Barangay Sinawal, General Santos City

Barangay Sinawal, General Santos City This Administration is ready to serve you, Barangay Snawal!

๐Ÿ“ข PAALALA: UNCLAIMED TOTALLY & PARTIALLY DAMAGE  DSWD EMERGENCY CASH TRANSFER (ECT)Sa mga kwalipikadong benepisyaryo na ...
16/07/2026

๐Ÿ“ข PAALALA: UNCLAIMED TOTALLY & PARTIALLY DAMAGE DSWD EMERGENCY CASH TRANSFER (ECT)

Sa mga kwalipikadong benepisyaryo na hindi pa nakaka-claim ng kanilang Emergency Cash Transfer (ECT) para sa mga may totally at partially damaged na tahanan, narito ang inyong schedule:

๐Ÿ“ Para sa mga residente ng Barangay Calumpang
Venue: Near Grandstand
Oras: 8:00 AM

๐Ÿ“ Para sa mga benepisyaryo mula sa lahat ng 25 Barangay
Venue: Matalam Street
Oras: 8:00 AM

Hinihikayat ko ang lahat ng may unclaimed ECT na dumalo sa itinakdang iskedyul at dalhin ang mga kinakailangang dokumento upang ma-claim ang inyong ayuda.

Maraming salamat kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa patuloy na suporta at malasakit sa ating mga kababayan.

โ€” Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao, MMPA

๐Ÿ“ข BARANGAY SINAWAL OFFICIAL  ANNOUNCEMENT ๐Ÿ“ฃ Magandang araw po sa lahat!Narito po ang listahan ng mga benepisyaryo ng SIK...
06/07/2026

๐Ÿ“ข BARANGAY SINAWAL OFFICIAL ANNOUNCEMENT ๐Ÿ“ฃ

Magandang araw po sa lahat!
Narito po ang listahan ng mga benepisyaryo ng SIKAD AT HABAL-HABAL para sa validation.

๐Ÿ“… Petsa: Hulyo 7, 2026
๐Ÿ•— Oras: 8:30 ng umaga
๐Ÿ“ Lugar: Barangay Sinawal Gymnasium

๐Ÿ“Œ Mga Kailangang Dalhin:

๐Ÿ“Tatlong (3) photocopy ng anumang Government ID

๐Ÿ“Ang bawat photocopy ay dapat may tatlong (3) pirma ng may-ari

Or / Kung meron

๐Ÿ“Orihinal at photocopy ng valid Driver's License

๐Ÿ“ข Mahalagang Paalala: Ang lahat ng nasa listahan ay inaasahang dumalo sa itinakdang oras at dalhin ang lahat ng kinakailangang dokumento upang maging maayos at mabilis ang proseso ng validation.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon.

๐Ÿ“ข BARANGAY SINAWAL OFFICIAL  ANNOUNCEMENT ๐Ÿ“ฃ Magandang araw po sa lahat!Narito po ang listahan ng mga benepisyaryo ng Tri...
05/07/2026

๐Ÿ“ข BARANGAY SINAWAL OFFICIAL ANNOUNCEMENT ๐Ÿ“ฃ

Magandang araw po sa lahat!
Narito po ang listahan ng mga benepisyaryo ng Tricycle with Franchise na isinumite ng DSWD TEU at PSO para sa validation.

๐Ÿ“… Petsa: Lunes, Hulyo 6, 2026
๐Ÿ•— Oras: 9:00 ng umaga
๐Ÿ“ Lugar: Barangay Sinawal Gymnasium

๐Ÿ“Œ Mga Kailangang Dalhin:

๐Ÿ“Tatlong (3) photocopy ng anumang valid ID

๐Ÿ“Ang bawat photocopy ay dapat may tatlong (3) pirma ng may-ari

๐Ÿ“Orihinal at photocopy ng valid Driver's License

๐Ÿ“ข Mahalagang Paalala: Ang lahat ng nasa listahan ay inaasahang dumalo sa itinakdang oras at dalhin ang lahat ng kinakailangang dokumento upang maging maayos at mabilis ang proseso ng validation.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon.

