Michael B. Manalo

Directions

Michael B. Manalo Hatid ang para sa mamamayang Baileño! Ang lingkod na

Siya po ay ang nag-iisang anak ng mag-asawang Constacio Mojica Manalo na tubong Baliuag, Magallanes Cavite at Maria Tafalla Binauhan na tubong Bailen, Cavite. Ikinasal kay Dr. Elizabeth Incognito Robles na isa din dentista, na anak nina Ginoong Teodulo Del Mundo Robles at Ginang Marta Incognito na taga-Castaños Cerca at biniyayaan ng tatlong anak na babae.

Lubos po ang aming pakikiramay at pasasalamat sa buhay ni Rev. Fr. Maximo S. Pangilinan 🕊️🙏Maraming salamat sa 20-taon n...
01/09/2026

Lubos po ang aming pakikiramay at pasasalamat sa buhay ni Rev. Fr. Maximo S. Pangilinan 🕊️🙏
Maraming salamat sa 20-taon ng tapat na paglilingkod at pagmamahal sa bayan ng Diyos. Panalangin namin ang iyong mapayapang kapahingahan sa piling ng ating Diyos 🙏

𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦, 𝐌𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐅𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐌𝐚𝐱.

Buong lungkot at pananampalataya naming ipinababatid ang pagpanaw ngayong araw, Setyembre 1, 2026, ng ating minamahal na kura paroko, 𝗥𝗲𝘃. 𝗙𝗿. 𝗠𝗮𝘅𝗶𝗺𝗼 𝗦. 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗶𝗹𝗶𝗻𝗮𝗻.

Mahirap tanggapin ang pagkawala ng isang taong naging bahagi na ng buhay ng marami sa atin. Si Father Max ay hindi lamang naging pari na ating nakasama sa Banal na Misa at sa mga gawain ng ating parokya. Siya ay naging kaibigan, tagapayo, at isang mabuting presensya sa buhay ng maraming taong kanyang nakilala at napaglingkuran.

Lubos tayong nagpapasalamat sa Diyos para sa buhay ni Fr. Max; sa 20 taon ng kanyang tapat na paglilingkod at sa kanyang kabutihan na walang hinihinging kapalit. Ang kanyang mga iniwang alaala at mga kabutihang kanyang ipinamalas ay mananatiling buhay sa puso ng ating pamayanan.

Ang lamay ni Rev. Fr. Maximo S. Pangilinan ay gaganapin sa Parokya ng San Jose, Bailen, Cavite. 𝘈𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘵𝘢𝘭𝘺𝘦 𝘢𝘺 𝘪𝘱𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢𝘵𝘪𝘥 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘶𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘶𝘯𝘴𝘺𝘰.

-

MANALANGIN TAYO

𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯, 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘭𝘰𝘰𝘣𝘢𝘯 𝘔𝘰 𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘩𝘪𝘯𝘨𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘶𝘭𝘶𝘸𝘢 𝘯𝘨 𝘐𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘨𝘬𝘰𝘥 𝘯𝘢 𝘴𝘪 𝘙𝘦𝘷. 𝘍𝘳. 𝘔𝘢𝘹
𝘈𝘵 𝘴𝘶𝘮𝘪𝘬𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘸𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨.
𝘕𝘢𝘸𝘢’𝘺 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘪𝘯𝘨𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘮𝘢𝘯.

Amen.

-

𝘗𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮, 𝘍𝘢𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘔𝘢𝘹. 𝘚𝘢 𝘱𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯, 𝘯𝘢𝘸𝘢’𝘺 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘨𝘱𝘶𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘺𝘢𝘱𝘢𝘢𝘯.

