Katropang Sonny Rey - Gasan, Marinduque

Katropang Sonny Rey - Gasan, Marinduque Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Katropang Sonny Rey - Gasan, Marinduque, Public & Government Service, Gasan.

15/08/2019
We would like to extend our warmest congratulations to our beloved governor, Presbitero Velasco, Jr., for being elected ...
15/07/2019

We would like to extend our warmest congratulations to our beloved governor, Presbitero Velasco, Jr., for being elected as the National President of the League of Provinces of the Philipines (LPP) last Thursday, 11 July 2019 in Crowne Plaza Manila Galleria, Ortigas, Mandaluyong City. 👏 👏 👏

02/07/2019

Kung tayo po ay responsableng seserbisyo sa bayan ng Gasan, magagawa po natin nang maayos ang mga dapat upang ito ay umunlad. Maaari po nating piliin na huwag kumilos at umiwas sa mga suliranin ng ating bayan ng Gasan, o maari po natin tanungin ang ating mga sarili ng, "Kung hindi tayo, sino ang ating maasahan?" Huwag po natin hayaan humadlang ang ating mga hindi po kayang gawin sa mga pwede po nating magawa para sa ating bayan ng Gasan at sa komunidad nito. Parati po tayong gumawa nang tama dahil makakalugod po ito sa ilan nating mga katropa at mapapahanga po ang iba. Para po sa lahat ng mga katropa ang ating serbisyong responsable. Para po sa kaunlaran ng ating bayan ng Gasan ang ating paglilingkod. Hindi po mahalaga kung gaano kalawak ang kaalaman ng isang tao kundi mas mahalaga po ay kung gaano kalalim ang malasakit niya para sa ating komunidad. Dahil hindi kailanman naaabot ng sinuman ang kanyang patutunguhan sa paglihis sa tamang landas. Muli po akong taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng ating mga katropa para sa inyong pagtangkilik, suporta, at tiwala sa inyong lingkod. Sama-sama po tayo para sa Kaunlaran at Serbisyong Responsable. Isang tropa, isang Gasan! Ito po ang Tatak Katropa! 👏 👏 👏






Ang ating kalayaan ay kinamit po para sa atin sa kagandahang-loob ng ating mga kahanga-hangang bayani na naglingkod at n...
11/06/2019

Ang ating kalayaan ay kinamit po para sa atin sa kagandahang-loob ng ating mga kahanga-hangang bayani na naglingkod at nagsilbi sa bansang ito nang may karangalan, dedikasyon, at sakripisyo. Ang pagiging malaya po ay hindi po nangangahulugang kumilos tayo sa paraang gusto lang po natin. Ang tunay na kahulugan po ng ating kalayaan ay responsibilidad. Ang kalayaan po natin ay isang pagkakataon upang makapaglingkod at makapagsilbi sa ating mga katropa upang tayo po ay umunlad at manatiling malaya. Dahil po ang pagiging malaya ay hindi lamang para kumalas sa mga kadena ng opresyon at pang-aalipin, kundi upang mamuhay sa isang paraan na iginagalang at pinahuhusay ang kalayaan ng iba po nating mga katropa. Sama-sama po tayo para sa Kaunlaran at Serbisyong Responsable. Isang tropa, isang Gasan! Ito po ang Tatak Katropa! 🇵🇭 🇵🇭 🇵🇭






Nasisiyahan po akong ipagdiwang ang pagbubukas at pagbasbas ng bagong pamilihang bayan ng Gasan. Bigay-todo po ang ating...
03/06/2019

Nasisiyahan po akong ipagdiwang ang pagbubukas at pagbasbas ng bagong pamilihang bayan ng Gasan. Bigay-todo po ang ating suporta sa mga ganitong proyekto ng ating lokal na pamahalaan ng Gasan dahil malaki po ang benepisyo nito para sa ating bayan at sa ating mga katropa. Ang bago at mas malaking pamilihang bayan ng Gasan ay makakatulong para maitaas ang antas at kaunlaran ng ating bayan sa pamamagitan ng karagdagang kita para sa Gasan, mas maraming pwesto para makapagnegosyo, at mas maayos na lugar kung saan pwedeng mamili ang ating mga katropa. Dito rin po natin nakikita ang pagsisikap ng ating lokal na pamahalaan ng Gasan para magserbisyo nang responsable sa ating mga katropa. Sama-sama po tayo para sa Kaunlaran at Serbisyong Responsable. Isang tropa, isang Gasan! Ito po ang Tatak Katropa! 🎀 ✂️ 🎀 ✂️ 🎀 ✂️







