18/07/2026
IDADAIT 2026 | International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking
Nakikiisa ang Sangguniang Barangay Salang Bato Famy, Laguna sa pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026, bilang pagpapakita ng ating matatag na suporta sa kampanya laban sa ilegal na droga at sa pagsusulong ng isang ligtas, mapayapa, at maunlad na komunidad.
Nawa'y magsilbi itong paalala na ang paglaban sa ilegal na droga ay isang sama-samang pananagutan. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, disiplina, at aktibong pakikilahok ng bawat isa, patuloy nating mapapanatili ang isang komunidad na ligtas, malusog, at malaya sa ilegal na droga.
Sama-sama nating isulong ang isang drug-free, peaceful, at resilient na barangay.