Register of Deeds - Gapan City

Register of Deeds - Gapan City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Register of Deeds - Gapan City, Public & Government Service, Gapan.

05/07/2026

π€ππ”ππ’π˜πŽ: Ang iskedyul ng serbisyo sa LRA Central Office ay mula alas-otso ng umaga hanggang alas-siyete ng gabi, Lunes hanggang Huwebes. Bilang pagsunod sa Memorandum Circular No. 114, s. 2026, na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo, magbubukas pa rin po ang opisina tuwing Biyernes upang maghatid ng frontline services, ngunit limitado ang bilang ng mga kawani (skeleton workforce).

Para sa Registries of Deeds (RDs), paalala lamang po na maaaring mag-iba ang iskedyul ng operasyon ng isang Registry of Deeds batay sa anunsyo ng lokal na pamahalaan kung saan matatagpuan ang kanilang tanggapan. Para sa gabay ukol sa iskedyul ng operasyon ng mga Registries of Deeds, maaari po ninyong i-click ang link na ito ng aming website:

LRA Adjusted Work Schedule Guide:
https://lra.gov.ph/public-service-advisory/

Para naman po sa pagbayad ng inyong mga transaksyon, ang cash payments po ay tatanggapin hanggang alas-singko ng hapon upang masiguro ang maayos at tamang pagbalanse ng arawang koleksyon. Kung sakaling kayo po ay maabutan ng cutoff, maaari pa rin po kayong magbayad sa pamamagitan ng cashless payment.

Para sa gabay sa proseso ng cashless payment, maaari po ninyong i-click ang link sa ibaba o magtanong sa inyong Registry of Deeds.

Cashless Payment Guide: https://www.facebook.com/share/v/1BqAx5a4KV/

Maraming salamat po.





25/05/2026

π€ππ”ππ’π˜πŽ: Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1264, s. 2026, na nagdeklara sa Mayo 27, 2026 bilang regular holiday kaugnay ng paggunita ng "Eid'l Adha", ang Land Registration Authority (LRA) Central Office at lahat ng Registries of Deeds ay magpapatupad ng compressed workweek arrangement ngayong linggo, Mayo 25–29, 2026.

Paalala lamang po na maaaring mag-iba ang iskedyul ng operasyon ng isang Registry of Deeds batay sa anunsyo ng lokal na pamahalaan kung saan matatagpuan ang kanilang tanggapan. Para sa gabay ukol sa iskedyul ng operasyon ng mga Registries of Deeds, maaari po ninyong i-click ang link na ito ng aming website:

LRA Adjusted Work Schedule Guide:
https://lra.gov.ph/public-service-advisory/

Para naman po sa pagbayad ng inyong mga transaksyon, ang cash payments po ay tatanggapin hanggang alas-singko ng hapon upang masiguro ang maayos at tamang pagbalanse ng arawang koleksyon. Kung sakaling kayo po ay maabutan ng cutoff, maaari pa rin po kayong magbayad sa pamamagitan ng cashless payment.

Para sa gabay sa proseso ng cashless payment, maaari po ninyong i-click ang link sa ibaba o magtanong sa inyong Registry of Deeds.

Cashless Payment Guide: https://www.facebook.com/share/v/1BqAx5a4KV/

Maraming salamat po.





10/05/2026

Ngayong Mother's Day, taos-pusong pagbati at pagpupugay ang ipinapaabot ng Land Registration Authority sa lahat ng ina na nagsisilbing sandigan ng pagmamahal, gabay, at inspirasyon sa bawat pamilyang Pilipino.

Ang araw na ito ay pagkilala sa kanilang natatanging sakripisyo, malasakit, at mahalagang papel sa paghubog ng matatag na tahanan at lipunan.

Maligayang Araw ng mga Ina!







09/04/2026

Ngayong Araw ng Kagitingan, binibigyang-pugay ng Land Registration Authority (LRA) ang kabayanihan ng mga sundalong Pilipino na lumaban para sa kapayapaan ng ating bayan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang kanilang katapangan at sakripisyo ay nagsisilbing paalala sa atin na ang tunay na paglilingkod ay may kaakibat na katapatan, dedikasyon, at malasakit sa ating kapwa at bansa.