CTTO

Taos puso po akong nagpapasalamat unang-una sa itaas na Siyang may likha ng lahat para sa kanyang mga biyaya't grasya na...
27/05/2019

Taos puso po akong nagpapasalamat unang-una sa itaas na Siyang may likha ng lahat para sa kanyang mga biyaya't grasya na sumusustento sa ating lahat. Pangalawa po sa aking may bahay at pamilya na nagsilbing aking inspirasyon sa nagdaang halalan at tumulak sa akin araw-araw na ipagpatuloy ang laban. Pangatlo po sa lahat ng mga tumulong at nagpagod para sa kampanyang ito, kasama po kayo sa mga nanalo sa eleksyon na ito. At ang huli pero higit sa lahat, para sa lahat po ng ating mga katropa na sumuporta, tumangkilik, at nagtiwala sa inyong lingkod, maraming salamat po! Para po sa lahat ng mga katropa ang tagumpay na ito. Sama-sama po tayo para sa Kaunlaran at Serbisyong Responsable. Isang tropa, isang Gasan! Ito po ang Tatak Katropa! 👏 👏 👏






Noong ako po ay lumalaki, hinimok po akong pumasok sa paaralan at mag-aral nang mabuti, kumuha ng isang tunay na hanapbu...
13/04/2019

Noong ako po ay lumalaki, hinimok po akong pumasok sa paaralan at mag-aral nang mabuti, kumuha ng isang tunay na hanapbuhay na kung saan nagagawa ko ang aking kinagigiliwan, at kung mabigyan po ako ng oportunidad, ay isaalang-alang ang serbisyo publiko bilang prioridad sa aking mga nais magawa dahil iyon po ang pagkakataon ko maglingkod sa mas nakakarami nating katropa. Sa akin pong pananaw, wala na pong mas tataas pang hangarin kundi ang magsilbi sa ating mga katropa, na magkaroon ng oportunidad na makagawa ng mabuting pagbabago sa buhay ng ating mga katropa at mapaunlad ang ating lipunan. Ito po ay isang paraan upang hindi lamang sabihin sa ating mga katropa na mahalaga ang ating mga mithiin para sa Gasan, kundi tayo rin po ay gumagarantiya nito. Tinitiyak ko po sa inyo na ang serbisyo publiko ay hindi paraan ng pamumuhay, ito po ay isang paraan upang mabuhay nang makabuluhan at buo. Para sa Kaunlaran at Serbisyong Responsable sa Gasan! Isang tropa, isang boto! Ito po ang Tatak Katropa! 📚 📚 📚

⚫ 15. REY, KATROPANG SONNY (UNA)







Mayroon pong iba sa ating mga katropa ang marahil nagninilay-nilay kung bakit po ako humahangad ng posisyon bilang konse...
12/04/2019

Mayroon pong iba sa ating mga katropa ang marahil nagninilay-nilay kung bakit po ako humahangad ng posisyon bilang konsehal sa ating bayan. Malamang alam din naman po ninyo na maikli lamang po ako magtalumpati dahil matindi po akong naniniwala na mas mahalaga ang umaksyon kaysa magsalita. Sa katunayan, marami na rin po sa ating mga katropa ang nakakaalam sa ating mga nagawa noon pa man kahit hindi pa po tayo nahahalal sa katungkulan. Dahil po dito, bilang kasagutan po para sa mga nagtatanong, ako po ay humahangad ng posisyon bilang konsehal sa ating bayan dahil gusto ko po kayo paglingkuran. Dahil katropa ko po kayo at katropa niyo rin po ang inyong lingkod. Dahil po sa serbisyong maasahan at sigurado po kayo. Dahil po para sa Kaunlaran at Serbisyong Responsable sa bayan ng Gasan. Dahil ito po ang Tatak Katropa! 🔶️ 🔶 ️🔶️

