03/08/2026
Ngayong buwan ng Agosto, nakikiisa ang General Santos City Public Library sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang:
"Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."
Patuloy nating pahalagahan at gamitin ang ating sariling wika bilang susi sa kaalaman, pananaliksik, at makabagong teknolohiya. Sa tamang paggamit ng AI at Wikang Filipino, mas nagiging bukas at mas madaling maabot ang yaman ng impormasyon para sa lahat.
๐ Sama-sama nating ipagdiwang ang ating wika, kultura, at kaalaman ngayong Agosto!
โจIsang maligayang pagdiriwang ng ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ! ๐ต๐ญ
Ngayong buwan ng Agosto, kaisa ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas (NLP) sa pagtataguyod at pagpapayaman ng ating wikang pambansa, alinsunod sa temang: โ๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค ๐๐ฉ ๐ผ๐: ๐๐๐จ๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ ๐จ๐๐ ๐๐ฉ ๐๐ช๐ก๐๐ฎ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ค๐ง๐ข๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ.โ
Bilang kaban ng karunungan ng bansa, patuloy na magiging katuwang ang sa pagpapalaganap ng Wikang Filipino sa pamamagitan ng ating mga koleksyon at makabagong serbisyo. Hangad namin na sa bawat aklat at babasahing inyong bubuklatin dito sa aklatan, ay higit pang mapayaman ang inyong kaisipan at mapag-alab ang pagmamahal sa ating sariling wika.
Samahan ninyo kami sa isang buwang puno ng kaalaman at pagpapahalaga sa ating kultura at wika!