09/04/2026
09/04/2026

π€ππ”ππ’π˜πŽ: Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1006, s. 2025, na nagdeklara sa Abril 9, 2026 bilang regular holiday kaugnay ng paggunita ng "Araw ng Kagitingan", ang Land Registration Authority (LRA) Central Office at lahat ng Registries of Deeds ay magpapatupad ng compressed workweek arrangement ngayong linggo, Abril 4–10, 2026.

Paalala lamang po na maaaring mag-iba ang iskedyul ng operasyon ng isang Registry of Deeds batay sa anunsyo ng lokal na pamahalaan kung saan matatagpuan ang kanilang tanggapan. Para sa gabay ukol sa iskedyul ng operasyon ng mga Registries of Deeds, maaari po ninyong i-click ang link na ito ng aming website:

LRA Adjusted Work Schedule Guide:
https://lra.gov.ph/public-service-advisory/

Para naman po sa pagbayad ng inyong mga transaksyon, ang cash payments po ay tatanggapin hanggang alas-singko ng hapon upang masiguro ang maayos at tamang pagbalanse ng arawang koleksyon. Kung sakaling kayo po ay maabutan ng cutoff, maaari pa rin po kayong magbayad sa pamamagitan ng cashless payment.

Para sa gabay sa proseso ng cashless payment, maaari po ninyong i-click ang link sa ibaba o magtanong sa inyong Registry of Deeds.

Cashless Payment Guide: https://www.facebook.com/share/v/1BqAx5a4KV/

Maraming salamat po.





22/03/2026

π€ππ”ππ’π˜πŽ: Simula Marso 23, 2026, magbabalik po ang Land Registration Authority sa 10-hour compressed workweek arrangement.

Ang iskedyul ng serbisyo sa LRA Central Office ay mula alas-otso ng umaga hanggang alas-siyete ng gabi, Lunes hanggang Huwebes. Bilang pagsunod sa Memorandum Circular No. 114, s. 2026, na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo, magbubukas pa rin po ang opisina tuwing Biyernes upang maghatid ng frontline services, ngunit limitado ang bilang ng mga kawani (skeleton workforce).

Samantala, ang iskedyul ng bawat Registry of Deeds (RD) ay maaaring magbago ayon sa mga anunsyo mula sa mga lokal na pamahalaan. Inaabisuhan po ang lahat na tumutok sa mga anunsyo mula sa inyong lokalidad.

Para po sa pagbabayad ng transaksyon, ang cutoff time po ay alas-singko ng hapon upang mabigyan ng sapat na oras ang pagproseso ng mga natanggap na transaksyon. Kapag cashless payment naman po ang inyong paraan ay maaari pa rin itong matanggap kahit lagpas sa itinakdang cutoff.

Maaari po ninyong i-click ang link na ito para sa kaukulang impormasyon ukol sa cashless payment o magpagabay sa inyong Registry of Deeds:

Cashless Payment Guide
https://www.facebook.com/share/v/14bgcGqQ3cj/

Inaabisuhan po namin ang lahat na planuhin ang iskedyul ng inyo pong pagpunta sa aming mga opisina upang maiwasan ang abala.

Maraming salamat po.




16/03/2026

π€ππ”ππ’π˜πŽ: Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1189, s. 2026, na nagdedeklara sa Marso 20, 2026 (Biyernes) bilang regular holiday kaugnay ng paggunita ng Eid'l Fitr (Feast of Ramadan), suspendido ang operasyon ng Land Registration Authority Central Office at mga Registries of Deeds sa nasabing petsa.

Kaugnay nito, sa Marso 16–19, 2026 (Lunes hanggang Huwebes), magbabalik sa regular na iskedyul ng operasyon ang mga nasabing tanggapan, mula 8:00 n.u. hanggang 5:00 n.h.




Address

Gapan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Register of Deeds - Gapan City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share