⚫ 15. REY, KATROPANG SONNY (UNA)







Ang pagboboluntaryo, tulad ng ating mga katropa sa lipunan, ay nagpapakita ng pagkahabag, hindi makasariling pag-aalaga,...
05/04/2019

Ang pagboboluntaryo, tulad ng ating mga katropa sa lipunan, ay nagpapakita ng pagkahabag, hindi makasariling pag-aalaga, tiyaga, at pagmamahal sa isa't isa. Maging palingkuran po ng Gasan. Magawa man po natin ang serbisyong responsable para sa ating katropa o maglaan man po tayo ng panahon bawat buwan upang makapagsilbi sa komunidad, wala nang ibang mas maghahatid pa ng lugod sa ating pakiramdam kaysa sa maglingkod para sa ating mga katropa. Ang pagboboluntaryo po ay ang tunay na diwa ng kaunlaran. Bumoboto po tayo sa halalan minsan lamang sa isang taon. Kapag nagboboluntaryo po tayo at nakapaglilingkod para sa ating bayan, nakakagawa po tayo araw-araw ng mabuting pagbabago para sa antas ng pamumuhay na gusto natin para sa ating komunidad. Sumuporta po tayo at magboluntaryo. Maging katropa! Para sa Kaunlaran at Serbisyong Responsable sa bayan ng Gasan. Isang tropa, isang boto! Ito po ang Tatak Katropa! 🙋‍♂️ 🙋‍♀️ 🙋‍♂️ 🙋‍♀️ 🙋‍♂️ 🙋‍♀️

⚫ 15. REY, KATROPANG SONNY (UNA)







Sa ilalim ng puting ilaw, sa dilaw na buwan... nais ko pong makagawa ng isang bagay na mahusay at kamangha-mangha. Nguni...
05/04/2019

Sa ilalim ng puting ilaw, sa dilaw na buwan... nais ko pong makagawa ng isang bagay na mahusay at kamangha-mangha. Ngunit ito po ay kailangan masimulan sa paggawa ng mga maliliit na bagay na mayroong husay at kamanghaan. Magsimula po tayo sa pamamagitan ng paggawa ng kung ano ang kinakailangan na puno nang husay at pagmamahal. Pagkatapos po ay sama-sama tayong gawin kung ano po ang posible. At bigla po natin magagawa ang imposible mga katropa. Nagbabago po ang ating bayan ayon sa paraan kung paano po natin ito tignan. At kung kaya po natin baguhin, kahit sa ating maliit na mga gawain, ang mga pananaw ng ating mga katropa sa katotohanan, ay maaari po natin mabago ang Gasan. Maraming salamat po sa mga katropa natin sa Barangay Masiga para sa inyong mainit na pagtanggap at masigabong suporta. Isang tropa, isang boto! Ito po ang Tatak Katropa! 🙌 🙌 🙌

⚫ 15. REY, KATROPANG SONNY (UNA)








CTTO

Kapag po pinalad kayo makasama sa isang grupo, ito po ay nagiging isang tropa na mayroong iba't ibang mga personalidad. ...
04/04/2019

Kapag po pinalad kayo makasama sa isang grupo, ito po ay nagiging isang tropa na mayroong iba't ibang mga personalidad. Ito po ay naiiba kaysa sa pagkilos nang nag-iisa sa pamamagitan ng iyong sarili. Wala po sa amin, kabilang ang inyong lingkod, ang may kayang gumawa ng dakilang bagay na nag-iisa. Ngunit, tayo pong lahat ay maaaring gumawa ng mga maliliit na bagay na mayroong dakilang pagmamahal. At kung lahat po tayong mga katropa ay magkakasama, makakagawa po tayo ng isang bagay na kahanga-hanga. Parati po natin piliin ang mga alituntunin ng Kaunlaran at Serbisyong Responsable, bagaman maaari niyong isipin na kayo po ay nag-iisa sa desisyong ito, huwag po kayong mangamba dahil kasama ninyo ang ibang mga katropa. Isang tropa, isang boto! Ito po ang Tatak Katropa! ☝️☝️☝️

⚫ 15. REY, KATROPANG SONNY (UNA)







Address

Gasan
4905

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Katropang Sonny Rey - Gasan, Marinduque posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share