Happy Birthday, BM Jasmin Maligaya-Bautista! 🎉🎂We are wishing you a joyful birthday filled with God's abundant blessings...
05/08/2026

Happy Birthday, BM Jasmin Maligaya-Bautista! 🎉🎂

We are wishing you a joyful birthday filled with God's abundant blessings, good health, wisdom, and continued strength as you faithfully serve the people of the 8th District of Cavite. May you continue to be guided by grace and blessed with success in all your endeavors. 🙏

Araw ng Huwebes, Hunyo 4, 2026 ay matagumpay na naisagawa ang Medical and Dental Mission sa ating bayan ng Gen. E. Aguin...
06/06/2026

Araw ng Huwebes, Hunyo 4, 2026 ay matagumpay na naisagawa ang Medical and Dental Mission sa ating bayan ng Gen. E. Aguinaldo, Cavite, na naghatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa walang sawang suporta at malasakit ng ating Governor Francisco Gabriel “Abeng” Remulla, Vice Governor Ram Revilla, at 8th District Representative BM Jasmin Maligaya Bautista.

Maraming salamat din sa lahat ng mga doktor, dentista, volunteers, at mga katuwang na naglaan ng kanilang oras, talento, at serbisyo para maging ganap ang layunin sa ikabubuti ng ating komunidad.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang paghahatid ng serbisyong may malasakit at pagmamahal para sa bawat mamamayan ng ating bayan! ❤️

This March, as we observe 𝙁𝙞𝙧𝙚 𝙋𝙧𝙚𝙫𝙚𝙣𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙈𝙤𝙣𝙩𝙝, we celebrate not just awareness but the people behind the mission. Last...
21/03/2026

This March, as we observe 𝙁𝙞𝙧𝙚 𝙋𝙧𝙚𝙫𝙚𝙣𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙈𝙤𝙣𝙩𝙝, we celebrate not just awareness but the people behind the mission.

Last February 26, 2026, a proud milestone unfolded in Lucena City, Quezon as the Graduation Ceremony and Simulation Exercise of the On-Boarding Program for Newly Absorbed Fire Officer 1, Class 2025-02 SANTIKAS, officially marked the beginning of a new journey in service.

At higit sa lahat, we are proud to highlight our very own kababayan from General Emilio Aguinaldo:

𝐅𝐎𝟏 𝐉𝐎𝐋𝐈𝐍𝐀 𝐁. 𝐀𝐍𝐃𝐀𝐋𝐄𝐎𝐍
Top 8 Overall Ranking
Class Vice President
Top in Medical First Response

Hindi lang ito tungkol sa parangal, kundi sa pusong handang maglingkod. Sa likod ng bawat achievement ay ang dedikasyon, malasakit, at tapang na ialay ang sarili para sa kaligtasan ng iba. We are so proud of you! 🔥🫡🇵🇭

Isang matamis na pagbati ngayong Araw ng mga Puso! 🌹
14/02/2026

Isang matamis na pagbati ngayong Araw ng mga Puso! 🌹

Buong galak po naming ipinapaabot, mula sa akin at sa aking pamilya, ang aming taos-pusong pagbati ng isang maligaya at ...
31/12/2025

Buong galak po naming ipinapaabot, mula sa akin at sa aking pamilya, ang aming taos-pusong pagbati ng isang maligaya at masaganang Bagong Taon sa inyong lahat! 🎉

Nawa’y sa pagsalubong natin sa panibagong taong 2026 ay baon natin ang lahat ng mga aral na ating natutunan sa mga nakaraang taon at harapin natin ng panibagong taong 2026 ng may taglay na pag-asa! 🙏🏼

Tayo po ay nakapag paabot ng munting tulong sa pamamagitan ng pagkakaloob ng wheelchair para sa anak ni Ate Gloria Mabit...
22/11/2025

Tayo po ay nakapag paabot ng munting tulong sa pamamagitan ng pagkakaloob ng wheelchair para sa anak ni Ate Gloria Mabituin na naaksidente sa Maynila na mula sa Poblacion 4 ng ating bayan.

Maraming salamat po kina Gov. Abeng Remulla, Cong. Ping Remulla, Vice Mayor Jacinta Remulla, at BM Jasmin Maligaya sa inyong malasakit at pagtugon. ❤️🙏


Nais po nating magpasalamat sa Diyos dahil hindi direktang naapektuhan ang ating bayan ng General Emilio Aguinaldo sa na...
12/11/2025

Nais po nating magpasalamat sa Diyos dahil hindi direktang naapektuhan ang ating bayan ng General Emilio Aguinaldo sa nagdaang Super Typhoon “Uwan.”