๐Ÿ“ข OPISYAL NA ABISO | BERIPIKASYON NG MGA NAIULAT NA PARTIALLY DAMAGE NA BAHAY | BARANGAY SINAWAL, GENERAL SANTOS CITY๐Ÿ“Œ1S...
23/06/2026

๐Ÿ“ข OPISYAL NA ABISO | BERIPIKASYON NG MGA NAIULAT NA PARTIALLY DAMAGE NA BAHAY | BARANGAY SINAWAL, GENERAL SANTOS CITY

๐Ÿ“Œ1ST BATCH PARTIALLY DAMAGE๐Ÿ“Œ

Ipinababatid ng Sangguniang Barangay ng Sinawal sa lahat ng residente na nag-ulat ng kanilang bahay bilang Partially Damaged dulot ng nagdaang lindol na magkakaroon ng beripikasyon at pagsusuri na isasagawa ng mga kinatawan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

๐Ÿ“… Petsa: Bukas
๐Ÿ•— Oras: 9: 00 am onwards
๐Ÿ“ Lugar: Barangay Sinawal Gymnasium

Mga Kailangang Dalhin:

โœ… Orihinal na Valid ID
โœ… Isang (1) photocopy ng Valid ID na may tatlong (3) specimen signatures
โœ… Sariling ballpen

๐Ÿ“Œ Mahalagang Paalala:

Ang mga residenteng wala sa listahan ng unang batch ngunit ang kanilang bahay ay Partially Damaged ay maaari ring magtungo sa venue upang mag-fill out ng Intake Form at maisama sa listahan para sa ikalawang batch ng beripikasyon at assessment.

Hinihikayat ang lahat ng apektadong residente na dumalo at makiisa sa nasabing beripikasyon upang mapadali ang maayos na pagsusuri at matiyak na ang tulong ay maipagkakaloob sa mga karapat-dapat na benepisyaryo.

Maraming salamat sa inyong pakikipagtulungan at pag-unawa habang sama-sama nating isinusulong ang pagbangon ng ating komunidad matapos ang kalamidad.

๐Ÿ“ŒMeron po pong 2nd Batch na listing for partially damage, wait lang po tayo. Thank you. ๐Ÿ“Œ

B**g Salamat!

๐Ÿ“ข OPISYAL NA ABISO | BERIPIKASYON NG MGA NAIULAT NA GANAP NA NASIRANG BAHAY | BARANGAY SINAWAL, GENERAL SANTOS CITYIpina...
21/06/2026

๐Ÿ“ข OPISYAL NA ABISO | BERIPIKASYON NG MGA NAIULAT NA GANAP NA NASIRANG BAHAY | BARANGAY SINAWAL, GENERAL SANTOS CITY

Ipinababatid ng Sangguniang Barangay ng Sinawal sa lahat ng residente na nag-ulat ng kanilang bahay bilang ganap na nasira (Totally Damaged) dulot ng nagdaang lindol na magkakaroon ng beripikasyon at pagsusuri na isasagawa ng mga kinatawan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

๐Ÿ“… Petsa: Bukas
๐Ÿ•— Oras: 9:30 am onwards
๐Ÿ“ Lugar: Barangay Sinawal Gymnasium

Mga Kailangang Dalhin:

โœ… Orihinal na Valid ID
โœ… Isang (1) photocopy ng Valid ID na may tatlong (3) specimen signatures
โœ… Sariling ballpen

๐Ÿ“Œ Mahalagang Paalala:

Ang mga residenteng wala sa listahan ng unang batch ngunit ang kanilang bahay ay ganap na nasira (Totally Damaged) ay maaari ring magtungo sa venue upang mag-fill out ng Intake Form at maisama sa listahan para sa ikalawang batch ng beripikasyon at assessment.

Hinihikayat ang lahat ng apektadong residente na dumalo at makiisa sa nasabing beripikasyon upang mapadali ang maayos na pagsusuri at matiyak na ang tulong ay maipagkakaloob sa mga karapat-dapat na benepisyaryo.

Maraming salamat sa inyong pakikipagtulungan at pag-unawa habang sama-sama nating isinusulong ang pagbangon ng ating komunidad matapos ang kalamidad.

B**g Salamat!

ISANG BUNGA NG PAGKAKAISA: TAOS-PUSONG PASASALAMAT NG BARANGAY SINAWAL SA UAE AID   ๐Ÿ‡ฆ๐Ÿ‡ช๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญSa kabila ng matinding pagsubok ...
20/06/2026

ISANG BUNGA NG PAGKAKAISA: TAOS-PUSONG PASASALAMAT NG BARANGAY SINAWAL SA UAE AID ๐Ÿ‡ฆ๐Ÿ‡ช๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Sa kabila ng matinding pagsubok matapos ang Magnitude 7.8 na lindol noong June 8, isang liwanag ng pag-asa ang naramdaman ng ating komunidad mula sa kabilang dako ng mundo.

KAHAPON, June 19, 2026, sa Purok Paopao Evacuation Center, nasaksihan ng mga mamamayan ng Barangay Sinawal ang isang dakilang gawa ng pagmamalasakit.

Buong-puso po kaming nagpapasalamat sa UAE AID sa kanilang mabilis at malaking tulongโ€”halos 1,000 food parcels at mga galon ng malinis na inuming tubig ang personal nilang inihatid para sa mga pamilyang labis na naapektuhan.

