis Center para sa mas malusog at mas maunlad na Famy.

Address

Local Government Unit
Famy
4021

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor “Tatay LR” Lorenzo Rellosa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mayor “Tatay LR” Lorenzo Rellosa:

Shortcuts

Share

Category