19/08/2026
๐ก๐๐๐๐ฅ๐๐ง๐๐ก๐ ๐ก๐!
Minsan, akala natin tapos na. Minsan, akala natin hanggang dito na lamang. May mga paglalakbay na hindi naman talaga natin piniling tapusin, ngunit may mga sandaling kailangan nating humakbang palayo upang maunawaan kung saan ba talaga tayo patungo.
Sa bawat paghayo, may iniwang alaala. May mga salitang hindi nasabi, mga kamay na binitawan, at mga damdaming kahit pilit nating isara ay patuloy pa ring kumakatok sa puso. Hindi naman madali ang pakikibaka sa pag-ibig. Sapagkat ang pagmamahal sa tunay nitong anyo ay mapagpalaya, tulad ng paglalakbay, ay hindi laging may malinaw na direksyon. Minsan, naliligaw tayo. Minsan, bumabalik sa pinanggalingan. At minsan, kailangan nating magpatuloy kahit hindi natin alam kung saan hahantong.
Ngunit marahil, iyon ang hamon ng bawat paghayo: ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ธ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ต๐ถ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ถ๐๐ฎ๐ธ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐๐น๐ผ.
Sa isang compass, hindi naman nito sinasabi kung saan ka dapat makarating. Ipinapaalala lamang nito kung nasaan ang iyong direksyon. At marahil, ganoon din ang puso. Maaari tayong maligaw sa pagitan ng pag-asa at pagtanggap, sa pagitan ng pananatili at pag-alis, ngunit palaging may munting karayom sa loob natin na patuloy na nagtuturo kung ano ang mahalaga.
Kaya ang bawat paghayo ay hindi lamang tungkol sa pag-alis. Ito ay tungkol sa paghahanap ng direksyon. Sa paghahanap ng sarili. Sa pag-alam kung ano ang dapat bitawan at kung ano ang dapat dalhin sa susunod na paglalakbay.
Dahil sa dulo, hindi naman lahat ng paglalakbay ay tungkol sa pagdating. Minsan, ang pinakamahalagang bahagi ay ang paglalakadโang mga taong nakasama natin, ang mga landas na tinahak, ang mga pagkakataong naligaw tayo, at ang mga sandaling pinili pa rin nating magpatuloy.
At kung sakaling dumating ang araw na hindi na natin alam kung saan tayo patungo, sana ay maalala natin: may compass tayong dala. Hindi man nito maipakita ang buong daan, sapat na itong paalala na ang bawat paghayo ay may patutunguhan.
Dahil ang kabataan, tulad ng pag-ibig, ay isang paglalakbay. Patuloy na naghahanap, patuloy na nangangarap, at patuloy na humahayoโkahit hindi pa natin alam kung saan tayo dadalhin ng ating mga yapak.
Written by Melden Dave Casing
Pubmat by Neslee Daffny Pascua