Kons Erwin Diño

Kons Erwin Diño This is the official page of Kons Erwin Diño of Brgy Gregoria De Jesus

🫡🫡🫡
06/08/2026

🫡🫡🫡

𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 | 𝗛𝗢𝗨𝗦𝗘 𝗕𝗜𝗟𝗟 𝗡𝗢. 𝟵𝟲𝟵𝟳 𝗔𝗣𝗣𝗥𝗢𝗩𝗘𝗗 𝗢𝗡 𝟯𝗥𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗜𝗡𝗚🏘️🇵🇭

Magandang balita para sa mga pamilyang Pilipino!

Naaprubahan sa Ikatlo at Pinal na Pagbasa sa House of Representatives ang House Bill No. 9697, na pangunahing inakda ni Congressman Roy M. Loyola.

Kapag naisabatas, makatutulong ang panukalang ito na mapabilis at mapaganda ang pagpapatupad ng mga programa sa socialized housing, upang mas maraming Pilipino ang magkaroon ng pagkakataong magkaroon ng sariling ligtas at disenteng tahanan.

Patuloy na isinusulong ni Cong. Roy ang mga panukalang batas na naglalayong makapagbigay ng mas maayos na buhay at mas maraming oportunidad para sa bawat pamilyang Pilipino.



06/08/2026

🌧️ WALANG PASOK | Friday, August 7, 2026

Patuloy na nakararanas ang ating lalawigan ng malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat na pinalalakas ng Bagyong MAYMAY. Bilang pag-iingat at upang maiwasan ang anumang panganib na maaaring idulot ng masamang panahon, suspendido ang klase sa lahat ng antas, sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong Lalawigan ng Cavite, August 7, 2026 (Biyernes)

Hinihikayat ko ang bawat pamilya na manatili sa ligtas na lugar at iwasan ang hindi kinakailangang paglabas ng bahay, lalo na kung may pagbaha o iba pang banta sa inyong lugar.

Patuloy tayong magbantay sa mga opisyal na anunsyo at makiisa sa mga paalala ng ating mga kinauukulang ahensya.

Mag-ingat po tayong lahat at nawa’y manatiling ligtas ang bawat pamilyang Caviteño. 💙

06/08/2026
05/08/2026
05/08/2026

📢 CLASS SUSPENSION ADVISORY
Thursday, August 6, 2026

Dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon (Habagat), na pinalalakas ng Bagyong MAYMAY, at inaasahang magdudulot ng tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan sa Lalawigan ng Cavite, suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa buong lalawigan ngayong Huwebes, August 6, 2026.

Pinapayuhan ang lahat na unahin ang kanilang kaligtasan at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng PAGASA, ng inyong lokal na pamahalaan, at ng mga kinauukulang ahensya.

Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga kawani ng paaralan ang ating pangunahing prayoridad.

Maraming salamat po at mag-ingat ang lahat. 💙

04/08/2026

🌙 Magandang gabi po!

Sa LAHAT ng nag-aabang, tulog na po tayong lahat. 😴💤

📢 Wala pong pasok bukas, Agosto 5, 2026 (Miyerkules), dahil sa patuloy na masamang lagay ng panahon.

Pinapayuhan po ang LAHAT na manatiling ligtas, handa, at alerto sa lahat ng pagkakataon. 🌧️🙏

Mag-ingat po tayong lahat! ❤️





Address

Gregoria De Jesus
General Mariano Alvarez
4117

Telephone

+639082361452

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kons Erwin Diño posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kons Erwin Diño:

Share