03/08/2026
๐ข ONE PIKIT, ONE DIRECTION FINANCIAL ASSISTANCE TO VULNERABLE SECTORS
Sa gitna ng patuloy na hamon ng economic cris na nararanasan ng ating mga mamamayan, naninindigan ang Pamahalaang Bayan ng Pikit, sa pamumuno ng ating butihing Sultan-Casi, na ang tunay na pamumuno ay nangangahulugan ng pagtugon sa mga pangangailangan ng mga higit na nangangailangan.
Sa ilalim ng , muling inihanay ng Lokal na Pamahalaan ang ilang nakalaang programa at prayoridad sa lokal na pamahalaan upang makapaglaan ng direktang tulong pinansyal at ayuda para sa mga sektor na higit na naapektuhan ng kasalukuyang krisis. Ang hakbang na ito ay sumasalamin sa ating pangakong gawing mas makabuluhan, maagap, at makatao ang paggamit ng pondo ng bayan.
Sa pamamagitan ng โOne Pikit, One Direction Financial Assistance to Vulnerable Sectorsโ, ipatutupad ng Pamahalaang Bayan ang sumusunod na mga programa:
โ
Support Program for Crisis-Affected Local Business Owners and MSMEs
โข โฑ5,000.00 bawat benepisyaryo
โ
Financial Assistance Program for Persons with Disabilities (PWDs)
โข โฑ1,000.00 bawat benepisyaryo
โ
Fuel Relief Support Program for Public Transport Drivers
โข โฑ1,000.00 para sa BARMM-registered drivers na residente ng Pikit
โข โฑ2,000.00 para sa locally registered public tricycle drivers
โ
Financial Assistance Program for Non-Pensioner Senior Citizens
โข โฑ1,000.00 bawat kwalipikadong benepisyaryo
โ
One-Time Transportation Assistance Program for Students
โข โฑ300.00 bawat estudyante
โ
Household Rice Assistance Program
โข 10 kilo ng bigas bawat kwalipikadong sambahayan
Ang mga iskedyul, lugar ng pamamahagi, at kumpletong listahan ng mga benepisyaryo at kinakailangang dokumento ay ilalabas sa mga susunod na opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Pikit.
Patuloy nating isusulong ang mga programang nagbibigay ng agarang ginhawa habang pinapalakas ang kabuhayan at kapakanan ng ating mga mamamayan. Sapagkat sa One Pikit, One Direction, walang maiiwan sa ating pagbangon.