28/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐ฉ๐ ๐ฌ๐ ๐ก๐๐ฅ๐ข๐ ๐ข ๐ง๐ ๐๐ข๐ฆ๐๐๐ก๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐๐ง๐๐ฆ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ญ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ฉ๐๐ค๐ข๐๐ฅ๐๐ฆ
โ
Sapat na ang paniniwalang ang pananampalataya ay nakakulong lamang sa apat na sulok ng simbahan. Sa harap ng lumalaking pangangailangan ng pamayanan, ipinadama ng Catholic Youth Ministry (CYM) ng St. Gabriel of Our Lady of Sorrows Parish (SGOLSP) na may malaking papel na ginagampanan kahit na ang mga pangkat-relihiyoso sa pagtatayo at pag-unlad ng komunidad.
โTangan ang pagnanais na makapaglingkod, sinuong ng ministriya ang isang landas na bihirang tahakin ng mga pangkat-relihiyosoโang pagsali sa isang gobyernong programaโang Gawad Pantas, isang pagkilala mula sa pamahalaang lokal ng Barangay Apopong.
Isang hakbang na naglalayong gibain ang pader sa pagitan ng gobyerno at simbahan, at muling pagtibayin ang panawagan para sa aktibong pakikilahok sa paghubog ng kabataan at katarungang panlipunan.
Walang mang hawak na pondo at walang natatanggap na sweldo, patuloy na nagpupumiglas ang kabataan at naghahangad ng espasyo upang makatulong sa pagbuo ng komunidad, habang patuloy namang kinakaharap ang hamon ng kakulangan sa suporta.
Itinakda ng Brgy. Ordinance 001, series of 2025, ang Gawad Pantas: Natatanging Kabataan ng Apopong Program ay isang inisyatibo ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Apopong na nagbibigay parangal at pagkilala sa mga katangi-tanging kontribusyon ng iba't-ibang uri ng pangkat at sektor sa pagunlad ng komunidad, pati na ang pagtatayo ng morale para sa mga kabataang Apopongian.
Ang pagsali ng isang relihiyosong ministriya sa isang inisyatibo ng gobyerno ay maituturing hindi pangkaraniwan dahil sa nakagisnang pagkahiwalay sa mga gawi ng gobyerno at ng simbahan.
๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ป๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ผ๐ธ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ถ๐ป๐ถ๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐บ๐ฝ๐ฒ๐๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ถ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ด๐ผ๐ฏ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ผ?
Sa isang pahayag mula kay Rikki Jean Padios, miyembro ng nasabing ministriya, mariing inilahad niya ang realidad ng kanilang laban:
โโActually, ano, ah, premyo, kasi CYM, walang fund. Very zero-based... and walang sweldo. Most sa naga-serve kay students.โ
Isang karaniwang maling akala na ang mga grupo sa simbahan ay laging may sapat na pondo, malayong-malayo sa reyalidad na kinakaharap ng mga kabataang volunteer sa ibaba. Dagdag pa nila, ang premyong ito ay hindi para sa pansariling interes, kundi isang pamamaraan upang mapondohan ang mga programang huhubog sa kapwa nila kabataan. Sa gitna ng limitadong pinagkukunan ng pondo, naghahanap sila ng mga pagkakataong makasuporta sa mga programang nakatuon sa paghubog at paglilingkod sa kapwa kabataan.
โ
Hindi nagpaawat ang grupo sa paggigiit na sila ay mahalagang bahagi ng mas malaking lipunan. Sa pahayag ni Irene Grace Espadilla, ang coordinator ng ministriya, tungkol sa kanilang partisipasyon sa mga programa tulad ng Ugnayan ng Barangay at Simbahan (UBAS), malinaw ang kanilang mensahe:
โโThe church and the government are hand-in-hand jud ang pagtabangay... we are existing not only for the church, but also for the community itself.โ
โ๐ฆ๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด, ๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ต๐ฒ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ถ๐ ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด: ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ผ๐๐ฒ๐ ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ด๐ธ๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ฏ๐ถ๐ธ๐ผ ๐๐ฎ ๐๐๐ป๐ด๐ธ๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฒ๐๐ฝ๐ถ๐ฟ๐ถ๐๐๐๐ฎ๐น. Kusang-loob pa nga nilang ipinagpaliban ang kanilang sariling formation activity na Youth Encounter Seminar (YES) mula August 21 to August 28-31 upang magbigay-daan sa Linggo ng Kabataan sa barangay na gaganapin sa August 21-25. Isang malinaw na patunay ng pagpaparaya para sa isang adhikain.
โSa pagbabahagi ng coordinator ng CYM, binigyang-diin nito na ang tunay na diwa ng kanilang pagsisilbi kay Kristo ay ang panawagan para sa tunay na aksyon:
โโServing God is serving His people... ako personally, I cannot see the physical Christ, โdi ba? So for me, loving Him, knowing Him, and serving Him is serving His people.โ
Aniya, ito ang pinaka-ubod ng kanilang layunin simula pa noong 2022: ๐ฉ๐ค ๐จ๐๐ง๐ซ๐ ๐ฌ๐๐ฉ๐๐ค๐ช๐ฉ ๐๐ค๐ช๐ฃ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ค๐จ๐ฉ.
Ang maglingkod nang walang hinihintay na kapalit, lumaban sa kabila ng kakulangan, at panagutan ang kinabukasan ng pamayanan gamit ang dedikasyon at integridad.
โAng pagsali sa Gawad Pantas ay hindi lamang isang simpleng patimpalak; isa itong sandali ng pagmulat na ang kabataang mananampalataya ay hindi nagbubulag-bulagan sa suliraning pinapasan ng komunidad. Manalo man o matalo, ito ay paalala na ang laban para sa isang maayos at progresibong barangay ay hindi pa tapos. Ito ay isang panawagan para kumilos, magtulungan, magising, at manindiganโisang banal na panata.
Mananatili ang kanilang serbisyo para sa mga kabataan kaakibat ang kanilang misyon para sa pananampalataya. Dagdag ni Irene:
โFor me, kung hindi man manalo, being part of the activity or being part of this initiative ni SK is already an honor to usโฆ.. amo jud na siya ang thrust jud nato na tabangay jud.โ
โAng pananampalataya ay hindi paglayo sa mundo; ito ay ang matapang na pagyakap sa mga hamon nito. Na habang mayroong kabataang handang magsalita, handang magparaya, at handang lumaban para sa tama, mananatili ang pag-asang may bukas na mas matuwid at makatarungan para sa bayan.
Article: ๐๐ฒ๐ผ๐ป๐ฎ๐น๐ฑ ๐๐ผ๐ต๐ป ๐๐ผ๐ป๐๐ฎ๐น๐ฒ๐
Photo: ๐๐ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