General Mariano Alvarez Cavite

General Mariano Alvarez Cavite Minamahal kong bayan ng General Mariano Alvarez Cavite ❤️❤️

Napaaga yta ako sa  Halloween  ahh  👻akala ko araw ko to, bat ako tinakpan 😥
10/03/2026

Napaaga yta ako sa Halloween ahh 👻
akala ko araw ko to, bat ako tinakpan 😥

Ginawa nyo kong multo 😅
09/03/2026

Ginawa nyo kong multo 😅

14/01/2026
Ano ang masasabi nyo sa bagong kulay ng center island
24/12/2025

Ano ang masasabi nyo sa bagong kulay ng center island

HAPPY HALLOWEEN! 🎃 👻 GHOST PROJECT SA GMA? TIGNAN: Ipinadala sa amin ang larawang ito na proyekto ng distrito, sa ilalim...
01/11/2025

HAPPY HALLOWEEN! 🎃 👻 GHOST PROJECT SA GMA?

TIGNAN: Ipinadala sa amin ang larawang ito na proyekto ng distrito, sa ilalim ng DPWH na nagkakahalagang 4.7 MILLION PESOS para sa pagpapagawa ng Drainage sa Barangay Francisco Reyes.

Ang contractor ay ang ALMAKAR BUILDERS AND METAL WORKS.

Batay sa impormasyon, 2023 pa inumpisahan ang proyekto pero hanggang ngayon ay walang nakitang drainage roon.

Happy birthday former mayor MET Mayor Maricel Echevarria Torres
21/10/2025

Happy birthday former mayor MET Mayor Maricel Echevarria Torres

21/10/2025
21/10/2025
MAYOR ED CUSTODIO, BINAWI ANG NAUNANG ANUNSYO NA NO FACE-TO-FACE CLASSES HANGGANG NOV. 2GENERAL MARIANO ALVAREZ, CAVITE ...
19/10/2025

MAYOR ED CUSTODIO, BINAWI ANG NAUNANG ANUNSYO NA NO FACE-TO-FACE CLASSES HANGGANG NOV. 2

GENERAL MARIANO ALVAREZ, CAVITE — Binawi ni Mayor Ed Custodio ang naunang anunsyo hinggil sa “Extended No Face-to-Face Classes hanggang November 2” at ipinauubaya na sa mga Principal ng bawat pampubliko at pribadong paaralan ang pagpapasya kung magkakaroon ng klase o hindi.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ng alkalde na pangunahing konsiderasyon pa rin ng lokal na pamahalaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral sa gitna ng pabago-bagong lagay ng panahon at mga ulat ng sakit sa ilang lugar.

“Katulad po ng aking unang announcement, ngayon po ay akin na pong ipinapaubaya sa lahat ng Principals, private at public schools sa lahat ng antas, ang pagpapasya kung magkakaroon ng face-to-face classes. Ang sa akin lang po ay inuuna ko ang kapakanan at kaligtasan ng lahat, lalo na ng ating mga mag-aaral,” ani Mayor Custodio.

Hinimok din ng alkalde ang mga paaralan na makipag-ugnayan sa kani-kanilang barangay at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante sakaling ituloy ang pisikal na klase.

Ang desisyong ito ay bahagi ng layunin ng lokal na pamahalaan na mapanatili ang kalidad ng edukasyon habang tinitiyak ang kaligtasan ng bawat kabataan sa bayan ng General Mariano Alvarez.

Narito ang mahahalagang impormasyon mula sa Department of Health upang tayo ay makaiwas na mahawa ng sakit at mga dapat ...
13/10/2025

Narito ang mahahalagang impormasyon mula sa Department of Health upang tayo ay makaiwas na mahawa ng sakit at mga dapat nating gawin kung sakaling tayo ay tamaan nito.

‘𝗡𝗮𝘆, ‘𝗧𝗮𝘆, 𝗜𝗽𝗮-𝗡𝗲𝘄𝗯𝗼𝗿𝗻 𝗦𝗰𝗿𝗲𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗻’𝘆𝗼 𝗮𝗸𝗼 𝗵𝗮!Ang Newborn Screening (NBS) ay isang simpleng test sa dugo ng sanggol upan...
13/10/2025

‘𝗡𝗮𝘆, ‘𝗧𝗮𝘆, 𝗜𝗽𝗮-𝗡𝗲𝘄𝗯𝗼𝗿𝗻 𝗦𝗰𝗿𝗲𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗻’𝘆𝗼 𝗮𝗸𝗼 𝗵𝗮!

Ang Newborn Screening (NBS) ay isang simpleng test sa dugo ng sanggol upang matuklasan agad ang mga pangyayaring congenital o mga sakit na hindi kita agad pero pwedeng magdulot ng kapansanan o seryosong problema kung hindi naagapan.

Ginagawa ito sa loob ng unang 24 oras matapos ipanganak sa ospital, health center, o klinika na may sertipikadong pasilidad. Matutukoy at magagamot ng NBS ang higit sa 29 na sakit para maiwasan ang kapansanan at maagang pagkamatay.

Huwag hintayin ang sintomas. Ipa-Newborn Screening agad ang iyong sanggol para maprotektahan ang kanyang kinabukasan.

13/10/2025

Magandang hapon po sa lahat

Ang Registration po para sa kasalang bayan na gaganapin sa December 15,2025 ay sarado n po. Maraming salamat po sa lahat

Address

General Mariano Alvarez
4117

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when General Mariano Alvarez Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share