24/06/2026
๐๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ฌ๐ ๐๐ญ ๐๐๐ฅ๐๐ฌ๐๐ค๐ข๐ญ: ๐๐๐ญ๐ข๐ ๐ง๐ ๐๐๐ -๐๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐ ๐๐ซถ
Taos-pusong pasasalamat sa City Health Office at Sanitation Office, katuwang ang BLGU San Jose sa pangunguna ni Kag. Randal Barde at BHWD ng Brgy. San Jose, sa matagumpay na pagsasagawa ng Medical Mission para sa komunidad ng Purok Bagong Silang, Purok Twok, at Purok Tanda lungsod ng Heneral Santos.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Ako ang Saklay: Lakbay Kalinga Relief Operation, BDO Foundation, at Jen in the Philippines para sa kanilang pamamahagi ng relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad sa nasabing mga komunidad.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kay Rev. Fr. Arnold Abelardo sa pangunguna sa pagbibigay ng Psychological First Aid (PFA) sa mga mag-aaral ng Bagong Silang High School, gayundin sa Knights of Taekwondo GenSan para sa kanilang ipinakitang malasakit sa pamamagitan ng pamamahagi ng relief goods para sa mga mag-aaral at mga magulang ng paaralan.
Ang mga gawaing ito ay patunay na ang pagkakaisa, malasakit, at pakikipagtulungan ng iba't ibang sektor ay nagbibigay ng pag-asa at lakas sa ating komunidad upang patuloy na makabangon at makapagpatuloy sa kabila ng mga pagsubok.
B**g Salamat di sdule! ๐ซถโค๏ธ