25/09/2025
Narito na ang Aggie Trends August 2025 Issue!
Basahin ang pinakabagong edisyon ng Aggie Trends, ang opisyal na buwanang publikasyon ng Department of Agriculture (DA) na inilalathala ng DAโAgriculture and Fisheries Information Division (AFID).
Tampok sa isyung ito ang mga kwentong tagumpay na nagpapakita ng lakas ng kooperatiba, inobasyon, at pagkilala sa mga lider ng agrikultura:
๐ฝ Ang Samahang Gumagawa Tungong Tagumpay Multi-Purpose Cooperative (SAGUTT MPC) ng Sablayan, Occidental Mindoro na dalawampung taon nang sandigan ng maliliit na magsasaka at mangingisda sa kanayunan
๐ด Ang Yakap at Halik Multi-Purpose Cooperative (YHMPC) Quezon 2 mula sa Quezon Province, ang tinaguriang Coconut Capital ng Pilipinas, na katuwang ng mga magniniyog, mangingisda, at maliliit na negosyante
๐ Si DA Undersecretary for Livestock Dr. Constante Palabrica na pinarangalan bilang isang Distinguished Alumnus for Public Health Promotion para sa kategoryang Agribusiness and Food Security sa idinaos na University of the Philippines Alumni Association (UPAA) Alumni Awards.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 39th National Coconut Week, tampok din ang Agri-Wikain tungkol sa โbukoโ vs โniyogโ at Agri-Teknolohiya na nagpapakilala sa mga likhang-kamay mula sa puno ng niyog.
I-download ang buong isyu sa: https://tinyurl.com/AggieTrendsAugust2025