05/06/2026
Sa pakikipagtulungan ng Gen. M. Natividad Water District at PHINMA Araullo University, mas maraming kabataan ang nabibigyan ng pagkakataong matupad ang kanilang pangarap na makapagkolehiyo.
Sa pamamagitan ng Hawak Kamay Scholarship Program ng PHINMA AU, mas nagiging abot-kaya ang dekalidad na edukasyon at nagkakaroon ng pagkakataong maging bahagi ng pinakamalaking pribadong unibersidad sa Nueva Ecija.
May 50 scholarship slots na nakalaan para sa mga incoming first-year college students. Ang scholarship na ito ay para lamang sa mga estudyanteng hindi pa naka-enroll sa alinmang PHINMA AU campus.
Magtungo lamang sa tanggapan ng Gen. M. Natividad Water District para sa proseso ng aplikasyon. Sama-sama nating gawing posible ang iyong pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.