Ang napakahalagang tulong na ito ay naisakatuparan sa pamumuno at buong-pusong suporta ni His Excellency Mohamed Obaid Salem Al Qatam Alzaabi, UAE Ambassador to the Philippines. Dahil sa kanyang dedikasyon, ligtas na nakarating ang mga relief goods na ito sa mga kamay ng bawat Sinawalian sa panahong higit natin itong kailangan.

Kasabay nito, taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng ating mga kawani ng Barangay at sa mga masisipag na volunteers mula sa iba't ibang purok. Ang inyong walang-sawang pagtutulungan, pagod, at dedikasyon ang naging susi upang maging maayos at matagumpay ang pamamahagi ng tulong na ito.

Higit pa sa pagkain at tubig, ang tulong na ito ay nagbalik ng lakas ng loob at nagpaalala sa atin na hindi tayo nag-iisa sa labang ito. Walang hangganan ang tunay na pagtutulungan, at ang kabutihang-loob na ipinamalas ng United Arab Emirates ay hinding-hindi malilimutan at habang-buhay na itatala sa kasaysayan ng Barangay Sinawal.

Habang tayo ay patuloy na bumabangon at nagkakaisa, buong-puso kaming nagpapasalamat: Shukran jazilan โ€”maraming salamat sa pagtayo kasama namin. ๐Ÿคโœจ

๐Ÿ“ Purok Paopao Evacuation Center
๐Ÿ—“๏ธ June 19, 2026

๐Ÿ’ก Note: Isang malaking pagpupugay at pasasalamat din sa ating mga volunteers na nagkusa at nagtulong-tulong na magbitbit ng mga mabibigat at malalaking karton pati na ng mga tubig para sa ating mga nakatatanda at sa lahat ng nangangailangan ng assistance, upang hindi na sila mahirapan at makuha agad ang kanilang mga relief packs. Mabuhay kayo!



______________________________________________

A TESTAMENT OF SOLIDARITY: BARANGAY SINAWAL EXTENDS PROFOUND GRATITUDE TO UAE AID๐Ÿ‡ฆ๐Ÿ‡ช๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

In the wake of the devastating Magnitude 7.8 earthquake that shook our lives last June 8, the spirit of global humanity has shone a brilliant light upon our community.

YESTERDAY, June 19, 2026, at the Purok Paopao Evacuation Center., the people of Barangay Sinawal witnessed a profound act of generosity and compassion. We extend our deepest, most heartfelt gratitude to UAE AID for their swift and monumental response, delivering nearly 1,000 essential food parcels and gallons of clean, potable water to our displaced families.

This critical lifeline was made possible through the outstanding leadership and unwavering support of His Excellency Mohamed Obaid Salem Al Qatam Alzaabi, UAE Ambassador to the Philippines. Through his dedication, this vital relief reached the hands and homes of the Sinawalian people at a time when we needed it most.

Alongside this, we express our deepest gratitude to our Barangay staff and the dedicated volunteers from our various puroks. Your tireless cooperation, hard work, and unity ensured the smooth and successful distribution of these relief goods to those in need.

More than just sustenance, this noble gesture has restored hope, brought immense comfort, and reminded our people that we do not walk the path of recovery alone. True friendship knows no borders, and the overwhelming kindness and solidarity shown by the United Arab Emirates will be forever etched in the hearts and history of Barangay Sinawal.

As we stand resilient, determined to recover and rebuild, we say: Shukran jazilan โ€”thank you for standing with us. ๐Ÿคโœจ

๐Ÿ’ก Note: We also give a special tribute and thanks to our volunteers who took the initiative to carry the heavy boxes and water containers for our senior citizens and for everyone who needed assistance, ensuring they wouldn't have to strain themselves and could receive their relief packs quickly and safely. Kudos to everyone!

ISANG MARAMING SALAMAT MULA SA BARANGAY SINAWAL! ๐Ÿ™โค๏ธNoong nakaraang June 9, naramdaman ng ating komunidad ang tunay na b...
19/06/2026

ISANG MARAMING SALAMAT MULA SA BARANGAY SINAWAL! ๐Ÿ™โค๏ธ

Noong nakaraang June 9, naramdaman ng ating komunidad ang tunay na bayanihan. Matapos ang matinding lindol na yumanig sa Southern Mindanao, marami sa ating mga kapitbahay dito sa Barangay Sinawal ang labis na nasiraan ng mga bahayโ€”lalo na ang 34 households sa Purok Tabalon na pansamantalang nawalan ng masisilungan.

