Famy Municipal Tourism Office

Famy Municipal Tourism Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Famy Municipal Tourism Office, Public & Government Service, Famy.

25/08/2026

🎉 Isang simpleng ngunit makabuluhang pagdiriwang para sa kaarawan ni Mayor Lorenzo B. Rellosa! 🎂🎈

Mula sa buong pamilya ng LGU Famy, taos-pusong pagbati ng isang maligayang kaarawan! Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng magandang kalusugan, lakas, at karunungan sa paglilingkod para sa ating mga kababayan. 💙

Happy Birthday, Mayor Lorenzo B. Rellosa! 🥳🎂




Famylenos, let’s show our love and support for our very own Krizia Marie Mancilla as she proudly represents Famy on the ...
21/08/2026

Famylenos, let’s show our love and support for our very own Krizia Marie Mancilla as she proudly represents Famy on the Mutya ng Laguna stage! 👑✨

Let’s vote her on and make sure she feels the unwavering support of every Famyleno—Go, Krizia! Ipagmalaki mo ang Famy! 💚🎋

19/08/2026
19/08/2026

Maraming salamat, Regasco, sa inyong walang-sawang suporta at pagiging sponsor ng 116th Kawayan Festival! 🎉🎋

Malaking bahagi kayo ng tagumpay ng pagdiriwang na ito. Sama-sama nating ipagdiwang ang kultura, tradisyon, at galing ng ating komunidad! 💚

Mabuhay ang Kawayan Festival! 🎋✨

17/08/2026

🌿 DAY 4 | 22ND KAWAYAN FESTIVAL 🎋

Patuloy ang makulay at makabuluhang pagdiriwang ng 116th Founding Anniversary ng Famy, Laguna at 22nd Kawayan Festival! 💚

Sa ikaapat na araw ng selebrasyon, sama-sama nating ipinagdiwang ang pananampalataya, kasaysayan, kultura, at pagkakaisa ng bawat Famyleño sa mga natatanging gawaing tunay na sumasalamin sa diwa ng ating bayan. 🎋✨

⛪ Misa Pasasalamat
Sinimulan ang araw sa isang taimtim na Misa Pasasalamat, bilang pagpapala at pagkilala sa lahat ng biyayang patuloy na tinatanggap ng ating bayan at ng bawat Famyleño. Isang panibagong pagkakataon upang sama-samang magpasalamat at manalangin para sa patuloy na pag-unlad ng Famy.

🎉 Grand Parade
Sinundan ito ng makulay at masiglang Grand Parade, tampok ang makukulay na kasuotan, malikhaing presentasyon, at masiglang pakikiisa ng iba't ibang sektor at contingents. Tunay na umalingawngaw sa bawat kalsada ang saya, kultura, at pagmamalaki bilang isang Famyleno! 💚🎋

🎂 116th Founding Anniversary of Famy, Laguna & 22nd Kawayan Festival Program
Isang mahalagang bahagi ng selebrasyon ang paggunita sa 116th Founding Anniversary ng Famy, Laguna at 22nd Kawayan Festival. Tampok dito ang mga makukulay na cultural dances at iba’t ibang performances na nagpakita ng talento, kultura, at pagkakaisa ng mga mamamayan ng Famy. Isang masayang pagdiriwang ng ating kasaysayan, tradisyon, at patuloy na pag-unlad ng bayan.

👑 GINOO AT BINIBINING FAMY 2026
At sa pagsapit ng gabi, nasilayan ang isa sa pinakahihintay at pinaka-highlight na kaganapan ng selebrasyon—ang Ginoo at Binibining Famy 2026! ✨

Isang gabi ng ganda, kumpiyansa, talento, talino, at pagmamalaki sa pagiging Famyleno, kung saan itinampok ang mga natatanging kabataang kumakatawan sa kagandahan at potensyal ng ating bayan. 👑💚

Mula sa panalangin at pasasalamat, hanggang sa makulay na parada at pagdiriwang ng ating kasaysayan—patuloy nating pinaiigting ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa Famy.

Isang bayan. Isang kultura. Isang Famy.🎋💚

Event Chairman | Mafi Llames Antonio
Festival Director | John Marvie Caldit
Media Partner | Cj Creatives







15/08/2026

🎋 DAY 3 | FAMY DAY: KAWAYAN FESTIVAL 2026 🎍

Mas lalong naging makulay, masaya, at puno ng saya ang Day 3 ng Famy Day: Kawayan Festival 2026! 🎉🎋

🏃‍♂️👟 Fun Run 2026: Wrong Outfit Edition — tampok ang mga kalahok na game na game sa kanilang kakaiba at nakakatawang outfits!

