28/08/2026
๐๐ ๐๐ข๐ค๐, ๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ ๐๐ญ ๐๐๐ซ๐๐ง๐๐ฌ๐๐ง: ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฒ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ญ๐ข๐ซ๐๐๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐
GENERAL SANTOS CITY โ Sa makukulay na Filipiniana, barong, tradisyonal na kasuotan ng mga Blaan at Moro, at tangan ang mga bandilang Pilipino, muling ipinamalas ng mga retirado ang isang mahalagang mensahe: hindi nagreretiro ang pagmamahal sa bayan, kultura, at pagbabahagi ng karanasan.
Nakibahagi at nakisaya ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) Regional XII, sa pangunguna ni Regional Director Dr. Rochelle Gajete-Oco, MD, DPCOM, sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng Government and Private Retirees Association of General Santos City noong Agosto 27, 2026, sa Barangay Dadiangas South Covered Court. Isinabay ang pagdiriwang sa kanilang general assembly, na isinagawa sa suporta ni Punong Barangay Rock Eliseo Garay.
Tampok sa programa ang mapitagang pagpasok ng mga kulay, sagisag at bandila ng Pilipinas, Parangal ng mga Retirado, at mga bandang isinuot sa balikat ng mga retirado, na may mga titulong Perlas ng Silangan, Luzon, Visayas at Mindanao, Dakilang Ina ng Retirados, at Hiyas ng Wika ng Gensan.
Sa temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,โ ipinakita ng mga miyembro ang yaman ng kultura sa pamamagitan ng Sayawit na kumatawan sa Tagalog, Cebuano/Bisaya, Maguindanao, Blaan, Kapampangan, Ilocano at Ilonggo/Hiligaynon.
Naging masigla rin ang pagtatanghal ng Mamang Sorbetero, Kuratsa at Dayang-Dayang, na sinalihan ni Direktor Oco at ng mga kawani ng NCSC XII. Itinaas din ng mga retirado ang kanilang pagmamahal sa bansa sa mataimtim na pag awit ng โAko ay Pilipino.โ
Para kay Estrella Tan, pangulo ng samahan, ang pagdiriwang ay sagisag ng pagkamakabayan at katatagan ng mga retirado sa kabila ng mga hamon na kinaharap ng komunidad at sektor nitong mga nakaraang buwan.
Para sa ilan sa mga miyembro, ang makukulay na Filipiniana at tradisyonal na kasuotan ay hindi lamang para sa selebrasyon. Ito ay mga kasuotang dati na nilang isinusuot noong sila ay nagtatrabaho paโat ngayon ay muli nilang inilabas upang ipagdiwang ang kanilang kultura at pagkakakilanlan.
Ilan sa kanila ay mga retiradong g**o na buong buhay na naglaan ng panahon sa pagtuturo at paghuhubog sa mga kabataan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Direktor Oco na hindi nagtatapos sa pagreretiro ang kakayahang magbahagi at matuto.
โHindi natatapos sa pagiging senior citizen ang pagbabahagi ng ating mga karanasan at natutunan sa mga nakababatang henerasyon.โ
Aniya, nais din ng NCSC XII na matuto mula sa mga nakatatanda. โGusto naming matuto mula sa inyoโmula sa inyong mga karanasan at kaalaman, at maibahagi ninyo ito sa amin.โ
Inanyayahan ni Direktor Oco ang mga retirado sa pagdiriwang ng Linggo ng Katandaang Filipino sa Oktubre at hinikayat silang ituring ang NCSC XII Regional Office bilang kanilang โpangalawang tahanan.โ
โNais naming malaman ang kuwento ng bawat isa sa inyo at tulungan ninyo kaming lalo pang mapabuti ang aming mga serbisyo,โ aniya.
Sa pagdiriwang na ito, na nagtapos sa masayang salu-salo, muling pinatunayan ng mga retirado na ang wika ay hindi lamang mga salitang binibigkasโito ay kuwento ng pinagmulan, salamin ng kultura, tulay ng mga henerasyon, at tinig ng isang buhay na patuloy na may maibabahagi.(NCSC Region XII)