Kap Jessie "Pogi" Ison - San Vicente, Gapan City

Kap Jessie "Pogi" Ison - San Vicente, Gapan City Official Page of Kap. Jessie “Pogi” Ison
Punong Barangay ng San Vicente, Gapan City
Tamang Serbisyo para sa Ka-Barangay

📚 DAY 2 SEMINAR | AGOSTO 11, 2026Muling dumalo si Kap Jessie "Pogi" Ison - San Vicente, Gapan City  kasama sina Barangay...
11/08/2026

📚 DAY 2 SEMINAR | AGOSTO 11, 2026

Muling dumalo si Kap Jessie "Pogi" Ison - San Vicente, Gapan City kasama sina Barangay Secretary, Barangay Treasurer, Barangay Bookkeeper, at mga Barangay Kagawad. sa Day 2 ng Seminar na ginanap sa Widus Hotel, Clarkfield, Pampanga.

Mula Day 1 hanggang Day 2, sama-sama sa pag-aaral, pakikinig at pagkuha ng mahahalagang kaalaman na makatutulong sa mas mahusay na pamamahala at paglilingkod sa ating mga kabarangay. 💙

Patuloy na isinasagawa ang mapping activity ng mga kawani ng Gapan City Hall sa Barangay San Vicente bilang bahagi ng ka...
30/07/2026

Patuloy na isinasagawa ang mapping activity ng mga kawani ng Gapan City Hall sa Barangay San Vicente bilang bahagi ng kanilang programa para sa mas maayos na pagpaplano at paghahatid ng serbisyo sa ating komunidad.

Bilang suporta at pasasalamat sa kanilang patuloy na pagsisikap, naglaan si Kap. Jessie "Pogi" Ison ng pananghalian para sa mga kawani na kasalukuyang nagsasagawa ng nasabing aktibidad.

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at malasakit para sa ating barangay.

Paghahango ng Basura sa mga Patubig at Pagdadamo sa Iba't Ibang Bahagi ng Barangay San VicentePatuloy ang ating pagsasag...
29/07/2026

Paghahango ng Basura sa mga Patubig at Pagdadamo sa Iba't Ibang Bahagi ng Barangay San Vicente

Patuloy ang ating pagsasagawa ng paghahango ng mga naipong basura sa mga patubig at pagdadamo sa iba't ibang bahagi ng Barangay San Vicente upang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran at makatulong sa pag-iwas sa pagbaha.

📢 Paalala sa ating mga kabarangay: Ugaliin pong magtapon ng basura sa tamang lalagyan at huwag itapon sa mga kanal, estero, at patubig. Ang kalinisan ng ating barangay ay pananagutan nating lahat.

Sa sama-samang pagkilos at disiplina, mapapanatili nating malinis, ligtas, at maayos ang Barangay San Vicente.

Maligayang Ika-112 Anibersaryo sa Iglesia Ni Cristo!Malugod pong nakikiisa si Kap Jessie "Pogi" Ison - San Vicente, Gapa...
27/07/2026

Maligayang Ika-112 Anibersaryo sa Iglesia Ni Cristo!

Malugod pong nakikiisa si Kap Jessie "Pogi" Ison - San Vicente, Gapan City at ang Pamahalaang Barangay ng San Vicente sa pagdiriwang ng ika-112 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo.

Sa loob ng mahigit isang siglo, patuloy na naging huwaran ang Iglesia Ni Cristo sa pagtataguyod ng matibay na pananampalataya, pagkakaisa, disiplina, at pagmamalasakit sa kapwa. Nawa’y magpatuloy ang inyong makabuluhang misyon ng paglilingkod sa Diyos at sa sambayanan, at maging inspirasyon pa sa mas marami pang henerasyon.

Dalangin namin ang patuloy na pagpapala, mabuting kalusugan, kapayapaan, at tagumpay para sa buong Iglesia Ni Cristo.

Maligayang Ika-112 Anibersaryo sa Iglesia Ni Cristo!

— Kap. Jessie "Pogi" Ison
Punong Barangay, San Vicente, Gapan City

🌾 KADIWA PARA SA MAMAMAYAN 🇵🇭Patuloy na inilalapit ang murang bigas na ₱20 kada kilo upang makatulong sa mga pamilyang h...
23/07/2026

🌾 KADIWA PARA SA MAMAMAYAN 🇵🇭

Patuloy na inilalapit ang murang bigas na ₱20 kada kilo upang makatulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Sa pangunguna nina Mayor Joy Pascual - Gapan City , Vice Mayor Max Pascual - Gapan City , at Congressman Emeng Pascual - Serbisyo Publiko , patuloy ang paghahatid ng mga programang nagbibigay-ginhawa at tunay na malasakit sa bawat mamamayan ng Lungsod ng Gapan.

Isang hakbang tungo sa mas maayos na kabuhayan at mas magandang kinabukasan para sa ating komunidad. Maraming salamat sa patuloy na paglilingkod! 🇵🇭

Patuloy pong isinasagawa ang pagde-develop ng ating mga kalsada at kanal sa ating barangay. Mga minamahal naming kabaran...
23/07/2026

Patuloy pong isinasagawa ang pagde-develop ng ating mga kalsada at kanal sa ating barangay.

Mga minamahal naming kabarangay. Sa tamang pagpaplano at sama-samang pagtutulungan, makakamit din natin ang mga proyektong makikinabang ang buong komunidad.

Marami pa po tayong nais maisakatuparan, at asahan ninyo na dahan-dahan ngunit tuloy-tuloy nating gagawin ang lahat para sa mas maayos, mas ligtas, at mas maunlad na Barangay San Vicente. 🇵🇭

🇵🇭 2026 Liga ng mga Barangay National CongressHulyo 15–17, 2026Kasama ang libu-libong Punong Barangay mula sa iba't iban...
20/07/2026

🇵🇭 2026 Liga ng mga Barangay National Congress
Hulyo 15–17, 2026

Kasama ang libu-libong Punong Barangay mula sa iba't ibang panig ng bansa, nakiisa si Kap Jessie "Pogi" Ison - San Vicente, Gapan City sa 2026 Liga ng mga Barangay National Congress na ginanap noong Hulyo 15–17, 2026.

Ang tatlong araw na kongresong ito ay naging mahalagang pagkakataon upang mapalawak ang kaalaman sa mabuting pamamahala, makibahagi sa mga makabuluhang seminar at talakayan, at makapagbahagi ng mga makabagong programa at pinakamahusay na mga kasanayan sa pamumuno.

Patunay ito ng kanyang patuloy na dedikasyon sa pag-aaral at pagpapahusay ng serbisyo publiko upang maihatid ang mas epektibo, tapat, at de-kalidad na paglilingkod para sa bawat mamamayan ng Barangay San Vicente.

Patuloy na natututo. Patuloy na naglilingkod. Patuloy na nagsusulong ng mas maunlad na Barangay San Vicente. 🇵🇭💙

18/07/2026

Address

San Vicente
Gapan
3105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap Jessie "Pogi" Ison - San Vicente, Gapan City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category