🪀🪁 Palaro ng Lahi — muling nabuhay ang mga tradisyunal na larong Pinoy na naghatid ng tawanan, saya, at friendly competition.

🎨🖌️ "Anino ng Kahapon, Kulay ng Ngayon: Salakot & Canvas Painting Contest" — ginanap sa iMall Famy, kung saan ipinamalas ng ating mga kabataang famyleños ang kanilang husay at malikhaing talento. Sinundan ito ng Awarding Ceremony sa Festival Ground.

🏀🔥 Exhibition Game: LGU vs. Liga ng Barangay — isang masiglang laban na sinabayan ng energy at suporta ng ating mga opisyal at barangay!

🎉📢 Kasabay rin nito ang Cheer Dance Competition, kung saan ipinakita ng mga ang kanilang talento, teamwork, at todo-energy na performances!

💃🎶 May saya at good vibes, naki-Zumba tayo kasama si Mayora Annie Rellosa, na sinamahan pa ng exciting na pa-raffle para sa ating mga famyleños! 🎁🎉

Isang araw na naman ng kultura, sining, talento, at pagkakaisa ang ating nasaksihan! 💚

Famy, patuloy nating ipagdiwang ang ating kultura at pagkakaisa! 🎋🎉

Event Chairman| Mafi Llames Antonio
Festival Director| John Marvie Caldit
Media partner| Cj Creatives.







SOPHISTICATION. GLAMOUR. BEAUTY. Elegance takes center stage as our Ginoo at Binibining Famy 2026 grace the evening in t...
14/08/2026

SOPHISTICATION. GLAMOUR. BEAUTY.

Elegance takes center stage as our Ginoo at Binibining Famy 2026 grace the evening in their timeless Barong Tagalog and Filipiniana.
Rooted in tradition, elevated by modern elegance—each look celebrates the beauty, pride, and sophistication of the Filipino.

Witness our candidates embodying heritage with glamour, culture with confidence, and Filipino beauty with grace.
Ginoo at Binibining Famy 2026 — where tradition meets timeless elegance.

Designer: Louis Pangilinan

Event Chairman: Mafi Llames Antonio
Creative Director|Festival Director: John Marvie Caldit
Pageant Director: Chandrea Sarmiento
Associate Director: Erik Estrada

Media Partners: Cj Creatives. and Pzaide Letrato







13/08/2026

🌿DAY 2 | 22ND KAWAYAN FESTIVAL 🎋
Patuloy ang masiglang pagdiriwang ng 22nd Kawayan Festival! Sa ikalawang araw, sama-sama nating ipinamalas ang pagmamahal sa kalikasan, kultura, kabuhayan, at pagkakaisa ng bawat Famyleno. 💚
🌱 Pagtatanim ng Puno sa Salang Bato
Isang hakbang tungo sa mas luntian at mas maunlad na kinabukasan—nakiisa ang ating komunidad sa pagtatanim ng mga puno bilang pagpapahalaga at pangangalaga sa ating kalikasan.

🍲 Lutong Famyleño
Umigting ang galing at pagkamalikhain ng bawat contingents sa pagluluto at paghahanda ng mga katutubong ulam at kakaning Famyleño, tampok ang yamang-kultura at lutuing minana mula sa ating mga ninuno. Isinagawa ito sa pakikipagtulungan ng Regasco.

🏘️ Barangayan at Pag-uulat ng Punong Bayan
Isang makabuluhang pagtitipon ng mga Famyleno upang pakinggan ang mga kaganapan, programa, at pagsulong ng bawat barangay, gayundin ang ulat ng ating Punong Bayan tungkol sa mga nagawa at patuloy na isinasagawa para sa ikauunlad ng buong Famy. Gayundin ang pagkilala sa mga barangay at mga nanunungkulan sa kanilang pagganap sa mga tungkuling may kinalaman sa paglilingkod sa mga mamamayan.

Mula sa pangangalaga ng kalikasan hanggang sa pagpapanatili ng ating kultura at pagkakaisa—buhay na buhay ang diwa ng Kawayan sa bawat Famyleno! 🎋💚
Tuloy ang selebrasyon! Tuloy ang pag-usbong ng Famy!

Event Chairman| Mafi Llames Antonio
Festival Director| John Marvie Caldit
Media partner| Cj Creatives.







Address

Famy
4021

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Famy Municipal Tourism Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share