19/06/2026
Mahalagang Paalala: Modular Distance Learning sa Upper London Elementary School!
Sa ating mga magulang, guardian, at mga mag-aaral,
Dahil sa sunod-sunod na aftershocks at para sa kaligtasan ng buong pamayanan ng ating paaralan, ipatutupad ng Upper London Elementary School ang Modular Distance Learning para sa linggong ito, Hunyo 22β26, 2026.
Pakisunod ang iskedyul para sa distribusyon ng mga modyul at Learning Activity Sheets (LAS) sa darating na Martes, Hunyo 23, 2026:
10:00 AM β 12:00 NN: Kinder hanggang Grade 3
1:00 PM β 4:00 PM: Grade 4 hanggang Grade 6
Mahahalagang Paalala:
Makipag-ugnayan sa inyong Class Adviser para sa paraan ng pangongolekta at pagpapasa ng mga modyul/LAS.
Para sa mga katanungan at iba pang alalahanin, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong kaukulang class adviser.
Ang kaligtasan ng lahat ang ating prayoridad. Patuloy pa rin ang pag-aaral kahit nasaan tayo! Manatiling ligtas ang lahat.