Bagaman may ilan sa ating mga kababayan ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa banta ng landslide o dahil matatagpuan ang kanilang tirahan sa mga danger zone malapit sa mga ilog, tayo po ay nananatiling nagpapasalamat na karamihan sa atin ay ligtas at nasa maayos na kalagayan.

Lubos din po tayong nagpapasalamat sa sama-samang pagtugon at tulong ng ating Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Bam Aquino, Gov. Abeng Remulla, Vice Gov. Ram Revilla at BM Jasmin Maligaya sa mga relief food packs na naipamahagi sa ating mga kababayang nangangailangan.

Patuloy po nating ipagdasal ang ating mga kababayan sa ibang bahagi ng bansa na matinding nasalanta ng bagyo. Nawa’y patuloy na dumaloy sa kanila ang awa, biyaya, at tulong ng Diyos. 🙏


Isang Taos-Pusong Pagpupugay sa buhay ng ating yumaong Sgt. John Christopher C. Golfo. 🙏🏼🇵🇭Ang inyong lingkod at ang mga...
11/11/2025

Isang Taos-Pusong Pagpupugay sa buhay ng ating yumaong Sgt. John Christopher C. Golfo. 🙏🏼🇵🇭

Ang inyong lingkod at ang mga kasamahan ay nakikiisa sa pagdadalamhati ng naulilang pamilya, mga kaibigan, at kasamahan ni Sgt. John Christopher C. Golfo, na nasawi habang tapat na ginagampanan ang kanyang tungkulin sa bayan.

Noong Nobyembre 4, 2025, habang isinasagawa ang isang humanitarian assistance and disaster response (HADR) mission sa Loreto, Agusan del Sur, kasunod ng hagupit ng Bagyong Tino, bumagsak ang sinasakyan nilang Super Huey helicopter. Sa trahedyang ito, nag-alay si Sgt. Golfo ng kanyang buhay alang-alang sa paglilingkod at pagsagip sa kapwa Pilipino.

Ang kanyang tapang, dedikasyon, at walang kapantay na sakripisyo ay mananatiling inspirasyon sa bawat kawal ng ating hukbong himpapawid. Sa kanyang alaala, ating ipagpapatuloy ang adhikain ng kabayanihan at malasakit para sa sambayanan.

Kasama ni Sgt. Golfo, ating pinaparangalan din ang lahat ng mga opisyal at tauhan ng Philippine Air Force na patuloy na naglilingkod nang may dangal at puso, sa himpapawid man o sa lupa.

“Ang tunay na bayani ay hindi kailanman nalilimutan, sapagkat ang kanilang kabayanihan ay nananatiling gabay sa ating lahat.”

🕊️ Laging Handa. Laging Tapat. Laging Maasahan.

Salute!🫡

Maligayang ika-57 Anibersaryo sa Tau Gamma Phi!Isang mainit na pagbati sa lahat ng kapatiran ng Triskelion sa buong mund...
04/10/2025

Maligayang ika-57 Anibersaryo sa Tau Gamma Phi!

Isang mainit na pagbati sa lahat ng kapatiran ng Triskelion sa buong mundo! Sa loob ng 57 taon, patuloy ninyong pinangangalagaan ang mga prinsipyo ng Fortis Voluntas Fraternitas. Matatag na Loob, Pagkakapatiran, at Paninindigan.

Patuloy ninyong isabuhay ang tunay na diwa ng pagiging isang Triskelion: tumatayo para sa tama, naglilingkod sa kapwa, at naninindigan para sa kapayapaan at kaunlaran.

Mabuhay ang Tau Gamma Phi! Triskelion para sa Bayan!


Address

General Emilio Aguinaldo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Michael B. Manalo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category