16/05/2026
๐๐-๐๐
๐๐ ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐ฒ๐ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ข๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ ๐ข๐ญ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐
๐จ๐ซ๐ฎ๐ฆ ๐๐ญ ๐๐๐ซ๐ค๐๐ญ ๐๐๐ญ๐๐ก๐ข๐ง๐
ZAMBOANGA CITY โ Pinagtipon ng Department of AgricultureโBureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang mga salt producer, mamimili, at ibaโt ibang stakeholder mula sa ibaโt ibang panig ng bansa sa isinagawang National Salt Industry Forum at Salt Market Matching noong Mayo 12โ13, 2026 upang palakasin ang market linkages at mapaunlad ang lokal na produksyon ng asin.
Pinangunahan ng National Salt Program Management Office (NSPMO) at Fisheries Industry Development and Support Services Division (FIDSSD) ng DA-BFAR Central Office, katuwang ang DA-BFAR Regional Fisheries Office IX bilang host region, ang dalawang araw na aktibidad na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa pamahalaan, pribadong sektor, industriya ng pangisdaan, at ibaโt ibang samahan ng salt producers sa bansa.
Isinagawa ang forum bilang bahagi ng pagpapatupad ng Republic Act No. 11895 o Philippine Salt Industry Development Act na naglalayong suportahan ang lokal na industriya ng asin sa pamamagitan ng resource mapping, market linkage facilitation, at enterprise development. Bahagi rin ito ng pagpapalawak ng Development of Salt Industry Project (DSIP) na kasalukuyang ipinatutupad sa labintatlong rehiyon sa bansa upang mabawasan ang pagdepende ng Pilipinas sa imported na asin.
Sa pagbubukas ng aktibidad, inilahad ni Mr. Glenn L. Boleng, Officer-in-Charge ng Finance and Administrative Section, ang mensahe ni DA-BFAR IX Regional Director Al-Zath K. Kunting, Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan, salt producers, at pribadong sektor upang mapataas ang produksyon at mapalawak ang oportunidad sa merkado para sa mga lokal na mag-aasin.
Samantala, tinalakay ni DA-BFAR National Director Mr. Elizer S. Salilig, MFT, ang patuloy na suporta ng pambansang pamahalaan sa pagpapasigla ng lokal na industriya ng asin sa pamamagitan ng polisiya, inobasyon, at pagpapalakas ng value chain integration. Hinikayat din niya ang ibaโt ibang industriya na tangkilikin ang lokal na asin bilang suporta sa food security at economic development initiatives ng bansa.
Ipinaliwanag naman ni Dr. Hannibal M. Chavez, Head ng National Salt Program Management Office, ang layunin ng forum na magsilbing plataporma para sa mas malawak na talakayan at palitan ng impormasyon sa pagitan ng mga salt producer, industriya, at pamahalaan upang maitugma ang suplay sa pangangailangan ng merkado.
Sa mga technical sessions, ibinahagi ni Ms. Amor G. Diaz, Chief ng Fisheries Industry Development and Support Services Division, ang mga intervention ng BFAR kaugnay ng marketing at credit facilitation para sa industriya ng asin, kabilang ang BFAR FishCoRe Matching Grants Program na naglalayong mapalawak ang enterprise development at market access ng mga salt producer.
Nagbigay rin ng presentasyon si Atty. Ferdinand T. Pauig ng Bureau of Customs hinggil sa salt importation, tariff regulations, at import volumes na nakaaapekto sa lokal na industriya. Tinalakay niya ang mga hamon na dulot ng imported na asin at ang kahalagahan ng pagpapalakas ng lokal na produksyon.
Isa rin sa mga tampok na presentasyon ang ibinahagi ni Dr. Ericson N. Dela Cruz, Center Director ng DA-Philippine Carabao Center sa Central Luzon State University, tungkol sa โBuffalo Enterprise: An Agribusiness Model and Community Development Strategy in the Philippines,โ kung saan ipinakita niya ang matagumpay na community-based enterprise models na nakatutulong sa pagpapabuti ng kabuhayan sa mga komunidad.
Samantala, ibinahagi rin ng mga kinatawan mula sa ibaโt ibang industriya ang kanilang pangangailangan sa asin at market demand. Tinalakay ni Ms. Rosanna Bernadette Contreras ng SOCCSKSARGEN Federation of Fishing and Allied Industries, Inc. (SFFAII) ang pangangailangan ng tuna industry sa Region XII, habang ibinahagi naman ng mga kinatawan mula sa sardines at dried fish sectors ang lumalaking demand para sa dekalidad na lokal na asin sa fish processing at preservation.
Nagkaroon din ng technology showcase si Ms. Mary Joy Agustin ng National Fisheries Development Center kung saan ipinakilala ang mga value-added flavored salt products bilang bahagi ng product diversification para sa mga lokal na producer.
Sinundan ito ng open forum kung saan tinalakay ng mga kalahok ang ibaโt ibang isyu at hamon na kinahaharap ng industriya ng asin. Nagbigay rin sila ng mga rekomendasyon at mungkahi para sa pagpapatibay ng mga polisiya at pagpapatuloy ng salt mapping initiatives sa bansa.
Sa ikalawang araw ng aktibidad, nakatuon ang Salt Market Matching sa direktang pag-uugnay ng mga lokal na salt producer sa mga potensyal na mamimili at industry partners. Inilahad ni Ms. Amor G. Diaz ang mechanics at layunin ng aktibidad bago isinagawa ang Buyerโs Presentation.
Ibinahagi ng mga kinatawan mula sa fisheries, feed manufacturing, tuna processing, sardines canning, at dried fish industries ang kanilang operational requirements, procurement standards, at market opportunities para sa mga lokal na supplier ng asin.
Kabilang sa mga nagbigay ng presentasyon sina Engr. Justyn Gabriel Contreras ng MSV Blue Catch, Mr. Jules Gayda ng Arvin International, Mr. Daniel V. Cabrera ng Santeh Feeds Corporation, Mr. Danilo Ordesta ng GenSan Fishport Topdown Drivers Multipurpose Cooperative, Engr. Julius V. Daniel ng Southern Philippines Fishing Association Incorporated (SOPHIL), Mr. Leonardo Y. Tan ng Industrial Group of Zamboanga Inc. (IGZI), Mr. Abdul Aziz Kunting ng Dried Fish Dealers of Zamboanga City, at Ms. Jean Ann Macaraig ng Tuna Manufacturer Association of the Philippines.
Nagtapos ang aktibidad sa isinagawang Market Matching at Business-to-Business (B2B) Session kung saan nagkaroon ng direktang talakayan ang mga buyer at supplier hinggil sa product requirements, supply capability, presyo, at posibleng partnerships. Nagbigay ito ng mahalagang oportunidad para sa mga lokal na salt producer na makabuo ng market linkages sa malalaking industry players sa bansa.
Ang National Salt Industry Forum at Salt Market Matching ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng BFAR na palakasin ang value chain ng industriya ng asin sa bansa sa pamamagitan ng capacity building, market development, at mas matibay na stakeholder collaboration. Layunin din nitong suportahan ang pagpapasigla ng lokal na produksyon ng asin at mapabuti ang kabuhayan ng mga Filipino salt producer at coastal communities sa buong bansa.