19/07/2024
Lakas ng tama!
Nag-viral ang video ng isang muse matapos niyang i-dogshow ang PBA player na si Ricci Rivero sa isang event sa Guinobatan, Albay.
"Basketball player ka ba? Kaya pala nangangamoy babaero ka," sabi ng muse na si Andrea Morera.
"Hi, Ricci, ako pala si Andrea, pero hindi 'yung dati mong sinisinta," mistulang nagbibirong sabi nito kay Ricci, na malinaw na tumutukoy sa aktres na si Andrea Brillantes, na dating nobya ng basketball star.