Sa gitna ng pangamba at kawalan ng kasiguruhan, hindi tayo pinabayaan. Agad na dumating ang Dole Philippines, Inc., kasama ang Mahintana Foundation, Inc., Dolefil Kaugnay, Dolefil Kapatiran, LEAD PH, at LEAD Salaried, para ihatid ang kanilang Caravan of Hope. Sila ang nagdala ng mga relief packs at mahahalagang temporary shelter materials para sa mga pamilyang labis na naapektuhan.

Ang buong Barangay Council sa pamumuno ni Hon. Eduardo W. Bantilan, ang ating kapitan, at ang buong komunidad ng Sinawal ay taos-pusong nagpapasalamat sa pamunuan at mga empleyado ng Dolefil pati na rin sa lahat ng nagcontribute to make this happen. Napakalaking bagay po na sa panahon ng matinding pagsubok, may mga pusong handang tumulong para ipadama sa amin na hindi kami nag-iisa. Ang tulong na ito ang nagbigay sa amin ng lakas at pag-asa na muling makabangon.

Muli, maraming-maraming salamat sa inyong lahat sa pagbabahagi ng inyong "sunshine" sa Barangay Sinawal! May God bless you all more! โ˜€๏ธ๐Ÿค

๐Ÿ“ธNote: Some of the photos used in this post were grabbed from the official page of Dolefil Cares. Reference: https://www.facebook.com/share/p/1HUmwNsUcw/

WORLD VISION, NAGHATID NG MADALIANG HUMANITARIAN INTERVENTION PARA SA MGA PAMILYANG APEKTADO NG LINDOL SA BRGY. SINAWALB...
19/06/2026

WORLD VISION, NAGHATID NG MADALIANG HUMANITARIAN INTERVENTION PARA SA MGA PAMILYANG APEKTADO NG LINDOL SA BRGY. SINAWAL

BARANGAY SINAWAL, GENERAL SANTOS CITY โ€” Matapos ang malakas na 7.8-magnitude na lindol na yumanig noong nakaraang June 8 sa ganap na alas-7 ng umaga, agad na naglunsad ng humanitarian intervention ang international non-government organization na World Vision upang saklolohan ang mga residenteng labis na naapektuhan sa ating komunidad.

Sa pagpapakita ng mabilis na aksyon, dumating ang koponan ng World Vision sa General Santos City bandang alas-3 ng hapon sa mismong araw ng lindol upang magsagawa ng mga rapid assessment. Matapos ang pakikipag-ugnayan sa mga tanggapan ng pamahalaan, dumaan ang organisasyon sa isang masusing community assessment at validation process. Sa pamamagitan ng on-the-ground verification na ito, natukoy at napatunayan ng World Vision na may kabuuang 180 na sambahayan sa Barangay Sinawal ang nagtamo ng totally damaged houses o tuluyang nawalan ng tirahan.

Kaninang umaga, pormal na isinagawa ang distribusyon kung saan naghatid sila ng mga essential food at non-food items direkta sa mga validated beneficiaries upang matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

"We pray for the affected families to be safe, resilient, and to recover fast, lalo na sa mga panahong ito na nakararanas pa tayo ng paminsan-minsang pag-aftershock. We pray for the welfare and safety of the children, at sana mas maging resilient at matatag ang bawat pamilya rito sa Barangay Sinawal.โ€ wika ni Kristine Roxas, Humanitarian and Emergency Affairs Manager ng World Vision, na nagsisilbi ring Response Manager ngayong araw.

Bukod sa materyal na tulong, binigyang-priyoridad din ng humanitarian group ang mental health at psychosocial support. Nagtayo ang World Vision ng mga Child-Friendly Spaces upang matulungan ang mga bata na maproseso at malampasan ang takot o trauma na dulot ng kalamidad. Bukod dito, nagpaabot din sila ng Psychosocial First Aid (PFA) support para sa 70 na g**o at matatanda sa General Santos City. Sumailalim ang mga lokal na g**o at lider na ito sa pagsasanay upang maarmasan sila ng debriefing skills na magagamit nila sa patuloy na paggabay sa kanilang mga komunidadโ€”matapos dumaan mismo ang mga responders sa paunang debriefing process.

Matapos ang matagumpay na distribusyon ngayong umaga sa Barangay Sinawal, agad na tutuloy ang response team ng World Vision sa iba pang mga apektadong barangay upang ihatid ang susunod na bahagi ng kanilang relief operations.

Ang Barangay council sa pangunguna ni Hon. Eduardo W. Bantilan at ang buong komunidad ng Barangay Sinawal ay nagpapahayag ng kanilang taos-pusong pasasalamat sa World Vision para sa kanilang mabilis na pagtugon, maagang interbyensyon, at walang sawang pagsuporta sa kapakanan ng mga pamilya at mga bata.

Address

Purok Cabuay Barangay Sinawal
General Santos City
9500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Sinawal, General Santos City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share