08/06/2026
Magandang umaga, mga mahal naming mag-aaral! Sa pagbubukas ng bagong taon ng pag-aaral dito sa Toytoy Integrated School, kami ay taus-pusong nagagalak na kayoβy muling makita at makasama. Ang bawat isa sa inyo ay mahalagang bahagi ng ating paaralan, at ang inyong pagbabalik ay nagbibigay ng sigla at saya sa ating mga silid-aralan.
Ngayong Hunyo 8, 2026, simula na ng panibagong yugto ng inyong paglalakbay sa kaalaman. Huwag kayong matakot sa mga bagong aralin at karanasan, sapagkat narito ang inyong mga g**o upang gabayan kayo, at ang inyong mga kaibigan upang samahan kayo sa bawat hakbang. Nawa'y maging masaya, makabuluhan at puno Ng inspirasyon ang taon na ito. Sama-sama nating itaguyod ang pagkakaisa, disiplina at pagmamahal sa pag-aaral. Malugod namin kayong tinatanggap at binabati sa inyong unang araw sa klase.