21/05/2026
🚨 HEALTH ADVISORY | SORE EYES (CONJUNCTIVITIS) 👁️
Mga Batang Gapan, maging mapagmatyag at ugaliing panatilihin ang tamang kalinisan upang maiwasan ang pagkalat ng Sore Eyes o Conjunctivitis. Ito ay maaaring makahawa ngunit maiiwasan sa pamamagitan ng wastong pag-iingat.
🛡️ Maghugas ng kamay nang madalas
🛡️ Iwasang hawakan o kuskusin ang mata
🛡️ Huwag maghiraman ng tuwalya at personal na gamit
🛡️ Magpahinga at kumonsulta kung may sintomas
Ang simpleng pag-iingat ay malaking hakbang para mapanatiling ligtas at malusog ang ating komunidad.
Maging alerto. Maging responsable. Sama-sama nating sugpuin ang pagkalat ng sakit.