07/04/2026
Noong ika-31 ng Marso 2026, nagkaroon ng makabuluhang pagpupulong ang General Mariano Alvarez Water District, sa pangunguna ni General Manager Juliet Nacita, kasama sina Engr. Reizl Leguiab Jr. at Ms. Arriene Joy Perucho, at ang Maynilad Water Services, Inc. - Business Development Section, na kinatawanan ni Mr. Wawi Tago, Mr. Carlo Olorvida, at Mr. Christopher Quimo.
Layunin ng pagpupulong na tignan ang posibilidad ng ugnayan ng General Mariano Alvarez Water District at Maynilad Water Services, Inc. sa pamamagitan ng isang Bulk Water Project na inaasahang magbibigay ng karagdagang suplay ng malinis at ligtas na tubig sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite at mga karatig- lungsod ng Dasmariรฑas at Carmona, Cavite. Bahagi ng proyektong ito ang paglalagay ng pangunahing pipeline na magmumula sa tatlong Putatan Water Treatment Plants sa Muntinlupa City papuntang Paliparan, Dasmariรฑas, Cavite, patungo sa General Mariano Alvarez, at Carmona, Cavite, na magsisilbing daluyan ng tubig sa mga nabanggit na lugar.
Kung maging feasible at ganap, sa pamamagitan ng proyektong ito, inaasahang mapapalakas ang distribusyon ng tubig at mas maraming kabahayan ang mabibigyan ng maaasahang serbisyo.
Patunay ang pagpupulong na ito ng patuloy na pagsusumikap ng General Mariano Alvarez Water District na makipagtulungan sa mga katuwang na institusyon upang mapabuti ang serbisyo at makapaghatid ng pangmatagalang solusyon para sa komunidad.