31/08/2026
๐๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ ๐๐ญ ๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐
๐๐๐-๐๐ข, ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป โ Sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan ng Allacapan at Baggao, mga paaralan, 17th Infantry (Do or Die) Battalion, at iba pang katuwang na ahensya, isinagawa ang mga aktibidad na naglalayong magbigay ng mahalagang kaalaman sa mga kabataan at miyembro ng komunidad.
Sa Allacapan, isinagawa ang Information and Education Campaign para sa mga mag-aaral kabilang ang Linao National High School, Asassi Integrated School, Awallan Integrated School, at Hacienda Intal National High School, kasama ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team. Tinalakay dito ang West Philippine Sea (WPS) Awareness, disiplina, wastong pagpapasya, at pananagutan.
Samantala, sa Barangay Alba, Baggao, isinagawa ang Basic Life Support (BLS) at Standard First Aid Training para sa mga barangay officials, tanod, at health workers upang madagdagan ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagtugon sa mga emergency.
Patuloy na makikipagtulungan ang 17IB sa mga lokal na pamahalaan, paaralan, at iba pang katuwang na ahensya sa mga programang nagtataguyod ng kaalaman, kaligtasan, at kapayapaan sa mga komunidad.