06/08/2026
📍𝘎𝘌𝘕𝘌𝘙𝘈𝘓 𝘚𝘈𝘕𝘛𝘖𝘚 𝘊𝘐𝘛𝘠
𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡 | Mahigit 20 barangay sa General Santos City ang sinuyod ng Post-Disaster Needs Assessment (PDNA) Team 4, sa pangunguna ng Office of Civil Defense (OCD) Region XII, bilang bahagi ng patuloy na assessment at validation sa mga pinsalang dulot ng Magnitude 7.8 offshore Sarangani earthquake.
Mula Agosto 4 hanggang 5, 2026, nagtulungan ang mga miyembro ng inter-agency team sa pagsasagawa ng school-to-school inspections sa mga paaralang may naitalang pinsala sa mga silid-aralan at iba pang pasilidad. Kabilang sa mga binisita ang E. Valdomar High School, Conel Central Elementary School, A.G. Busano Sr. High School, Samboang Ngilay High School, Batomelong Elementary School, Buayan National High School, Baluan Elementary School, General Santos Foundation College, Inc., General Santos Doctors' Medical School Foundation, Inc., at UST General Santos.
Bukod sa sektor ng edukasyon, nagsagawa rin ang team ng assessment sa iba pang mahahalagang sektor. Sa productive sector, na-validate ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 90 business establishments sa 21 sa 26 barangay, habang sinuri naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang 80 bangka, 13 fishponds, at dalawang seaweed associations.
Sa government facilities sector, nakapagsagawa ng assessment sa 120 pasilidad sa 24 sa 26 barangay. Samantala, sa infrastructure sector, natapos ang assessment sa 23 sa 26 barangay, kabilang ang mga lokal at pambansang kalsada at tulay, Philippine Ports Authority, General Santos International Airport, at Bulaong Bus Terminal bilang bahagi ng transportation sub-sector.
Nasuri rin ang 27 water systems sa water sub-sector, mga pasilidad ng power sector, at 40 health facilities upang matukoy ang lawak ng pinsala at ang mga kinakailangang interbensyon para sa rehabilitasyon at pagbangon ng lungsod. #