02/09/2026
KULMINASYON NG BUWAN NG WIKA 2026 🇵đź‡
Isang makabuluhan at masayang pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 na isinagawa sa Mabuhay Elementary School.
Sa temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” naging tampok ang iba’t ibang pagtatanghal na nagbigay-daan upang maipakita ng ating mga mag-aaral ang kanilang talento, husay, pagkamalikhain, at pagmamahal sa wikang Filipino.
Ang matagumpay na gawain ay pinangunahan ni Ma'am Hazel P. Cuadrado, Filipino Koordineytor, katuwang ang buong pamunuan ng paaralan sa pangunguna ni Ma'am Mercedes E. Egalam, Punong G**o, at ni Ma'am Leah Mae Mosquera, Itinalagang Kawaksing Punong G**o.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng g**o, mag-aaral at mga magulang na nakiisa at nagbigay ng suporta upang maging makabuluhan at matagumpay ang pagdiriwang.
Patuloy nating mahalin, gamitin, at ipagmalaki ang ating sariling wika—sapagkat sa wika, buhay ang ating kultura at pagkakakilanlan.
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang Kulturang Pilipino!