14/11/2021
TINGNAN: ABBS Garden Park, inilunsad sa DDDES
Matagumpay na inilunsad ng Paaralang Elementarya ng Datu Dumagkal Danial noong ika-6 nitong Nobyembre taong 2021 ang isang proyektong ABBS Garden Park.
Ang naturang proyekto ay may layuning makapagtanim ng mga sari-saring bungag kahoy sa mga nakatiwangwang at mga bakanteng lupain sa loob ng paaralan. Ito ay inisyatibo ni Gng. Nenita S. Ramirez katuwang ang punong g**o ng paaralan na si Gng. Marilyn P. Adeser. Ang nasabing paglulunsad ay dinaluhan ng mga pangunahing pandangal na sina Gng. Lilibeth C. Lamberte, superbisor ng DepEd, retiradong superbisor Dr. Sylvia Acuna, Barangay Kagawad at kasalukuyang SGC President ng paaralan Kag. George Floresca, F/Inspector John E. Etucas, FO2 Normela N. Molarto, mga tauhan ng Task Force Gensan 61D Patrol, barangay Lupon ng Barangay Tinagacan, mga retiradong g**o ng paaralan, Alumni at mga magulang.
Sa kasalukuyan ang ABBS Garden Park ay may mga bungang kahoy na 25 abokado, 100 atis, 100 bayabas, 130 guyabano, 10 saging at 18 niyog na itinanim ng mga magulang mula sa baitang 5 Ramirez, Bisnar, Curob katuwang ang mga tauhan ng Task Force Gensan 61D at barangay Lupon ng Barangay Tinagacan. Ang mga nasabing bungang kahoy ay ipinagkaloob sa paaralan mula sa City Agri ng Heneral Santos.
Tayo GenSan - Katangawan District